Saturday, November 20, 2010

Neytib na Tinola.

Tinolang Manok. Neytib na manok. Neytib ang pagking ito, dahil ito ay sariling atin. Tatak Pilipino ang putaheng ito at marami sa mga kababayan natin ay sarap na sarap dito.

Ito ay binubuo ng isang manok na hiniwa hiwa, papaya o 'di naman kaya ay sayote, luya, sibuyas, bawang at marami pang ibang sangkap na nagpapasarap at nagbibigay nag linamnam at sustansya sa putaheng ito.

Kung may isang salita na naglalarawan ng manok, ito ay kagalingan sa maraming bagay. Prito, inihaw at isama sa isang malawak na hanay ng mga sangkay, ang manok ay gumagawa ng isang masarap at masustansiyang pagakain. Ito ay hindi nakakagulat na manok ay pangunahing pinagmumulan sa mundo ng protina at isang malusog na alternatibo sa pulang karne.

Ito ang paborito kong putahe. Noong ako'y bata pa lamang, ang aking lola ay madalas magluto ng ganitong putahe. Na kahit sabaw at kanin lang ay ako'y nabubusog na. Sabaw pa lamang nito ay tila caldo na nga pag hinalo sa kanin. Simula noon ay tinangkilik ko na ng sobra ang pagkaing ito. Para bang kapag ako'y kumakain nito ay bumabalik ang mga alaala nung ako'y bata pa kasama ang mga pinsan at mga kapatid ko na sabay sabay kaming nagsasalo sa bahay ng aming lolo't lola pagkatapos naming maglaro at tila ako ay nasa probinsiya lamang at tinatamasa ang sarap ng aking paboritong ulam.

Masarap ang tinola kapag ito'y mainit pa, kaya habang bagong luto palang at mainit init pa ay napakasarap nito kasama ng mainit na kanin. Mabubusog ka na, makakakuha ka pa ng sapat na sustansya mula sa mga sangkap nito. :)

16 comments:

  1. tama pag may natitikman kang memorable na pagkain may maalala ka talagang mga bagay na importante at mahalaga para sayo, ang putaheng iyan ay tunay na lutong Pinoy! kaya't tamang ipagmalaki lang -- mich :)

    ReplyDelete
  2. "Na kahit sabaw at kanin lang ay ako'y nabubusog na."
    Dan! Tama ka! Kung minsan, ganun na lamang ang aking kinakain. Tapos, ang dami ko pang maglagay ng sabaw na para bang aapaw na ito sa aking plato!!! :)) Ang papaya naman ay aking pinapapak. Napakasarap ng pagkaing Pilipino lalo na ito! :D

    ReplyDelete
  3. sarap un native..sariwang-sariwa..

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. masarap na, masustansya pa! :)) - charl :))

    ReplyDelete
  6. napakasustansya nga ng tinolang manok. manok ang kainin kung nagccrave ng meat at ayaw tumaba. yung sabaw naman neto ay talagang malinamnam at masustansya, dahil sa mga sangkap na naghalo-halo sa putaheng ito. tunay nga na pagkaing pinoy. kaya sexy at macho ang mga pinoy. galing dan :)))

    ReplyDelete
  7. Kilala ang Pilipino sa iba't ibang lugar sa buong mundo dahil sa iba't ibang dahilan. Isang dahilan dito pagiging mahilig sa paghahanda ng mga pagkain sa iba't ibang okasyon. At hinding hindi nawawala sa mga handaan ang ulam na TINOLA. Sino ba naman ang aayaw sa ulam na ito? Andito na lahat ang dahilan para gustuhin ito ng isang tao. Masustansya, masarap at higit sa lahat.. Nakakabusog =))

    ReplyDelete
  8. Masarap talaga ang tinola ;) At tama ka, sabaw pa lang, ulam na. Yumyum! Lalo na sa tulad kong hindi na kain ng gulay. Kahit sabaw lang nito, sobrang nakakabusog na.

    ReplyDelete
  9. "kung may isang salita na naglalarawan sa manok, ito ay kagalingan sa maraming bagay." kala ko ba isang salita lang? HAHAHA. JK. :P :D

    sa blog pa lang ito ay matatamasa na kung gaano kasarap ang tinolang manok. pano pa kaya kapag nasa hapag kainan na? :D :P:))

    ReplyDelete
  10. -saraaaap kagutom,naririnig ko paLang nakakagutom na ng sobra. isa din ito sa mga paborito kong putahe natin. kapag niluluto ito sa ating probinsya nakikipagunahan pa ako sa paborito kong parte ng manok na para bang bata =)) nakakatakam. SARAP TALAGA NITO =))

    ReplyDelete
  11. onga. lalo na ung sabaw. lahat masarap as in tlga. parang "comfort food" :)

    ReplyDelete
  12. same tayo.. paborito ko rin yan.. actually tinola din pinost ko.. hahahaha.. =)

    ReplyDelete
  13. tinola! haha. paborito nga to namin ng kuya ko. :))

    ReplyDelete
  14. Tinola tinola, ang laging luto na ppagkasarap sarap ng aking auntie,.. :D

    ReplyDelete
  15. naytib na tinola, nakakatawag-pansin, hehehe!

    ReplyDelete