CHRISTIAN DANIEL C. VENTURA

Siguradong ang unang mawawala sa parte ng inihaw ay ang parte ng Tiyan na may palaman. Sapagkat nandito ang parteng sobrang sarap, naghahalo ang lasa ng sibuyas at kamatis kasama na rin ang lasa ng taba ng tiyan ng bangus. Kasama na rin ang lasa ng sawsawang toyo at kalamasi, na nagdadagdag ng kakaunting asim at linanamnam sa lasa ng inihaw. Siguradong bago ka umalis ng lameesa ay hinding hindi ka bitin sa iyong kinain.
Ito ay gawa sa Isang buong bangus na nalinis na ang tiyan, hiniwa hiwang pinong sibuyas, kamatis, lagyan ng paminta at asin na ipinasok sa tiyan ng bangus at pagkatapos ay binalot sa dahon ng saging at inihaw. Masarap ito kainin habang mainit pa, ang lasa ng sibuyas at kamatis ay mas lalong kumakapit sa lasa ng laman ng bangus.
Kapag ito ang aming ulam sa hapag mas nasasarapan akong kumain ng nakakamay habang nakataas ang isang paa, masarap namnamin ang manit na bangus kasama ang mainit na kanin.

At kung tinatamad ka pwede ka rin naming bumuli na lang. Mayroon binebentang pinaputok na tiyan ng bangus sa Andoks doon pwedeng pwede mo ng bilhin ng luto, hindi ka na mag hihirap mag luto, na kakainin mo na lang. Meron din ito sa ibang mga restawran ngunit halos doble na ang presyo nito. Meron din naman ito sa mga piling karinderia.
Sana ay makakain kayo nitong pagakaing ito pero ingat lang sa tinik ng bangus baka kayo ay matinik. -DV
wow......isa sa aking fave fishes! ang sarap nito..mapasabaw, prito o ihaw, sobrang sarap!!!!
ReplyDeletegusto kong kumain nito! sigurado ako na sobra sa sarap ito!
ReplyDelete-tine
sarap papakin nyan !!
ReplyDeletenaalala ko rin yung mga panahong nag gaganyan kami with the family. :)
ReplyDeletebangus bangus delicious yet cheap affordable ng pamilyang pinoy :))
ReplyDeletehindi ako mahilig sa seafoods pero yan lang kinakain ko. charap :)
ReplyDeletePictures pa lang Daniel, nakakatakam na! Masarap yung bangus na inihaw tapos isasaw-saw mo sa maanghang na toyo! HMMMMM! YUMYUM!
ReplyDeletemasarap itong luto na ito.
ReplyDeletemasarap tlga ang inihaw na bangus! nakakatakam nman. :)
ReplyDeletebangus!! another delicious kind of seafood!!..
ReplyDeletesarap kainin nyan ng naka kamay!!
Bangus! Pinoy na pinoy pa ang pagkakaluto.
ReplyDeleteMas masarap kainin ito kapag nasa dagat ka.
ReplyDeletetama! masarap talaga yun inihaw na bangus! malinamnam ang laman!
ReplyDeleteWow, ganda naman ng article mo, kagutom naman nyan. Natikman ko na rin yang Pinaptukan na yan, at masarap sya.
ReplyDeleteTry mong Pinaputok na Tiyang Suran. ^_^
Di ko gusto ang isda, maliban nalang kung relyeno ito. :)
ReplyDeletenakakagutom yung picture. :D haha!
ReplyDeleteNakakagutom. :)) Ang ganda ng nilalaman ng blog dahil kumpleto sa impormasyon. :) Hindi pa ako nakakakain nito at dahil sa blog mo, gusto kong subukan. Maraming salamat. :')
ReplyDeletesarap naman nyan! hehehe. try ko nga magluto nyan minsan! meron pa naman bangus sa ref! hehehe
ReplyDeletemaganda siyang lutuin. dapat, may konting soy sauce. haha. para hindi dry sa loob. anyways, cool siya. iba pag nainit sa dahon ng saging ang food eh. pinoy na pinoy ang dating.
ReplyDeleteisa lang ang aking masasabai. para sa akin, masarap kainin ito ng naka-kamay. (miski hindi ako marunong nito) xD
ReplyDelete