Simula pagkabata, kinahiligan ko na ang kumain nang kumain na nagresulta sa aking pagiging mataba. Aaminin ko na hindi ko mapigilang hindi kumain lalong-lalo na kung ang pagkain ay itsura pa lang, katakam-takam na at tila maglalaway ka sa sobrang sabik na matikman ang pagkain! Minsan ay wala na akong pakialam kung nasosobrahan na ako sa pag-kain o kung delikado sa kalusugan katulad ng mamantikang mga pagkain. Ang mahalaga lang sa akin ay masarap ang pagkaing aking kakainin.
Marami na akong natikman na iba't-ibang klase ng pagkain katulad ng kakainin, inihaw, sinabawan, prito, desert, pasta, at kung anu-ano pa. Kahit saan pa nagmula ang orihinal na putahe, kung dito man sa Pilipinas o pagkaing-banyaga, basta masarap at nakakabusog ay tiyak aking kapapanabikang kumain. Isa sa pinakapaborito kong pagkain o marahil ang pinakapaborito ko ay sa bansang Italya orihinal na nagmula, ito ang pizza.
Sino nga ba ang hindi pa nakakatikim sa pizza? Halos lahat ng lugar ay may nagbebenta ng ng ganitong pagkain, sa labas man o loob ng mall ay mayroon na ito. Ang pizza ay tinapay na hugis bilog o parisukat depende sa laki nang pagkakagawa., pagkatapos ay nilalagyan ito ng pizza sauce, keso, at iba't-ibang sahog gaya ng karne (hotdog, sausage, ham, pepperoni, pork, beef, atbp.) at gulay (bellpepper, onion, mushroom, olives, lettuce, cabbage, atbp.). Kapag napagsama-sama na ang lahat, iluluto na ito sa oven hanggang maluto.
Para sa akin, kapag kumakain ako ng pizza, gumagaan ang loob ko at hindi ko naiisip ang mga problema ko pansamantala lalo na kung ang pizza ay gawa at binili sa Pizza Hut. Gusto ko sa pizza ay maraming keso at karneng sahog at kapag ito ang aking natikman, pwede ko nang maubos ang isang malaking kahon. Pero may mga pizza parlor naman na ikaw mismo ang pipili ng iyong mga sahog kaya dito rin matutukoy kung ikaw ay isang vegetarian. Masaya na ako na nakakakain ako ng pizza kahit na mababaw ito para sa iba upang maging dahilan ng pagiging masaya, pero wala pa rin ako pakialam sa sinasabi ng iba basta masarap ang pagkain. Kaya simula noon, hinahanap-hanap ko na ang pizza at mukhang hindi ata ako mabubuhay kung wala ito.
sarap !! hindi talaga nakakasawa ang pizza. sarap pang midnight snack !!!
ReplyDeletemasarap tlga ang pizza. lalo na kapag sinabayan mo ito ng softdrinks. :)
ReplyDeleteHmmm... i super love PIZZA!!!:D mawala na lahat ng pagkain wag lng ang pizza! ang SARAAAAP! :">
ReplyDeletesarap nga talaga ng pizza. mas lalo na kapag maraming CHEESE! love it! :)
ReplyDeletePIZZA......
ReplyDeleteAWESOMENESS IN ONE PAN!!!!!
Thin or Thick Crust, you will surely enjoy it!
hindi kumukupas. :) para sakin, the best ang pizza hut at yellow cab sa pizza. :)
ReplyDeletesarap nyan.. lalo na ung cheese na nagistretch pa in every bite.. hmmm...
ReplyDelete