Saturday, November 20, 2010

Ang Antipoloneñong Mahilig sa Gawang Malabon

Bayan ni Juan
Ang mga Español ay nabighani sa kay Juan hindi dahil lamang sa taglay nitong ganda, bagkus, dahil sa mga natatanging spices na matatagpuan dito. Kaya naman, walang halong duda, na ang mga Pilipino ay may natatanging galing sa pagluluto. Kung ihahambing sa mga karatig bansa, ang Pilipinas ay natatangi sapagkat ang bawat rehiyon o lugar dito ay may sikat o kakaibang putahe na talaga naman dinarayo pa ng mga turista o banyaga. At isa sa mga natatanging putaheng ito, ay ang pinagmamalaki ng mga taga-Malabon, ang Pancit Malabon.

Ang Pansit Malabon ay nagmula sa siyudad ng Malabon. Ito ay isang putaheng Pilipino na gawa sa rice noodles at sarsang punung-puno ng laman ng baboy at lamang dagat. Napukaw nito ang ang aking panlasa, sapagkat nanunuot ito sa aking mga dila sa tuwing ito'y aking isusubo. Ibang klaseng pakiramdam ang aking nadarama sa pagkain ng Pancit Malabon. Napakasarap din nito kung hahaluan ng maraming pinakuluang itlog. Samantala, marami-raming Pilipino ang hindi ito matikman sapagkat ito ay mga lamang seafoods na kung saan ang karamihan ay may allergy. Kung ito'y bibilhin sa mga restawran, masasabi na ang putaheng ito ay may kamahalan. Sapagkat taglay nito ang pusit at hipon na hindi basta bastang natatagpuan sa karagatan ng Pilipinas.

Sa pamamagitan ng blog na ito, wari sana'y marami ang magkagusto sa putaheng ito. Naniniwala ako na ang PUTAHENG PILIPINO ay maipagmamalaki natin sa buong mundo.
Maraming salamat sa inyong pagbasa!



Isinulat ni 1H4 Pres. John Edward Queipo

11 comments:

  1. pansit malabon one word delicious :)). the taste of all ingredients cope together with each other makes one harmonious delicious taste :))

    ReplyDelete
  2. Pansit Malabon! :D Di rin ito pwedeng mawala kapag may okasyon tulad ng piyesta!! Minsan nilalagyan ko to ng kalamansi. :)

    ReplyDelete
  3. Kapag pasko,reunion, o piyesta, imposibleng walang Pansit Malabon. Sarap talaga nito lalo na kung may kasamang barbecue. :)

    ReplyDelete
  4. nagugutom na ako !!! sobrang sarap talaga ng pancit malabon .. kapag nagluto ang aking ina ng ganyan .. kahit umaga, tanghali at gabi ko itong kainin ay hindi pa rin nakakasawa .. lalo na pag maraming itlog at hipon .. samahan mo pa ng katas ng kalamansi !!! YUMMY !!

    ReplyDelete
  5. masarap yan... !!
    hinahanap hanap sa mga handaan..!!
    lalo na ung hipon na pinagaagawan sa pansit malabon.. hehe

    ReplyDelete
  6. Ako'y ginugutom mo. ;D
    Napakasarap nga niyan, walang dudang nagustuhan mo rin ito kagaya ng marami :))

    ReplyDelete
  7. Ako man ay isang Rizaleno dn, pero masasabi kong tunay na maipagmamalaki ang Pansit ng mga taga Malabon!

    ReplyDelete
  8. Pancit Malabon! my favorite! craving for eat now. mas lalo na kapag may buko juice. :)

    ReplyDelete
  9. Malabon malabon, isang lutong gustong gusto ko. Mas gusto ko ito kaysa sa pansit, masarap ang mga noodles na ginagamit

    ReplyDelete
  10. tunay nga naman na napakasarap ng palabok

    ReplyDelete