Shrimp Tempura: Paborito ng aking Pamilya
Michael Louis O. Refuerzo
Masarap.Sariwa.Abot-kaya. Ano pa ang mas sasarap sa malinamnam at sariwang pagkain na kahuhuli lang mula sa karagatan o sa palaisdaan at ipaluluto mo na agad upang kainin? Mararanasan mo itong lahat sa Seaside: Palutuan.
Wala ng mas gaganda pang lugar na kainan kundi sa tabing-dagat habang pinanonood mo ang paglubog ng araw at nakikinig sa hampas ng mga alon sa dalampasigan. Nakagiginhawa ng pakiramdam ang kumain dito lalo na’t pagkatapos ng mahabang linggo ng pagaaral at nasa harapan mo ang pinakapaborito mong pagkain.
Shrimp Tempura. Ito ang pinakapaborito kong pagkain sa lugar na ito. Mawala na lahat ng ulam huwag lang ito. Hindi ito nakasasawang pagkain dahil ito ay sariwa. Hindi ito maalat at hindi rin ito matamis. Tamang-tama lang ang lasa nito para sa mga nagugutom na mga sikmura.
Simple lamang ang sangkap nito. Kailangan lamang ng sariwang hipon, itlog, at harina. Babalatan mo lamang ang hipon at tatanggalin ang ulo nito at ilulubog sa kumukulong mantika. Pagkatapos ay pwede mo na itong kainin.
Mainam din ito sa ating kalusugan dahil hindi ito masyadong makolesterol kumpara sa mga baboy at baka. Hindi rin ito nagtataglay ng mga taba na maaaring bumara sa ugat ng ating puso na nagdudulot ng mga sakit.
Laging kumakain ang buo kong pamilya dito sa lugar na ito kapag may mga okasyon. Kadalasan ay kapag may kaarawan. Hinding hindi mawawala sa hapag-kainan ang tempura at iba pang mga seafood na kinagisnan na ng aking pamilya tulad na lamang ng alimango tahong at tuna. Hindi lamang ang mga masasarap na pagkain ang binabalik-balikan namin dito, kundi pati na rin ang mga alaala na kami ay minsang nagkasama-sama at nagsalo-salo. Iyon marahil ang isa pang sangkap na nagpapatunay na masarap kumain lalo na’t sama-sama ang buong pamilya.
Sarap naman Michael! :D :)) tumetempura ka na ngayon ah! HAHAHAHA. :P :))
ReplyDeleteMatagal-tagal na rin akong di nakakakain nito ulit. :))
ReplyDeletesalamat...sobrang sarap talaga nitong pagkain na ito..hindi nakakasawa.
ReplyDeletewow ah :> jumajapanese c michael :)).. sarap nyan tempura, the shrimp itself is already a delicious delicacy adding the sauce makes the taste much better..
ReplyDeletenice! sarap nman nyan. masustansya na at mdali pang lutuin. :)
ReplyDeletenkkagutom nman! msya at enjoy tlga kpag ksma mo ang pamilya mo habang kumakain ng paborito mong pagkain. :)
ReplyDeleteang sarap.. nakakatakam siyang tingnan.. :D
ReplyDeleteSumasang-ayon ako sa nilalaman ng blog na ito. Mahilig rin ako kumain ng Tempura lalo na sa paborito kong Japanese restaurant :). Ang ganda ng paglalarawan mo kung ano ang ideal scene ng pagkain ng Tempura. Masarap nga itong kainin sa may tabing-dagat habang papalubog ang araw at kasama mo ang mahal mo sa buhay. :) Isama mo pa ang perfect sauce habang kumakain nito.
ReplyDeletenais kong subukan ang nirekomenda mong lugar. ano bang magandang panulak para dito.
ReplyDeleteayos tlga!! da best tlga kpag sa beach hbng kinakain ang paboritong pagkain..
ReplyDeleteito ang pinakamasarap at madaling lutuing putahe na gumagamit ng sariwang pagkaing dagat! :))
ReplyDeletemasarap ang tempura ah..madali ding lutuin...??? astig..
ReplyDeletewala na talagang tatalo pa sa sarap ng pakiramdam sa tuwing kasama mo ang pamilya mong kumain sa hapag kainan ..
ReplyDeleteAng sarap talaga ng mga pagkain kapag binudburan ito ng bread crumbs. binibigyan ito ng "crispy" na lasa sa bibig, at kapag may kasamang sauce. :P
ReplyDeletemasarap kapag tinititigan, mas masarap sa hapag-kainan! :D
ReplyDeleteItsura at amoy pa lang ng tempura, nakakabusog na! Namimiss ko na 'tong kainin. :D
ReplyDeleteKahit na hindi ito isang natural na lutuing pinoy,.. tinatangkilik pa rin ito ng nakararami,. sapagkat napakasarap ang lasa ng shrimp..
ReplyDeleteAt sapagkat mahilig ako sa Lamang dagat na pagkain..
wow.. shrimp tempura!! favorite lng sa tokyo-tokyo ah..
ReplyDeletesarap nyan.. specially with sauce.. hmmmm...
aaminin kong di ko to paborito. pero kung magaling yung magluluto nito. baka magbago ang isip ko. paborito ko kasi ang hipon. :)
ReplyDeletefirst time ko magluto kanina ng tempura..madali lang ito at masarap..=)
ReplyDeletegusto ko ng tempura kasi masarap
ReplyDeletelalo na sa authentic japaneses restaurant.
Masarap sa aling tonyangs sa macapagal seaside
try niyo...
seafood! masarap talaga ang seafoods. hndi nakakasawang kainin. lalo na ang tempura! masarap ang tempura sa shabu-shabu sa robinsons ermita. meron dn silang ibat-ibang klase ng seafood tempura.
ReplyDelete-ALTAIR