Friday, November 19, 2010

KARE-KARE

VIVIEN R. SOLIONGCO




Ang bawat isa sa atin ay may ibat’t ibang paboritong pagkain. Pagkain na nagbibigay enerhiya at ligay sa atin. Marami akong paboring mga pagkain katulad ng pizza, burger, french fries, chicken, spaghetti, adobo, mechado, menudo, kaldereta atbp. Ngunit kung ako ay tatanungin kung ano ang aking paboritong ulam, ito ay ang “Kare-kare”.

Ang Kare-Kare ay isang popular na ulam Filipino na mayaman at mabigat na pagkain nagsilbi sa bigas, lalo na sa Tagalog region. Ang Filipino na salin ng nilagang karne ng baka at mani, ito’y may iba't ibang mga gulay katulad ng string beans o ahas beans, pechay o baby bachoy, talong at saging buds mula sa puso ng saging. Ang pinaka-karaniwang cuts ng karne ng baka na ginamit ay buntot, paa o mukha.

Kapag naririnig ko ang pagkaing kare-kare ang unang pumapasok sa aking isipan ay ang aking pinakamamahal na ama, dahil sakanya ko unang nakatikim ng lutong kare-kare. At ang kanyang pagluto ng kare-kare ay walang kasing sarap kung baga para sa akin at para sa aming buong pamilya ang kanyang kare-kare ang pinakamasarap sa lahat o masasabi naming “the best”. Ang lalong nagpapasarap dito ay ang paglalagay nya ng maraming mani, kaya ito’y malasang malasa at sa malambot ng tuwalya at buntot ng baboy. At syempre hindi makukumpleto ang kare-kare kung walang masarap ng bagoong.  Kaya kapag may handaan sa aming pamilya ang kanyang luto ay hindi pwedeng mawala at ito ay ang pinakahihintay ng lahat, dahil kapag tapos mong kumain nito ay talagang mabubusog ka at mapapangiti sa sarap. Kaya pag ako'y nakakakain nito nabubuo at sumasaya ang aking araw. Kaya umaasa ako na matutunan ko ang pagluto ng kare-kare mula sa aking ama balang araw at para maibahagi ko at matikman niyo ay TUNAY na SARAP ng KARE-KARE! :) 

11 comments:

  1. i like kare-kare too. namiss ko tuloy yung luto sa cafeteria namin. :)

    ReplyDelete
  2. awww......matagal nako ndi nkkkain nyan.....nyah~....hahaha healthy and tasty...bakit ba andaming masarap n pagkain ang pinoy?

    ReplyDelete
  3. kare kare kare kare kare... ang sarap sarap na ipartner sa baggong.. Ang sarap..

    ReplyDelete
  4. tama ka daniel !!! the best din yang kare-kare .. last year ko lang natutunang kumain nyan .. nagsisisi tuloy ako at bakit last year ko lang natutunang kumain nyan .. marami akong taon na sinayang ..

    ReplyDelete
  5. Ang aking paborito!!! Hindi talaga ako nagsasawa rito! :D Ito ung aming handa nung kaarawan ko! Sobrang tuwang-tuwa ako kapag naamoy ko na itong lutuin. :D Masarap talaga ang kare-kare isama pa ang bagoong!

    ReplyDelete
  6. Ay ang sarap nito! Lalo na sa Max's Restaurant. Sa totoo lang, sabaw lang yung inuulam ko dito at hinahaluan ko ito ng bagoong. :)

    ReplyDelete
  7. Kare kare! yumm :)) Sarap neto, dati hindi ako kumakain. Pero nung natikman ko, masarap pala :D Nice, Vien! :D

    ReplyDelete
  8. nice blog vien! kare-kare pak! keep it up! :)

    ReplyDelete
  9. kare-kare! saraaaaaaaaap! favorite! <3

    ReplyDelete
  10. sarap nyan.. pinasarap pa ng bagoong.. =)

    ReplyDelete