“Hi Ma’am, welcome to Yellow Cab! May I take your order?”
Sa labimpitong taon ko dito sa balat ng lupa, masasabi kong ito ang isa sa mga pinakamahirap sagutin na mga tanong, lalo na kung unang beses mo pa lamang kumain sa restawran na iyon at tila may gyera nang nagyayari sa loob ng iyong tyan dahil sa sobrang gutom. Higit pa kung ang lahat ng larawan ng pagkain sa restawran na iyong pinasukan ay napakasarap na itsura pa lang ay napakasarap na.
“Isa nga pong Fettuccine Alfredo.”
Sa lahat ng putahe sa Yellow Cab, hindi ko alam kung anong sumagi sa isip ko at Fettuccine Alfredo pa ang napagdesisyunan kong kainin para sa araw na iyon. Ilang beses na akong nakakain ng nito sa buong buhay ko, at isa na rin ito sa mga pagkaing natutunang ko nang lutuin. Sa dami ng mga pagkaing maihahandog sa akin ng restawran na iyon na hindi ko pa natitikman, bakit iyon pa?
Maraming klase at bersyon ang Fettuccine Alfredo. Para sa aking nanay na mahilig ring magluto ng mga ganitong pagkain, ang ginagamit niyang pangunahing sangkap sa sauce ng pasta, maliban sa kesong Parmesan, ay ang cream of mushroom, kaya’t kung minsan ay medyo masabaw ito – perpektong perpekto para sa taste buds na naghahanap ng malinamnam at hindi nakakauhaw na pagkain. Ang idinadagdag niya rito ay maliliit na hiwa ng bacon, upang dumagdag sa sarap ng putahe.
Kapag ako naman ang gumagawa ng Fettuccine Alfredo, tuyo naman ito kumpara sa nakasanayan nang gawin ng aking nanay. Ang kinokonsider kong pangunahing sangkap na nagpapalasa rito ay ang Parmesan cheese at sauce. Sinisigurado ko rin na ang sauce ay eksakto lamang sa dami ng pasta noodles, dahilan kung bakit hindi ito masabaw. Ito ay hinahaluan ko ng grilled na manok, garlic herb, at parsley upang mas maging malasa pa.
Ilang minuto lang ay dumating na ang pasta. Ito ay nakalagay sa isang maliit na karton na puti, at napakasimple ng presentasyon. Sa una ay nakaramdam ako ng bahagyang pagsisisi dahil hindi ko sinubukan ang iba pang pagkain na nasa kanilang menu. Ngunit dahil paborito ko ito, sinimulan ko na ring kainin upang tumigil na rin ang pagkukulo ng aking tiyan na tila naririnig na rin ng iba pang mga customers na nandoon din.
Maniwala ka man o hindi, sa una kong subo ay napapikit ako sa sarap – oo, parang ‘yung mga komersyal ng pagkain na pinapalabas sa telebisyon! Ang kombinasyon ng mga lasa ng indibidwal na sangkap ng pasta ay nagsasanib pwersa upang makapagbigay ng lasa na hinding hindi mo malilimutan.
Ang Fettuccine Alfredo na aking natikman ay tinatawag palang “Alfredo Pasta” sa restawran na iyon. Ang istilo na ginamit nila ay ang may kahawig sa natutunan kong gawin. Ang pagkakaiba lamang ay may dinagdag sila na isa pang masarap na sangkap – ang olives. Perpekto ang blending ng mga indibidwal na ingredients sa panlasa ng kahit sinuman. Habang natutunaw ang kesong Parmesan, nahahalo ito sa pangunahing sauce ng pasta at bumubuo ng napakasarap na coating sa noodles. Sinasabayan din ito ng paghiwa-hiwalay ng maliliit na hiwa ng manok at pagkalat ng maalat at malinamnam na lasa nito. At, ‘di tulad ng ibang tao na ayaw ng mamantikang pagkain, gustong gusto ko naman ang lebel ng oiliness ng lutong ito. Hindi ito mukhang noodles na nilunod sa maraming mantika, kundi marahang hinaluan ng olive oil upang mabalanse ang tekstura nito.
Masabaw man o hindi, may olives man o wala, ang Fettuccine Alfredo ay isang pagkaing patuloy kong mamahalin hanggang sa pumuti ang buhok ko.
~Anneka Francine F. Calvo
aw. ang epic. xD oo, katulad mo, aking napupusuan ang mga pasta dishes, at isa na nga dito ang world-renowned na Fettuccine. kung minsan, talagang hindi ko mapigilang ito ay puriin dahil sa mga indibidwal na lasang naghahalo-halo habang ito'y aking kinakain sa tuwa. :)
ReplyDeleteisa rin ito sa mga paborito kong pagkain! :) hindi ako nagsasawang kainin ito. :)
ReplyDeletewow.. i like pastas.. so yummy.. lalo na yung sauce na kung minsan ay naiiwan pa sa labi mo.. hehe.. =)
ReplyDeleteAyyy.. fettucinne! masarap to, ang sauce rin. naalala ko na ung bestfriend ko dati, ito ung binigay nya sa kin na gawa nila. ang sarap. sa pizza hut, minsan eto ang tine-take-out namin.
ReplyDeletesimula ng natikman ko ito, naging favorite ko na! at kahit ang dami ngang version e, pag nakahain na sa harap ko, wala na pagkakaiba, lahat masarap at siguradong sisimutin ko nanaman. :)) kagutom!
ReplyDelete"Ang kombinasyon ng mga lasa ng indibidwal na sangkap ng pasta ay nagsasanib pwersa upang makapagbigay ng lasa na hinding hindi mo malilimutan." naalala ko lang dito yung ratatouille. :))
ReplyDeleteAnga sarap naman. Lalo na kapag galing sa yellow cab. Parang gusto ko tuloy na pumunta sa yellow cag ngaun din para bimili nyan.
ReplyDeleteang sarap naman nyan...pasta..penge ako...:D
ReplyDeletePasta Pasata, meron talaga akong addiction sa pasata, lalong lalo na ito, dag dagan pa ng maraming parmesan cheese..
ReplyDeleteSarap naman Anneka. :D
ReplyDelete