Justine Diandra B. Mangalindan
Sino ba naman ang hindi magugutom niyan kung ang nakahanda sa inyong hapagkainan ay ang inyong paboritong pagkain? Lalo na't kung ikaw ay galing sa inyong eskwelahan na maraming kailangang gawin at tapusin, sa inyong trabaho o di naman kaya'y sa isang nakakapagod na "lakwatsahan". Halos lahat sa atin ay mahilig kumain. Mas masaya pa nga itong gawin kung kasalo mo ang iyong pamilya o di naman kaya'y ang iyong mga kaibigan.
Katulad ng iba, marami rin akong paboritong pagkain. Isa sa mga ito ay ang Ginataang Hipon. Ang ginataan ay gawa sa katas ng niyog o sa Ingles ay tinatawag na "coconut milk". Ang mga sangkap na kakailanganin sa pagluto ng Ginataang Hipon ay ang mga sumusunod: hipon, katas ng niyog, kalabasa, sitaw, bagoong, patis, bawang at sibuyas. Madali lang lutuin ang Ginataang Hipon. Gigisahin muna ang sibuyas at ang bawang. Tapos ay ilalagay na ang gata at ilalagay na ang hipon. Sumunod naman ang mga gulay tulad ng kalabasa at sitaw. Pagkatapos ay ilalagay ang bagoong. Hintayin lang na ito ay maluto at maaari ninyo ng ihanda ito.
Sa tuwing nakahanda na ang Ginataang Hipon sa aming hapagkainan, ako'y hindi na makapaghintay na kumain nito. Kung minsan nga, sa sobrang gutom ko, inuunahan ko na ang aking magulang, kapatid at ang aming kasambahay. Kapag ako'y kumuha na ng Ginataang Hipon, palagi kong naaalala ang turo sa akin ng aking tatay na pisain ko ang kalabasa gamit ang tinidor tapos ay ihalo sa kanin na may sabaw upang mas lalo pa itong sumarap. Para sa akin, ito ay masarap at masustansya dahil sa mga gulay na kasama rito.
Kung gusto ninyong matikman ang Ginataang Hipon, maaari kayong magluto sa inyong bahay o di naman kaya'y kumain sa karinderya kung ayaw ninyong mapagod sa pagluluto at ang gusto ninyo ay nakahanda na at kakainin ninyo na lamang. Siguro naman, mayroong nagtitinda ng Ginataang Hipon sa mga seafood restaurants.
Ako talaga ay ginaganahan kapag ito ang aming ulam. Kahit ito ay simple lang tignan, parang mabubuhay ka kapag tinignan mo rin ang iba't ibang kulay ng mga sangkap dito.
Wow isang napa authentic na lutong pinoy, sa pagamit ng gata na may kalabasa.. Isang napakasarp na pagkain..
ReplyDeleteginataang hipon..creamy but u can still taste and feel the seafood which makes it more interesting :)) DELICIOUS!
ReplyDeleteThis is my mom's favorite!
ReplyDeleteWow!!! isa sa pinaka The Best na Lutong Pinoy!!!
ReplyDeletePicture palang nakakagutom na, anu pa kaya kung yan ang ihahain sa iyong hapag-kainan, sabayan ng mainit na kanin at kumakain habang ikaw ay nakakamay... SARAP!!!
Paborito ko ang hipon! at gusto ko rin itong matikman! Dahil nga di ko pa natitikman ;)) Salamat sa inpormasyon, tin!
ReplyDeletewow..! sarap nito..isa sa mga fave ng mga pinoy...
ReplyDeleteyup, iso ito sa mga pagkian na para sa akin ay mayroong "mellow" na lasa, dahil na rin siguro sa gata na sabaw nito.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteNaalala ko tuloy yung mama ko. Isa ito sa kaniyang mga paboritong pagkain.
ReplyDeletenapakasarap naman niyan...nagugutom na tuloy ako..isa rin yan sa mga paborito ko..
ReplyDeleteOne of the best pinoy dishes I've ever tasted! :))
ReplyDeletesana matikman ko din yan ..
ReplyDeletematagal tagal na hindi ako nakakapag luto nyan ah. . punta na akong palengke, mamimili na ng sangkap at magluluto ako nyan, now na. . ginutom tuloy ako. . yummmmmy
ReplyDeleteparekoi.. masarap yan!! basta ginataan the best!! lalo na hipon pa.. seafood.. hmmmmmmmmmmmmmm....
ReplyDeleteMukhang masarap ang lutuing ito ah. Hindi masyadong pangkaraniwan. Nakakatakam! Presentasyon pa lamang ay nakakagutom na. :D:D
ReplyDeleteSarap naman nun. Lalo na yung Hipon. Masustansya ito dahil sa kalabasa.
ReplyDeletenc...ganda ng presentation..tsaka mukang masarap
ReplyDeleteastig ah? ginataang hipon with kalabasa. isusuggest ko to minsan sa mama ko. :)
ReplyDeletethis is one of my fave ulam... sarap kamay-kamayin at ang sarap lamutakin ng kalabasa sa kanin.. hmmm nakakagutom... sira ang diet.. hahaha
ReplyDeletewow masarap tlga to..masustansya pa. nakaka gutom,mukha palang.. kadalasan ito dn ang linuluto sa amin tuwing lunch dhil ito ay masustansya nga. :))
ReplyDelete- ALTAIR
Justine kapag nakapunta ako sa bahay niyo patikimin mo ako niyan ah mukhang sobrang sarap eh. Haha.
ReplyDelete-Bettina Macan