Saturday, November 20, 2010

Honey Bourbon Baby Back Ribs

Yvette Kristine Cruz



     Sa tuwing ako ay nag-iisip kung ano dapat ang kainin kapag ako ay naglilibot sa isang mall o kapag nagkayayaan na kumain sa labas kasama ang aking pamilya, ang unang pumapasok sa aking isip ay ang Honey Bourbon Baby Back Ribs. Kaya kapag tatanungin na ako kung saan ko gustong kumain, ang sasabihin ko sa kanila ay kay ‘Mang Kenny’ (Kenny Rogers) upang makakaen ng aking paboritong putahe. Naging kagawian na namin ang pagkain doon dahil tunay na katakam-takam at walang katulad ang putaheng ito na may kasama ng kanin, muffin, side dish, at ang napakalasang Honey Bourbon Barbecue Sauce.

     Kapag ako ay kakain ng ibang putahe, naiisip ko agad ang pagpipigil dahil sa aking dieta. Ngunit kapag ito na ang aking kakainin, nakakalimot na ako at tuluyan ng napapahataw sa pagkain. Madalas pang mangyari na masabi ko ang mga linyang, “extra rice pa!” dahil huling-huli nito ang aking panlasa at kaya kong sabihin na kapag ito ay inyong sinubukan, pati ang panlasa ninyo ay tiyak rin na mahuhuli.Sa sarap at lambot ba naman ng laman nito, haluan pa ng kawili-wiling lasa ng barbecue sauce ay sino ang hindi mawiwiwli dito?

     Dahil karamihan ng mga pasyalang malls ay may Kenny Rogers, madaling mahanap at matikman ang napakasarap na putaheng ito. Sulit na sulit ang 315pesos na ibabayad dahil tiyak na ang kabusugan at tiyak na rin ang pagbibigay ng dalawang thumbs-up at abot-tengang ngiti. Kaya kung kayo ay may pagkakataon, wag ng palampasin at dali-dali ng tikman ang putaheng ito. Honey Bourbon Ribs--THE BEST TALAGA! J

13 comments:

  1. honey bourbon ribs pangalan plang busog k na..tunog nakakalinamnam..simply delicious :)) kelangan matry ng lahat

    ReplyDelete
  2. Naku!! Hindi pa ako nakakakain nito. I must try this!! :D

    ReplyDelete
  3. Hindi ako familiar sa pagkain na ito pero pangalan pa lang, nakakatakam na!

    ReplyDelete
  4. Mukang masarap hah. Gusto kong matikman yan. Tama kayo pangalan palang nakakatakam na.

    ReplyDelete
  5. hmm. masarap nito iyong sinisimut-simot pa ung natitirang laman sa buto. xD

    ReplyDelete
  6. ang sarap naman nyan...matikman nga at baka hindi lang umabot sa tenga ang ngiti ko, baka hanggang langit.. :D

    ReplyDelete
  7. yummy!! masarap tlga sa kenny rogers at lalong sasarap kapag ang paborito mong pagkain ang iyong kakainin. :)

    ReplyDelete
  8. so yummy naman nito! mabuti na lang na available ito sa kenny rogers. napakasarap ng baby back ribs! ;)

    ReplyDelete
  9. gusto ko nyan yvette!.. ang sarap niya tingnan.. minsan yayain mo kami kapag kakain ka dito.. gusto ko siya mtikman.. :)

    ReplyDelete
  10. honey? ang tamis naman ng pangalan ng pagkain na ito :)

    ReplyDelete
  11. sarap nyan.. ung tipong sinisipsip mo na ung buto kht wala na talagang laman sa sarap.. hahaha..

    ReplyDelete
  12. Hindi man afford ng marami, masasabing napakasarap talaga nito!

    ReplyDelete