Saturday, November 20, 2010

Pagluto ng Menudo; ang Pagmamahal TODO-TODO!

      
               
                Mahilig talaga akong kumain, hindi naman halata sa aking pangangatawan. Mula sa mga luto ni Inay hanggang sa mga luto ni Manong Fishball ay kinakain ko. Pero may mga pagkain na sadyang hinahanap-hanap ng iyong panlasa, o sa madaling salita ay ang paborito mong pagkain.
          Marami akong paboritong pagkain, pero mas mahilig ako sa mgapagkaing may tomato sauce gaya ng menudo. Ito ang aking paborito kong pagkain. Ngayon, marami ng iba’t ibang paraan ng pagluluto nito, pero walang tatalo sa luto ng aking ina pagdating dito, dahil may paghahanda ito ay may kasamang pagmamahal. Naalala ko pa nung  bata pa ako, ay pinapanuod ko ang aking ina sa pagluluto ng putaheng ito. Sa kanyang paraan ng pagluluto ay nilalagyan nya ito ng maraming patatas para daw ito ay malinamnam at dahil sa rin sa paborito ko ito. Kaya dahil dito ay naituro na nya sa akin kung paano ito lutuin.
          Ngayon sa edad ng 16 at sa kakayahan kong magluto, ay may kakayahan na akong lutuin ang menudo at ito ay napabilang na sa aking mga ispesialti, ay kahit lumipas ang maraming taon at maiba man ang timpla at lasa nito ay hindi mawawala sa aking alaala ang pagluluto ni Mama ng paborito kong menudo.

11 comments:

  1. naks. xD ako din, napaparampa pag mga "bite size" iyong ulam na inihahain sa hapagkainan. madali kasing kainin. pwede pang papakin! :)

    ReplyDelete
  2. tama. basta may halong pagmamahal ang luto, walang tatalo sa lasa nito :)

    ReplyDelete
  3. Masarap talaga 'to! Tapos may kasama pang pagmamahal ang pagluluto, mas masarap pa! =) Nice, Lianne!

    ReplyDelete
  4. Isa talaga sa nag papasarap ng iyong niluluto ay ang halo nitong pagmamahal at wala nang iba. Walang tatalo dito.

    ReplyDelete
  5. masarap tlga kpag ang paborito mong pagkain ay luto ng iyong mahal na ina. wla ng papantay at sasarap pa dahil sa halong pagmamahal nya sa pagluluto. :)

    ReplyDelete
  6. kapag menudo naman, patatas naman ang pinapapak ko. kumbaga un na ung ginawa kong ulam kasama ng kanin. lianne! sana makatikim kami ng luto mo!

    ReplyDelete
  7. Isa sa mga paborito kong ulam. :D Lalo pang sumasarap 'to pag sinasabay sa mainit na kanin.

    ReplyDelete
  8. oo nga. basta pag may halong pagmamahal ni nanay. kay sarap ng buhay. (buhay kumain) :))

    ReplyDelete
  9. kayang kaya na natin yang lutuin, may ecxperience na rin ako at ilang beses na ako nakapag luto nian

    ReplyDelete
  10. wow! masarap talaga ang mga pagkain na may tomato sauce! xD

    ReplyDelete