Sunday, November 28, 2010

Sinigang na Bangus

Rosemarie Lustresano



       Bawat tao ay may pagkakaiba. May iba’t ibang gusto, may iba’t ibang hilig at may iba’t ibang pananaw. Walang taong sadyang magkatulad. Maaaring may mga bagay na gusto mo na kanya ring gusto, at mga bagay na kanyang gusto ngunit ikaw naman hindi na-eengganyo rito.gaya na lamang sa pagkakaroon ng paboritong pagkain. Kung sasabihin ko sa iyo na mahilig ako kumain ng hipon, hindi ito nangangahulugan na mahihilig ka na din sa pagkain ng hipon nang dahil sa sinabi ko sa iyo na mahilig ako rito. Dahil maaaring hindi ka kumakain nito sapagkat ikaw ay allergic dito.

       Paano nga ba natin nagugustuhan o nagiging paborito ang isang pagkain? Anu-ano ba ang taing batayan sa pagpili ng ating paboritong pagkain? Ito ba’y dahil sa itsura ng pagkain? O dahil sa dulot nito sa ating kalusugan? O baka naman dahil sa lasa nito? O ‘di kaya’y dahil sa ito ang gusto ng nakararami at nais lamang nating maki-uso? O marahil, ito ang madalas nating kinakain o madalas na inihahain sa atin?

      Ang aking paboritong pagkain ay ang Sinigang na Bangus. Madalas itong inihahain sa amin mula pa noong kami ay mga musmos pa lamang hanggang sa ngayon na kami ay malalaki na. Ang putaheng ito ay madalas nating makikita na ibinebenta sa mga karinderia. Ngunit mas makabubuti kung tayo na lamang ang magluluto nito sa ating mga tahanan. Sapagkat mas makasisigurado tayo na malinis ang pamamaraan sa paggawa nito.

Ang mga sangkap sa paggawa nito ay ang mga sumusunod:
• 1 piraso malaking bangus, malinis at hiniwa sa 4 o 5piraso
• 2 piraso kamatis, na hinati sa 4
• 2 medium talong, hiwa
• 5 piraso sitaw, hiwa
• 2 tasa ng dahon ng kangkong
• 1 kutsarita ng asin
• 1 maliit na luya, hiniwa
• 1 katamtamang sibuyas, hiniwa
• 5 tasang tubig
• 1 maliit na pakete ng pulbos ng sampalok

Ang paraan sa paggawa nito:
1. Magpakulo ng tubig sa isang kaserola kasama ang luya.
2. Idagdag ang hiniwang bangus, kamatis, at sibuyas at pakuluan ng 10 minuto.
3. Idagdag ang pulbos ng sampalok at asin para sa lasa.
4. Idagdag ang mga hiniwang talong at sitaw at pakuluan ng 5 minuto.
5. Alisin sa kalan, idagdag ang mga dahon ng kangkong, at takpan ito sa loob ng 5 minuto.
6. Ihain ng mainit.

      Ang Sinigang na Bangus ay napaka-asim, tipong mapapa-ngiwi ka sa sa sobrang asim nito. Ngunit nakakasigurado kang napakasarap nito na gugustuhin mo nang ulit-ulitin ang pagkain nito. Ito rin ay nakatutulong sa pagpapalakas ng ating katawan at resistensya dahil bukod sa mga sangkap nitong gulay, ay nakakakuha din tayo dito ng protina galing sa sangkap nitong isda.

      Kung ako ang inyong tatanungin, nagugustuhan ko ang isang pagkain kapag ang pagkaing ito ay tumatatak sa aking isipan ang kanyang lasa at ang aking pakiramdam habang ito ay aking kinakain mula sa pinaka-unang beses na ito’y aking matikman. Sa tuwing ito ay aking matitikman, para bang nais ko nalamang kumain ng kumain hanggang sa hindi ko na kayang kumain pa. At higit sa lahat, iba kakaiba ang kasiyahang aking nararamdaman sa tuwing ito ay aking kinakain.
Ikaw, ano ang iyong batayan sa pagpili ng iyong paboritong pagkain? Paano mo pinipili ang paborito mong pagkain?

Saturday, November 27, 2010

Wicked Oreos

     Pagkatapos kumain ng masasarap na ulam, dapat samahan ito ng napakasarap na dessert na tinatawag nila na "Wicked Oreos". Kahit gaano ka na kabusog, "there's always room for dessert" ika nga ng iba. Una ko itong natikman sa isang restaurant sa Katipunan na tinatawag nilang "Flaming Wings". Ang Flaming wings ay isang American style na restaurant na kung saan ang mabenta nilang pagkain ay ang masarap nilang buffalo wings. 



      Ang wicked oreos ay isang dessert na may  fried oreos at may kasama pang vanilla ice cream sa gitna. Meron din itong sprinkles para sa toppings at chocolate powder. Kapag pinagsabay-sabay mo ang pagkain ng ice cream at ng oreo ay mapapa "wow" ka sa sarap na malalasahan mo. iba ang sensation na mararamdaman mo sa iyong bibig dahil sa pag halo ng mainit na oreo at ng malamig na ice cream. 



        Ito ay dapat matikman ng lahat. Kung hindi mo pa ito natitikman ay you're missing half of your life! Kaya't pumunta na sa Flaming wings at tikman ang napakasarap at hinahanap-hanap ng lahat, ang wicked oreos.


       

Lasapin, Basahin ang Paborito Kong Pagkain!

Lahat tayo ay mayroong “comfort food” na tinatawag. Iba’t-ibangpagkain na kung saan tayo ay tila ba nasa langit sa tuwing tayo ay nakakakain nito. Ang iba sa atin ay mahilig sa gulay, baboy, baka o manok. Ngunit para sa akin, ang mga pagkaing dagat ang  pinaka masarap sa mundo! Sa mga ito, lasap na lasap mo ang natatanging lasa na nanunuot sa bawat isda at molusko.

            Ngunit sa lahat ng lamang dagat na aking natikman, ang higit na nangingibabaw sa aking panlasa ay ang alimango. Hindi lamang dahil sa malasa nitong katangian ngunit pati na rin dahil sa tila baga isang pagsubok na paraan para ito ay makain. At isa sa mga paborito ko na paraan sa pagluluto nito ay ang ginataang alimango. Kung kaya naman ay napakahilig kong magluto nito sa aming bahay lalo na kapag ito ay nilalagyan ng kalabasa at mais. Madali lamang ang proseso nito, una, igisa ang mais sa bawang at sibuyas, kung ninanais ay isama na rin ang bagoong. Kapag luto na ang mais, ibuhos na ang pangalawang gata kasama ang kalabasa at alimango. Hintaying maluto at ibuhos na ang kakang gata.

            Napaka simple at daling paraan para malasap ang isang masarap at napaka sustansyang pagkain! Subukan niyo din magluto upang maranasan niyo ang ika-pitong langit! Halina, lasapin at basahin ang paborito kong pagkain! 

Wednesday, November 24, 2010

Para sa Malusog, Masustansya at Masarap na Pagkaing PINOY!






ginisang-ampalaya
GINISANG AMPALAYA
Lutong Pinoy





GINISANG AMPALAYA
by : ALTAIR MAY Y. BAYLAS


Ikaw ba ay mahilig sa gulay? Nais mo bang mag bawas ng timbang, mapanatili ang malusog na pamumuhay? o nais lamang mapanatili ang kalusugan at magkaroon ng tinatawag na "healthy lifestyle" ?
Kung ganon ay wag mapahuli na matikman ang lutong ito.

Marahil ikaw ay nagtataka kung bakit sa dinami daming gulay sa tindahan o kung saan mang tanamin ay bakit Ampalaya pa ang napili ko.  Oo nga naman, ang Ampalaya ay isa sa mga pinaka minaliit na gulay dahil ito ay may isang napaka mapait na lasa. Ngunit kapag inihanda sa isang partikular na paraan, maaaring an ampalaya ay napakasarap at nakakapanabik nang labis.


Para sa karagdagang impormasyon sa Ginisang Ampalaya, sa Ingles ito ay tinatawag na Sautéed Bitter melon. Itong  lutong Pilipino gulay ay isa sa mga healthiest paraan ng pagluluto sa paligid. Bukod dun, Ang bitter melon ay pinakamahusay na kilala para sa pang kontra diabetis . Ito ay naglalaman ng mga kilalang kemikal na parang insulin na peptide na magkatulad lang ng halaga at kakayahan sa insulin na galing sa hayop. Iba pang mga kemikal, kabilang ang vicine, sa mapait na melon maaaring magkaroon din ng epekto na nakakababa ng blood sugar.

Ito ang madalas kong ipinapaluto sa aming katulong ngunit pag may oras ako ay mas gusto kong ako nalang ang nagluluto dahil iba ang gusto kong paghain nito. Kapag ako ang nagluluto ay linalagyan ko ng Knorr Liquid seasoning at kaunting sesame oil at dahil dito ay nag aagaw ang lasa ng seasoning at ng pait ng ampalaya. Kaya't hindi ka mawawalan ng ganang kainin ito.


Sa tingin ko ang bawat Pilipino ay may kanya-kanyang sariling bersyon ng Ginisang Ampalaya. Magkakaron ng hindi bababa sa isang paraan ng pagluluto nito ang magagawa sa isang bahay, at iyan ang recipe mo na mahanap sa iyong sarili sa pagluluto mo ng muli at muli. Ikaw kaya paano mo lutuin ang iyong sariling gawang Ginisang Ampalaya?


MGA SANGKAP:
½ kilong ampalaya
¼ na kilong hipon, tinalupan
¼ na kilong baboy
1 sibuyas
2 butil na bawang
8 kamatis na hinog
2 itlog
3 kutsarang mantika
1 puswelong katas ng hipon (ulong dinikdik)

 
Getting the ampalaya readySoaking the veggie in salt waterSangkutsa


PARAAN NG PAGLUTO:
Hiwain ang ampalaya sa karaniwang maninipis na pahilis matapos biyaking paayon at alisan ng buto. Talupan ang hipon. Hiwaing maliliit ang baboy. Ihaw ang kamatis at alisan ng balat at buto at tadtarin. Batihin ang itlog. igisa ang bawang, sibuyas, at kamatis sa isang kawali o kaserola. Isunod ang baboy at hipon at ang katas ng hipon. Pakuluan hanggang sa lumambot ang baboy. Isunod ang ampalaya at bayaang kumulo. Timplahan ng patis. Kapag luto na ang ampalaya ay ilagay ang itlog na binati. Saka lamang haluin at ihaing mainit.



Sizzling SauteMake a hole and crack an eggDone!



Mayroong pang ibat ibang paraan ng paghanda sa simpleng ulam na ito. Narito ang ilang mga karagdagang  sangkap na maaari mong gamitin sa paghahanda ng ginisang ampalaya:

1. KARE: Maaari mong gamitin ang hiniwang baboy ng pahaba o cubes, hipon, squid rings, karne ng baka na hiniwa ng pahaba, bola-bola, chicharon. Igisa ang mga ito bago ihalo sa ampalaya.

 2. GULAY: Sa karagdagan sa mga Igigisa at ang ampalaya, maaari mo ring ihalo ang pulang hiwa ng pamintang kampanilya, mushrooms

3. PANIMPLA: Bukod sa asin at paminta, maaari mong gamitin ang anumang (kahit na ang isang kumbinasyon) sa mga sumusunod: talaba, olive oil, toyo, tomato sauce, bagoong.




Salamat sa pag bigay ng oras na basahin ang aking ulat. Siguro pagkatapos mong mapag alaman ang ibat ibang klase ng pagluto ng ampalaya ay may naisipan kanang sariling paraan ng pagluto mo nito. :))




Sunday, November 21, 2010

Sinigang Na Baboy

Sinigang Na Baboy







Gusto mo ba ng pag kain na maasim? Yung tipong mapapamukha asim ka dahil sa asim? Eto na ang katapat mo, ang sinigang na baboy! Simula pa noong bata ako’y mahilig na sa sinigang. Hindi ako alam kung bakit, pero gustong gusto ko ang pagkamaasim nito lalo na kung ito pa ay maanghang. Ang pinakamasarap na luto ng sinigang na aking alam ay ang luto ng aking ama. Para salin ito ang pinakamasarap dahil pag ito ay natikman mo, malalasahan mo ang pinag halong asim at hangang sa iyong dila. Sa una, hindi mo pa mapapansin a ito’y mahanghan pero habang tumatagal ito’y umaanghang ng umaanghang.




Ito ang sangkap na kailangan para makagawa ng sinigang na baboy ay: 1 kilo ng baboy, 7 piraso ng kamatis, 4 piraso ng gabi, 1 piraso ng labanos, 8 piraso ng sitaw, kangkong, 2 piraso ng siling haba, knorr pangsigang mix at 1 kutsarita ng asin. Ang mga nasabing sangkap ay pwedeng mabili sa palengke at sa mga supermarket sa mall. Ang asim na animo’y pumapawi sa lahat ng suliraning dala ng kahindik-hindik na mga grado sa kolehiyo. Ang anghang na hindi mo na napapansin kahit hindi na uminom ng tubig. Pag ako ay kumakain ng sinigang na baboy parang hindi ko na napapansin ang ibang tao sa aking paligid dahil sa sarap nito mas gusto ko pa ito na lang kainin araw araw. Dati nung ako ay highschool pa lang may kaibigan ako na lagi nag babaon, at pag sinigang ang ulam niya lahat kaming magkakaibigan ay kinakain ang kanyang baon. Nasanay na siya na nakikikain kami sa baon niya dahil pag hindi masarap ang pagkain naming sa kantin ung pag kain niya ang pinag sasaluhan naming para sa lunch. Ang sinigang na luto ng kanyang tita ay napakasarap, ito ang pangalawang lasa ng sinigang na lagi kong hinahanap. Sa sobrang sarap ng luto ng kanyang tita, halos kami lang ang kumakain ng kanyang baon. Pero kahit ganon ang ginagawa namin sa baon ng kaibigan namin, okay lang naman sa kanya. 




Para sa akin mas okay pang kumain ng lutong bahay kaysa sa kumain lagi sa labas tulad ng mga fast food chain, Restaurants atbp. Sa akin kasi mas masarap ang mga lutong bahay dahil sa mga hindi ganon kadaming halong kemikal sa pagkain tulad ng preservatives at mas masarap ito hindi tulad sa mga pagkain sa labas. Ang sinigang talaga ang pinakaborito ko sa lahat ng pagkain. At kahit kalian ay hindi na ito magbabago.

pagkaing aking hindi matatanggihan

FRENCHFRIES J

Ang French fries ay gawa sa patatas na niluto at binabad sa kumukulong mantika. Kung ikaw ay nasa dakong amerika, ang tawag nila sa mga ito ay pinahabang piraso ng patatas at kung ikaw naman ay nasa ibang lugar sa ating mundo para sakanila ito ay maninipis na hiwa ng patatas. Ang pagkaing ito ay unang nakilala sa Belgium. Nagsimula ito ng magyelo ang isang ilog sa Belgium na kadalasang kanilang pinagkukunan ng makakain katulad ng isda upang gawing “fried fish” kaya naman sinubukan nilang iluto ang mga patatas sa paligid ng kanilang lugar at lutuin din ito sa paraang fried o prito.
Ang french-fries ay isa sa mga pangkaing pantawid gutom na madaling lutuin at madaling makakuha ng mga ingridyents. Kakailanganin mo lang ng patatas at mantika at lutuin ito sa oven o di kaya sa pan at ito ay I-deep-fry. Aaminin ko na ang aking paboritong pagkain ay tiyak na maraming makukuhang kolesterol at ikaw ay talagang tataba. Panigurado ako  na kita niyo naman ang resulta ng pagkain ko ng french-fries sa aking katawan ngayon.
Paborito ko itong pagkain na ito dahil ito ang aking “stress food” kahit ilang beses ko ng pinigilan kumain nito, hindi ko magawang maalis ito sa aking buhay dahil kahit saang restawran ako mag punta ay talagang hindi rin ito mawawala sa kanilang menu. Ang pagkaing ito ay isa rin sa aking mga pantawid gutom at pagkaing aking kadalasang kinakain kapag nagpapalipas ng oras.
Ang french-fries ay masarap kahit anong flavor, tama naman ako diba hindi natin matatanggihan ang sarap nito lalo  na kapag nilagyan ng cheese at bacon bits.marami na rin klase ang french-fries. mayroong paikot ikot na parang buhok ni goldilocks at meron namang mapayat at matabang klase nito. pwede na rin maging iba't- ibang lasa katulad ng barbeque, cheese, sour cream at iba pa. 

Mapunta man ako sa MCDO,KFC,JOLLIBEE at iba pang restawran na may french-fries, panigurado ay hinding hindi ko  makakalimutang sabihin sa counter na “pa order nga po ng isang large fries”.

ANG ADOBONG MANOK NI LOLA

Chicken teriyaki?? 
 
Chicken curry??

Bakit hindi natin tangkilikin ang sariling atin… Ang ADOBONG MANOK!! Yan ang paboritong paborito ko bata palang ako yan na ang parating pinapakain sa akin ng aking lola. Hanggang sa pag tanda ko yan pa rin ang pinapakain nya sa akin. “Tutubuan na nga ako ng pakpak eh” kasi ito ang parating pinapakain niya sa akin. Hehehe!:) nung highschool ako parati akong dinadalhan ng pagkain sa iskul at nung una nagagalak pa ako at naeexcite pa ako kung ano ang ulam ko. Pero pag kuha ko ng baon ko ADOBONG MANOK ang ulam ko at naranasan ko yun sa loob ng isang linggo. Isipin nyo un??? Isang linggo?! Yun lang ang ulam mo at pag-uwi mo sa bahay yun pa rin ang ulam mo. Kaya yun ang napili kong ulam ko “Ang ADOBONG MANOK”!
Ito din ang isa sa pinaka tinatangkilik ng mga Pilipino. Ang mga Pilipino ay hindi nagsasawa sa putahe na ito. 


Ito din ay napakadaling lutuin ang mga pangunahing sangkap nito ay ang:

  • ·       MANOK
  • ·       SUKA-- 3/4 tasa
  • ·       TOYO -- 1/4 tasa
  • ·       SIBUYAS, hiwain ng manipis -- 1/2
  • ·       BAWANG, durog-- 4-6 cloves
  • ·       DAHON NG LAUREL-- 1-2
  • ·       PAMINTA-- 6-8
  • ·       ASIN -- 1 teaspoon
  • ·       TUBIG -- 1 cup
  • ·       MANTIKA -- 1/4 cup

Matapos natin malaman ang mga sangkap. pag ito ay natikman nyo siguradong isang putaheng masarap at malinamnam ang iyong maramdaman at ito ay hahanap-hanapin mo. Kaya ano pa hinihintay niyo subukan na ninyo ang ADOBONG MANOK na putaheng sariling atin at gawang Pilipino. “ADOBO EVERYDAY, EVERYDAY OK”!

TSAMPORADO




              Sa tuwing ako’y gigising sa umaga aking hanap-hanap ay isang mainit at masarap na pagkain na magbibigay sakin ng enerhiya para sa araw araw na gawain. Wala na akong ibang maisip na kainin sa umaga kung hindi ang tsamporado, dahil ito ang aking paborito. Araw-araw ito ang hiling kong iluto ng aming kasambahay.


Ang tsamporado ay isang pagkaing Pinoy kung saan ang tsokolate ay inihahalo sa kanin at nilalagyan ng gatas at asukal upang ito’y magkalasa. Dahil sa matamis nitong lasa nagbibigay ito ng mental at emosyonal na epekto sa isang tao na kumakain nito. Ito’y nakakapagpabago ng pakiramdam dahil ayon sa ating paniniwala, ang tsokolate o kahit anong matamis na pagkain ay nakakapagpagaan ng loob. Sa kakaibang lasa ng tsamporado, ito ay tinatangkilik ng lahat hindi lamang ng mga bata kundi pati na din mga nakatatanda. Kadalasang sinasabayan ng pritong tuyo ang tsamporado sapagkat ang alat ng tuyo at tamis ng tsamporado ay nagtutugma sa isa’t isa na nagbibigay ng mas balanseng timpla sa panlasa. Maliban sa masarap nitong lasa, taglay din ng tsamporado ang sustansya na kailangan ng ating katawan. Ang cocoa ay nagtataglay ng carbohydrates, fiber at protein na mabuti sa ating kalusugan. Hindi ito nagtataglay ng cholesterol sapagkat ito ay napaka natural. Ang kanin naman ay isang magandang pinagkukunan ng carbohydrates at nagtataglay ng amino acids. Ito ay isa sa mga nagbibigay ng enerhiya sa ating katawan upang maiwasan ang panghihina at pananamlay.  Ang gatas naman na isa sa mga sangkap ng tsamporado ay nagtataglay ng calcium na makabubuti sa ating mga buto at ngipin. Ang lahat ng sangkap na bumubuo sa timpla ng tsamporado ay sadya nga naming masustansya. Kaya ito ay kabilang sa pinaka masusustansyang putaheng Pilipino.

Hindi mahalaga kung espesyal o mamahalin ang mga sangkap upang makagawa ng isang masarap na putahe. Ang mahalaga ay ang mga taglay nitong sustansya at epekto sa ating katawan. Kung ating iisipin, mas madaming simple at karaniwang sangkap sa ating paligid na mas makakabuti sa ating kalusugan kumpara sa ibang mga mamahalin at espesyal na sangkap na matatagpuan sa iba’t ibang bansa. Kaya ating tangkilikin ang sariling atin.

Pandesal at Kape, umaga man o gabi.


May English Bread, German Bread at French Bread, pero bakit walang Japanese Bread? At para sating mga Pilipino ay mayroong PANDESAL.

Simula noong bata pa ako, at hanggang ngayon na ako ay isang binata na, palagi kong hinahanap sa lamesa ang pandesal at kape. Pag gising sa umaga, at kahit sa pagpupuyat, eto ang palagi kong karamay. Eto ay simple lang tignan, pero eto ay UBOD NG SARAP.

Pwedeng isawsaw ang pandesal sa kape, o kaya naman lagyan mo ng palaman ang pandesal, ito ay ang pinakamadalas na makikita mong seting ng almusal sa hapagkainan ng halos lahat ng Pilipino. Pwede itong kainin habang nararamdaman mo ang simoy ng hangin at naririnig mong pumatak ang ulan sa iyong bubong, o kaya habang nagpapasikat si haring araw.

Para naman sa kape, hindi kailangan na sosyal ang iyong iniinom, hindi mo kailangan ng STARBUCKS. kahit simpleng sachet lang sa tindahan na naghahalagang limang Piso ay pwede na.

Mula noong panahon na piso isa ang pirasong pandesal at hindi pa nauuso ang 3-in-1na kape, paborito ko na to. At hindi ako nag-iisa. Nang tinanong ko ang aking kaibigan na si Emman Coronel tungkol sa pagkain na ito, ang kanyang sinabi ay "PERFECT COMBINATION PARA SA ALMUSAL!".

Para sa akin, hindi ka matatawag na isang tunay na Pilipino hangga't di mo nasusubukan ang pinagsamang sarap ng kape at pandesal.
CRISPPPPPPPPPY PATA
by: Peter Martin

Para sa isang taong nagkukumahog ang tiyan, maamoy pa lang nila ang kanilang paboritong putahe ay mananakam na sila at maglalaway dahil sa kagustuhang matikman ito. Pero para sa isang matakaw na mahilig sa karne, yung tipong may mga bulateng umiiyak na din sa tiyan niya dahil sa sobrang gutom, marinig lang nila ang CRISPY PATA ay mapapa-ulala sila sa sarap at linamnam; kung baga eh kanin na lang ang kulang. Sa aroma pa lang habang ito ay niluluto at hinahanda ay talagang maglalaway ka kagad, eh pano pa kaya kung kumurot ka nito para tikman...panigurado, magkaka-kanser ang balat ng pata dahil sa wantusawa mong kakukurot.

Teka teka..bago natin isipin ang kasarapan ng CRISPY PATA ay alamin muna natin ang mga kailangang sangkap:
·         1 buong pata ng baboy
·         1 bote ng Sprite o 7UP
·         1 buong bawang at sibuyas
·         8 peppercorns
·         1 kutsarang asin
·         2 kutsarang patis
·         ½ kutsara ng baking soda
·         1 kutsarang betsin
·         4 na kutsara ng flour
·         Katamtamang dami ng mantika para sa pagpiprito
·         Katamtamang dami ng tubig para sa pagpapakulo

Eh paano naman kaya ito niluluto???
1.       Linisin ang buong pata ng baboy. Tanggalin ang mga maliliit nitong buhok sa pamamagitan      ng pag-scrape sa balat gamit ang kutsilyo. Hugasan itong maige.
2.       Gumawa ng apat o limang hiwa sa gilid-gilid ng pata.
3.       Ilagay ang pata sa tubig na may halong softdrink at asin. Hayaan lang ito sa loob ng 20 minutos hanggang sa ito ay kumulo. Pagkatapos, idagdag ang baking soda, bawang, sibuyas, peppercorns at ituloy lang ang pagkakapulo nito sa loob ng 10 minuto.
4.       Hanguin na ang pata sa pagkakakulo at hayaan itong matuyo sa loob ng 24 oras. Ang pinakamabilis na proseso ay patuluin ang pata at ilagay ito sa loob ng refrigerator sa loob ng 1 hanggang 3 oras.
5.        Matapos gawin ang ika-apat na proseso, pahiran ang pata ng patis at budburan ng flour.
6.       Iprito na ang pata sa mainit na mantika hanggang maging golden brown.
7.       Kainan na!

Matapos nating malaman ang mga kakailanging sangkap at ang proseso ng pagpeprepara at pagluluto nito ay maaari na nating mantakan ang Crispy Pata sabay ng pagsubo ng kanin. Sa bawat kagat, isang malakas na ‘kraaaaaaaakkk’ ang katumbas. Sa sobrang sarap nito ay baka malimutan mo na ang pangalan ng kapitbahay n’yo.. Naging paboritong ulam na ng mga Pinoy ang Crispy Pata na minsan ay ginagawang pulutan kapag may inuman. Mahirap man itong gawin ngunit walang katumbas ang kasarapan nito lalo na kung ito ay isasawsaw sa Mang Tomas.

Crissssssspy Pata ang napili kong putahe dahil ito ay sobrang sarap at kapag ulam namin ay ganito, ako ay natutuwa dahil sabay-sabay kaming kumakain ng aking pamilya at pagkatapos ay naghihimas ng tiyan dahil sa sobrang kabusugan. Lubos kong itong ipinagmamalaki at irerekomenda sa lahat na tangkilikin natin ang pagkaing Pinoy; kaya sa ang huli kong masasabi ay GUSTO KO NG BABOOOOOOOOOOOOOOY.


Pizza! Pizza!


Simula pagkabata, kinahiligan ko na ang kumain nang kumain na nagresulta sa aking pagiging mataba. Aaminin ko na hindi ko mapigilang hindi kumain lalong-lalo na kung ang pagkain ay itsura pa lang, katakam-takam na at tila maglalaway ka sa sobrang sabik na matikman ang pagkain! Minsan ay wala na akong pakialam kung nasosobrahan na ako sa pag-kain o kung delikado sa kalusugan katulad ng mamantikang mga pagkain. Ang mahalaga lang sa akin ay masarap ang pagkaing aking kakainin.

Marami na akong natikman na iba't-ibang klase ng pagkain katulad ng kakainin, inihaw, sinabawan, prito, desert, pasta, at kung anu-ano pa. Kahit saan pa nagmula ang orihinal na putahe, kung dito man sa Pilipinas o pagkaing-banyaga, basta masarap at nakakabusog ay tiyak aking kapapanabikang kumain. Isa sa pinakapaborito kong pagkain o marahil ang pinakapaborito ko ay sa bansang Italya orihinal na nagmula, ito ang pizza.

Sino nga ba ang hindi pa nakakatikim sa pizza? Halos lahat ng lugar ay may nagbebenta ng ng ganitong pagkain, sa labas man o loob ng mall ay mayroon na ito. Ang pizza ay tinapay na hugis bilog o parisukat depende sa laki nang pagkakagawa., pagkatapos ay nilalagyan ito ng pizza sauce, keso, at iba't-ibang sahog gaya ng karne (hotdog, sausage, ham, pepperoni, pork, beef, atbp.) at gulay (bellpepper, onion, mushroom, olives, lettuce, cabbage, atbp.). Kapag napagsama-sama na ang lahat, iluluto na ito sa oven hanggang maluto.

Para sa akin, kapag kumakain ako ng pizza, gumagaan ang loob ko at hindi ko naiisip ang mga problema ko pansamantala lalo na kung ang pizza ay gawa at binili sa Pizza Hut. Gusto ko sa pizza ay maraming keso at karneng sahog at kapag ito ang aking natikman, pwede ko nang maubos ang isang malaking kahon. Pero may mga pizza parlor naman na ikaw mismo ang pipili ng iyong mga sahog kaya dito rin matutukoy kung ikaw ay isang vegetarian. Masaya na ako na nakakakain ako ng pizza kahit na mababaw ito para sa iba upang maging dahilan ng pagiging masaya, pero wala pa rin ako pakialam sa sinasabi ng iba basta masarap ang pagkain. Kaya simula noon, hinahanap-hanap ko na ang pizza at mukhang hindi ata ako mabubuhay kung wala ito.

Kulinari Blog: Empanadang Ilocos

Nais kong ipagmalaki sa inyo ang pinakapaborito kong pagkain na sa Vigan City niyo lang makikita. Hindi man ako taga Ilocos o wala man akong lahing Ilocano ay madalas an gaming pagpunta ng aking pamilya sa Vigan. Walang taong lumampas sa buhay ko na hindi kami pumunta doon, paminsan pa nga ay dalawang beses kaming umuuwi doon. At sa bawat pagdalaw sa lugar na nasabi, hindi naming nakakaligtaan o nakakalimutang mamasyal sa plaza kung saan makikita ang espesyal na empanadang sinasabi ko sa inyo.

Dati, ang mga tindera ng empanada ay nagtatayo lamang ng kanya kanya nilang lamesa sa may kalsada hanggang sa gumawa ng proyekto ang gobyerno at sila ay ginawan ng sariling mga stall sa isa sa mga kalye doon.

Ang empanadang ito ay dinarayo ng mga tao at ito ay kasama sa mga hindi dapat makalimutan sa Vigan kung ikaw ay isang turista. Naifeature na rin ito sa ilang palabas sa TV.

Ang pangbalot ay gawa sa rice flour. Ang palaman naman ay itlog, longganisang sa Ilocos din galing at gulay (ginadgad na berdeng papaya, mongo, bawang at sibuyas). Ito ay idinideep fry at pagkatapos ay pwede nang kainin. Mas masarap kung ito ay kakainin ng mainit pa at kung isasawsaw sa sukang Iloco.

Ang empanada ay may balanseng lasa na hinding hindi mo pagsasawaan. Ito ay hindi masama sa kalusugan dahil ito ay may gulay. Kapag kumain ka nito, masasabi mong “Nasa Ilocos nga ako” dahil sa longganisa, suka at sa empanada mismo na sa Ilocos lang makikita.

Ang street food ng Vigan: Empanada

Saturday, November 20, 2010

Mas Matamis sa Pag-ibig - LECHE FLAN :)

       Maraming nagsasabi na ang tsokolate at sorbetes ay nakakapagpalubag-loob sa mga  dumaranas ng kalungkutan. Lalo na sa mga taong nabigo sa pagmamahal. Ngunit, para sa akin, bigo man o hindi, Leche Flan ang nakapagbibigay ng kasiyahan sa lumbay ng buhay.

         Ang leche flan ay ang pinakapaborito kong panghimagas.  Ito ay maihahalintulad sa creme bruleè  ng France. Ang mga sangkap na kailangan upang makagawa ng leche flan ay pula ng itlog (egg yolks), condensed milk, evaporated milk at asukal. Ito ay niluluto sa isang steamer at pagkatapos, ito ay maari nang palamigin sa refrigerator. Simple lang ang mga sangkap nito ngunit ang kanyang lasa ay parang isang mahika na nakakapawi ng aking kalungkutan. :)

          Sa tuwing sasapit ang aking kaarawan, hindi mawawala sa hapag-kainan ang Leche Flan. Mawala na ang cake wag lang ang leche flan. 

        Ang creaminess na nadulot ng gatas, ang katamtamang tamis ng sinunog na asukal (caramelized sugar) sa ibabaw ay talagang isang napagandang kombinasyon. Di mo mapipigilang kumain ng marami.

          



        
      

Mula Noon, Hanggang Ngayon...

Nagluto ang nanay mo ng ulam, ayaw mo ito. Gulay, isang kaserola ng “Bahay Kubo”, nakahain sa mesa niyo. Anong gagawin mo? Aha! Hihingi ka ng bariya sa iyong nanay at dali-daling bibili ng Pancit Canton sa kanto. Gutom ka na  o ‘di kaya nama’y nagpunta ang iyong mga kaklase sa bahay niyo, walang pagkaing nakahanda, Pancit Canton lang ang katapat niyan, Lucky Me! Pancit Canton. Isa sa mga naiwang kultura sa atin ng mga Tsino ay ang pagkain ng pansit. Ang salitang pansit ay galing sa salitang Hokkien na pian-e-sit na ang ibig sabihin ay “madaling lutuin”. Ang pansit din ay sinasabing nagpapahaba ng buhay kung kaya nama’y palagi natin itong makikita sa handaan sa iba’t ibang selebrasyon lalung lalo na sa mga kaarawan. Ang pansit ay talaga namang  naging parte na ng buhay ng mga Pilipino kung kaya nama’y sa aking palagay, naimbento ang mga “instant” na pansit, isa na nga rito ang Lucky Me! Pancit Canton.

Dahil sobrang daling gawin nito, kahit mga bata, ay kayang lutuin ito ng walang pagkakaiba sa lasa kung ihahambing sa niluto ng isang mas nakakatanda. Kailangan mo lang ng isang tasa ng tubig at siyempre, isang pakete ng Lucky Me! Pancit Canton na mabibili sa sari-sari store ng walo hanggang labing-isang piso. Natatandaan ko pa noong limang piso lamang ito ngunit, talagang nagmahal na ang bilihin pero sa tingin ko’y sulit na sulit ang pagbili nito. May limang klase nito, nariyan ang Original, Kalamansi (na aking paborito), Chili-mansi, Extra Hot at ang Sweet and Spicy. Paano ba lutuin ito? Sa tingin ko’y alam na nating lahat ngunit sasabihin ko na rin. Ilagay ang noodles sa isang tasang kumukulong tubig ng tatlong minuto. Samantala, haluin ang mga seasoning sa isang plato. Pagkatapos, tanggalin sa tubig ang noodles at isama ito sa hinalong seasoning. Pwede mo itong lagyan ng itlog, manok, karne, kanin, repolyo, carrots at kung anu-ano pa kung gusto mo. At presto! May umagahan, tanghalian, merienda o hapunan ka na!

Ano bang meron sa pagkaing ito? Mayroong Sangkap Pinoy Seal ang Lucky Me! Pancit Canton. NAPA ito, ang ibig sabihin ay walang preserbatibong kahalo at ito ri’y HALAL. Bukod sa MSG, meron itong Vitamin A, Iron at Protein. Nagbibigay din ito ng panahon sa pamilya upang magkasama-sama at magbonding habang kumakain. Sabi nga ng Lucky Me!, “Kainang pamilya, mahalaga”. Nagbibigay ito ng kasiyahan at pagkaramdam na gusto mo pa dahil hindi sapat, apat dapat. Ikaw, ilang Lucky Me! Pancit Canton ang sayo? Lucky Me! Pancit Canton, mula noon, hanggang ngayon!
~Julianne Fiona V. Tuvera

Fettuccine Alfredo


            
            “Hi Ma’am, welcome to Yellow Cab! May I take your order?”

            Sa labimpitong taon ko dito sa balat ng lupa, masasabi kong ito ang isa sa mga pinakamahirap sagutin na mga tanong, lalo na kung unang beses mo pa lamang kumain sa restawran na iyon at tila may gyera nang nagyayari sa loob ng iyong tyan dahil sa sobrang gutom. Higit pa kung ang lahat ng larawan ng pagkain sa restawran na iyong pinasukan ay napakasarap na itsura pa lang ay napakasarap na.

            “Isa nga pong Fettuccine Alfredo.”

            Sa lahat ng putahe sa Yellow Cab, hindi ko alam kung anong sumagi sa isip ko at Fettuccine Alfredo pa ang napagdesisyunan kong kainin para sa araw na iyon. Ilang beses na akong nakakain ng nito sa buong buhay ko, at isa na rin ito sa mga pagkaing natutunang ko nang lutuin. Sa dami ng mga pagkaing maihahandog sa akin ng restawran na iyon na hindi ko pa natitikman, bakit iyon pa?

            Maraming klase at bersyon ang Fettuccine Alfredo. Para sa aking nanay na mahilig ring magluto ng mga ganitong pagkain, ang ginagamit niyang pangunahing sangkap sa sauce ng pasta, maliban sa kesong Parmesan, ay ang cream of mushroom, kaya’t kung minsan ay medyo masabaw ito – perpektong perpekto para sa taste buds na naghahanap ng malinamnam at hindi nakakauhaw na pagkain. Ang idinadagdag niya rito ay maliliit na hiwa ng bacon, upang dumagdag sa sarap ng putahe.

            Kapag ako naman ang gumagawa ng Fettuccine Alfredo, tuyo naman ito kumpara sa nakasanayan nang gawin ng aking nanay. Ang kinokonsider kong pangunahing sangkap na nagpapalasa rito ay ang Parmesan cheese at sauce. Sinisigurado ko rin na ang sauce ay eksakto lamang sa dami ng pasta noodles, dahilan kung bakit hindi ito masabaw. Ito ay hinahaluan ko ng grilled na manok, garlic herb, at parsley upang mas maging malasa pa.

            Ilang minuto lang ay dumating na ang pasta. Ito ay nakalagay sa isang maliit na karton na puti, at napakasimple ng presentasyon. Sa una ay nakaramdam ako ng bahagyang pagsisisi dahil hindi ko sinubukan ang iba pang pagkain na nasa kanilang menu. Ngunit dahil paborito ko ito, sinimulan ko na ring kainin upang tumigil na rin ang pagkukulo ng aking tiyan na tila naririnig na rin ng iba pang mga customers na nandoon din.

            Maniwala ka man o hindi, sa una kong subo ay napapikit ako sa sarap – oo, parang ‘yung mga komersyal ng pagkain na pinapalabas sa telebisyon! Ang kombinasyon ng mga lasa ng indibidwal na sangkap ng pasta ay nagsasanib pwersa upang makapagbigay ng lasa na hinding hindi mo malilimutan.

Ang Fettuccine Alfredo na aking natikman ay tinatawag palang “Alfredo Pasta” sa restawran na iyon. Ang istilo na ginamit nila ay ang may kahawig sa natutunan kong gawin. Ang pagkakaiba lamang ay may dinagdag sila na isa pang masarap na sangkap – ang olives. Perpekto ang blending ng mga indibidwal na ingredients sa panlasa ng kahit sinuman. Habang natutunaw ang kesong Parmesan, nahahalo ito sa pangunahing sauce ng pasta at bumubuo ng napakasarap na coating sa noodles. Sinasabayan din ito ng paghiwa-hiwalay ng maliliit na hiwa ng manok at pagkalat ng maalat at malinamnam na lasa nito. At, ‘di tulad ng ibang tao na ayaw ng mamantikang pagkain, gustong gusto ko naman ang lebel ng oiliness ng lutong ito. Hindi ito mukhang noodles na nilunod sa maraming mantika, kundi marahang hinaluan ng olive oil upang mabalanse ang tekstura nito.

            Masabaw man o hindi, may olives man o wala, ang Fettuccine Alfredo ay isang pagkaing patuloy kong mamahalin hanggang sa pumuti ang buhok ko.

~Anneka Francine F. Calvo

BERDENG ADOBO


Manok at baboy, iyan lamang ang mga kadalasang alam ng mga Pilipino na luto sa adobo. Hindi nakapagtataka, sapagkat ako’y nagulat din ng ako’y ipinagluto ng aking ina ng isang putahe na bago sa aking paningin at panlasa. Hindi ko lubos maisip na may ganito palang uri ng putahe.

            Noong una ko itong matikman, ay sadyang nagulat ako sa taglay nitong sarap dahil hindi ko akalain na ang ganitong uri ng putahe ay papatok sa aking panlasa. Sa bango pa lamang nito ay siguradong matatakam ka na. Paano pa kaya kung ito’y iyong titikman? Aaminin ko, ako’y napasubo pa ng marami ng unang dumampi ang sarap nito sa aking bibig at mga ilang kanin din ang dumaan sa aking plato. Hindi ko akalain na pangunahing sangkap nito ay gulay dahil sa sarap ng pagkakaluto nito. Hindi man ito kasingsarap ng adobong manok o ng adobong baboy, higit na mas mataas naman ang sustansyang taglay ng putaheng ito kumpara sa dalawang unang nabanggit sapagkat gaya nga ng sabi ko, madahong gulay ang pangunahing sangkap nito. Ano? Nahulaan niyo na ba kung ano ang pagkain na tinutukoy ko sa artikulong ito?




      

Adobong Kangkong


            Adobong Kangkong? Oo, Tama. Adobong Kangkong ang paboritong kong pagkain na aking tinutukoy. Kangkong, suka, toyo, dahon ng laurel at kaunting paminta, ay solb na ang mga tiyan ninyo. Sinisiguro ko na ang mga taong makatitikim nito ay mahuhumaling rin sa sarap ng putaheng ito, gaya ko. Madali ng lutuin, pasok sa panlasa at higit sa lahat, magaan sa bulsa. Ano pang hinihintay niyo? Hihintayin mo pa bang tumulo ang inyong laway kakatitig sa larawan na mga ito? Subukan niyo ng lutuin at tikman, siguradong mapapaulit kayo sa sarap! 

Namnamin ang sarap ng aking paboritong Tinola

Isa sa mga paborito ng mga pinoy, ang Tinola o Tinolang manok. Marami akong paboritong pagkain at isa na rito ang Tinola na mapapa "WOW ulam" ka sa sarap. Naging paborito ko ang putaheng ito dahil na rin sa hilig ito lutuin ng aking ama na itinuturing kong pinakamagaling magluto sa buong mundo. Ako'y lubos na nasasarapan dito sa tuwing ito ay inihahain sa hapagkainan kasama ang aking pamilya o mga kaibigan . Ang kakaibang lasa ng manok kasama ang iba't ibang masusustansyang gulay ay tiyak na hahanap hanapin matapos tikman ang linamnam ng Tinola. 

  
  Ang Tinola ay gawa sa iba't ibang klase ng gulay o prutas na makapagbibigay ng malakas na pangagngatawan. Ito ay binubuo ng berdeng papaya o pwede ring sayote bilang pamalit, petchay o kaya naman dahon ng sili, berde na sili, patis, luya, tubig o hugas-bigas, paminta, sibuyas, bawang at syempre ang manok. Ito ang mga paraan kung paano lutuin ang Tinola:

  1. Sa isang kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bawang, luya at sibuyas.
  2. Idagdag ang manok at patis.
  3. Lagyan ng ¼ kutsaritang paminta.
  4. Timplahan ayon sa panlasa.
  5. Ibuhos ang hugas-bigas o tubig at takpan ang kaserola.
  6. Hayaang kumulo at lumambot ang manok.
  7. Idagdag ang papaya o sayote at lutuin hanggang lumambot.
  8. Bago patayin ang apoy ay isama ang dahon ng sili o petchay.
 Ang Tinola ay talaga namang isa sa mga putahe na di na kailanman ay maaalis sa panlasa ng mga Pinoy. Ang mainit at masarap na sabaw, ang malambot at kakaibang sarap ng manok, at ang mga gulay na hindi lamang masustansya. ito ay nagbibigay kulay pa sa Tinola na sa tingin palang ay magugutom ka na. Ano pang hinihintay niyo?? "Ang sarap kaya!, Try nyo!" 

            Maraming Salamat,           
-Jou Leo G. Espineli    

TAPA - SINANGAG - ITLOG


Tapa – Itlog – Sinangag (TAPSILOG)
by Gene Patrick Malihan
Noon, ang pagkaing ito ay maari lamang sa umaga, nang ito ay sumikat, kahit hanggang medaling araw ay maari na natin itong matikman. Masarap na pang-umagahan, masarap na pananghalian, pwede ring pangmeryenda at maari ring panghapunan. May mga kasama rin ito tulad ng To-si-log(Tocino, Sinangag at itlog) Longgsilog(Longganisa, sinangag at itlog) at marami pang iba. Sa murang halaga, paniguradong solb na solb na ang iyong tiyan. Hindi ka na mangangamba na hindi ka makahanap ng kainan na naghahanda ng ganitong mga uri ng pagkain dahil halos lahat na ay naghahanda nito.

Kahit ang taong walang tindahan ay maaring maghanda o makapagluto nito para sa mga taong nag-aabang ng masarap na makakakain. Simple lang naman at madaling mabili sa palengke ang mga sangkap na kakailanganin sa pagluluto ng “TapSiLog”, ito ang mga sumusunod.
Para sa Tapa:
                Tapa na naibabad sa suka, bawang at paminta.
Para sa Sinangag:
                Kanin o mas maganda ang Bahaw.
                Bawang
                Iba pang pampalasa.
At Itlog.
At ang paraan ng pagluluto, Para sa tapa, siguraduhing hiwain ang karne sa katamtamang laki, iprito ito hanggang maging “dark brown” ang kulay nito, itabi. Isunod na ang pagpriprito ng itlog. Iluto na ang bahaw, unahin ang bawang saka isama ang bahaw at ibang pampalasa.
Ganyan lang kasimple, homemade man o pinaluto sa kainan, lasang lasa mo pa rin ang luto ng pinoy.