Saturday, November 20, 2010

CHICKEN JOY NG NANAY KO


DOSANA ROSE R. OLIVO



       
                Karamihan sa mga bata ay paborito ang putaheng ito. Madalas din ito kainin ng mga matanda at kabataan. Ito ay ang napakasarap na chickenjoy. Kung mapapansin natin, kadalasan ito nakikita sa mga selebrasyon. Pero ang chicken na tinutukoy ko ay hindi basta ordinaryong chickenjoy lamang. Sapagkat hindi ito makikita kahit saan, kahit sa dulo pa ng mundo ay hindi mo ito makikita. Ang chickenjoy na tinutukoy ko ay ang luto ng aking mahal na ina.

                Ang sangkap na kinakailangan para magawa ang recipe na ito ay kalamansi, patis at paminta. Simple lang ang kailangan para mailuto ang putaheng ito. Masarap na, madali pang lutuin. Maganda ito sa kalusugan dahil may carbohydrates at protein ito. Ang chickenjoy ng aking ina ay malinamnam at napakajuicy na habang ngumunguya ka ay mapapangiti ka ng wala sa oras kahit malungkot ka. Ang balat nito ay parang chicharon na hahanap-hanapin mo ang tunog sa sobrang lutong. Sa unang tingin pa lamang ay matatakam ka na sapagkat ang kulay nito ay golden brown na kumikintab sa paningin at talagang maeengayo kang tikman. Wala akong kamalay malay na magiging paborito ko ang chickenjoy hanggang sa pagtanda ko. Habang nilalasap ko ang pagkain na ito, lagi kong natatandaan ang mga childhood days ko lalo na noong una kong nalasahan ang chicken. Sa ngayon, hindi ako nagsasawa sa pagkain na ito. Kahit anong pagkain ang ihanda sa hapagkainan basta may chicken na nakahanda, hindi ko papansinin ang anumang putahe na nakalagay maliban sa chicken.

                Kagaya ng librong Chicken Soup for the Soul, ang chickenjoy ng nanay ko ay nagbibigay sa akin ng enerhiya sa kabila ng pagod lalo na ngayong nasa kolehiyo na ako. MapapaJOY talaga ako sa sarap ng chickenjoy ng nanay ko.

26 comments:

  1. Nice blogpost! Simple yet profound. It is evident that fried chicken is already embued to the Filipino culture and the Filipino heart :)

    ReplyDelete
  2. Nice one! dosana keep it up btw sarap ng luto niyo sa bahay kailan kaya ulit ako makakabisita diyan :)

    ReplyDelete
  3. Cute article! You made a seemingly ordinary viand sound so unique and extraordinary! Nice choice of words too...you just made it sound sooo yummy!!! :-bd

    ReplyDelete
  4. nice blog. kahit ordinary na ang word na "Fried Chicken" naging meaningful pa ito. Iba pa rin talaga pag luto ng sariling mommy! :)

    ReplyDelete
  5. YESH!! naman may ganun .... its simple pero meaningful well i guess it is part of saying thank you to ur parents specially ur mother.... i rily like it... keep it up :)

    ReplyDelete
  6. WOW. kahit na allergic ako sa chicken, this blog made my mouth water..

    ReplyDelete
  7. REALLY, REALLY YUMMMMMY. Nice one, Dosana. Very, very nice blog post. :bd :>

    ReplyDelete
  8. Nakakatuwa naman na talagang sariling luto ng mama mo yung favorite mo. :) Talagang "Chicken Joy ng Nanay Ko". SWEEEET! :)

    ReplyDelete
  9. kailangan kong sumangayon, twing ako'y kakagat sa isang "chikenjoy", talagang nabubuhay ang aking panlasa!

    ReplyDelete
  10. chicken joy one of the food i`ve always crave about since i was a child from now :> after reading this blog naaalala q childhood q..chicken joy crispy and delicious..lalo n paggawa ng ating mga nanay :))

    ReplyDelete
  11. wow pwede nang isanla sa tambunting yang chickenjoy mo! haha..parang nagutom ako bigla ah..penge naman ako nyan..hahaha..xDDD

    ReplyDelete
  12. mukhang masarap yan ah:)) patikim naman niyan chicken joy ng nanay mo..haha

    ReplyDelete
  13. chicken joy..!!! sarap nyan..penge na lang kung pwede..

    ReplyDelete
  14. isa rin yan sa mga paborito kong pagkain..

    ReplyDelete
  15. all time favorite...mapabata man o matanda...may ngipin o wala...paborito ito ng marami

    ReplyDelete
  16. kawawa ang mga taong hindi pa nalalasap ang sarap ng chicken JOY !!! :D tinutukoy ko ang mga allergic sa manok hehe

    ReplyDelete
  17. wow. nakakatakam. sino nga nman ang hindi mahihilig sa chiken joy :)

    ReplyDelete
  18. dala ka ng ganyan sa next session nten nila carla sa xmas break! \m/

    ReplyDelete
  19. Waaaw! Isa pa! Isa pa! Isa pang chicken joy!

    ReplyDelete
  20. Chicken! mas lalo na fried chicken. paborito ng mga bata kahit matatanda. :))

    ReplyDelete
  21. Crispy on the outside, Juicy on the inside. :))

    ReplyDelete
  22. nagutom ako bigla pagkabasa ko nung 2nd paragraph. haha :)
    penge naman ako bukas :))

    ReplyDelete
  23. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  24. nakakagutom naman ang nilalaman dahil chicken.. tlga nga namang napakasarap ng chicken
    -NARAJA-

    ReplyDelete
  25. Delisyoso!!!!
    nakakagutom naman yan dosana penge ako!!!!!

    nice blog nagnahan na naman ang appetite ko. tlgang mapapajoy ako sa sarap :D

    ReplyDelete