Friday, November 19, 2010

Chicken Cordon Bleu


Sa tuwing pinaplano ng pamilya ko na mayroong handaan dahil sa isang masayang okasyon o kung gusto lang namin kumain sa isang restaurant, masusi kong pinagiisipan o pinagmamasdan ang menu na ibinibigay sa amin. Kapag ako'y nasa bahay, palaging iniisip kong bumili ng sangkap at magluto kami ni nanay ng masarap na Chicken Cordon Bleu dahil ito ay isa sa mga pagkain na kakaiba sa ating bansa. Mamamasdan natin na ang manok na ito ay mayroong kakaibang hugis ngunit masarap na lasa sa bibig.

Ang Chicken Cordon Bleu ay binubuo ng dibdib ng manok, keso, karne, arina, manikilya at bread crumbs. Kinuha ang manok at inihiwalay ang karne ng manok sa buto. Ipinaghalo ang arina, paminta at bread crumbs at balutin ang manok ng  bread crumbs upang maging malutong ang manok. Pagkatapos ay nilagyan ng karne at keso sa gitna at inikot ito sa palapad na hugis. Pagkatapos ay malalim na iprito gamit ang cooking oil sa deep frying pan at isalang sa plato kapag luto na.

Kapag tinikman nyo ito, huwag kalimutan na samahan ng cream white sauce upang maging sarap ang pagsasalang ang handaan sa silid kainan. Dahil sa pagkain na ito, natutunan ko na ang bread crumbs ay isa sa mga kasangkapang kinakailangan upang maging sikat ang ibang pagkaing karne, lalung- lalo na kung ito ay inihahanda sa mga restaurant. 

9 comments:

  1. haha...dominic...kna mang toots yan ah!!! pero masarap talaga..ahhaha 60 pesos w/ rice....tasty with tartar sauce (?)

    ReplyDelete
  2. Naku Dominic, Isa ito sa mga paburito kong lutuin at kainin, sapagkat ang cheese nito sa loob ay ng bibigay ng napakasarp na lasa sa manok, ah ham.. tunay na napakasarap kainin..

    ReplyDelete
  3. una ko rin tong natikman sa cafeteria namin dati. :)

    ReplyDelete
  4. wow! ang sarap naman nian dom.. dala ka minsan

    ReplyDelete
  5. Dati hindi ako familiar sa Cordon Bleu hanggang sa dumating yung time na natikman ko siya sa bahay ng aking kaklase noong hayskul. Sobrang sarap! Matapos noon, ipinipilit ko na rin ang aking mama na magluto nito.

    ReplyDelete
  6. sarap nyan lalo na at chicken yan! yummy!

    ReplyDelete
  7. Ito ang isa sa mga putaheng gusto ko ring matutunang gawin..kahit di ko pa 'to natitikman. :))

    ReplyDelete