Friday, November 19, 2010

Higupin at Tikman ang Sarap ng Bulalo



Isa sa mga rason kung bakit ako sumabak sa kursong HRM ay dahil gusto kong matutunan ang pagluto ng aking pinakapaboritong putahe na bulalo. Una akong nakatikim ng bulalo sa tahanan ng aking lolo’t lola sa batangas nung ako’y musmos pa lamang. At simula nun ay nahiligan ko na ang bulalo. ang batangas ay kilala sa putaheng bulalo dahil dito matitikman ang iba’t iba at masasarap na luto ng bulalo. sa bawat sulok ng batangas ay makakakita ka ng iba’t ibang bulaluhan. At bawat bulaluhan ay may iba’t ibang paraan ng pagluto ng bulalo.

Ang bulalo ay putahe na masarap kainin sa malamig na panahon. ang sankap ng bulalo ay bias ng baka, malaking sibuyas na hiniwa sa gitna, kutsay na hiniwa sa maliliit, maraming tasa ng tubig at iba pang pampalasa. Pinapagsama sama ang mga sankap nito sa isang malaking kaldero at pinapakuluan hanggang lumambot ang laman. Inaalis din ang mga pumapaibabaw na latak ng buto. Ang pagluto ng bulalo ay isang gawain na dapat tinututukan ng nagluluto.ang pagkain naman ng bulalo ay isang masayang gawain. ang paghigop ng sabaw, pagtaktak ng laman sa gitna ng buto at ang hiwaga na matatamo sa paglasap sa bawat subo ng putaheng ito.

Ang bulalo ay masarap ihain na mainit na mainit. Ito ay putahe na nakakapagpainit sa iyong katawan. Marami din itong nilalaman na gulay kaya ito rin ay masustansya. Ang bulalo ay pwedeng putahe sa loob at labas ng bahay. ang bulalo ay isang putahe na sikat sa loob at labas ng Pilipinas. Ito ay tradisyunal na lutuing bahay ng mga Pilipino. Ayon sa mga batangenya, isa sa mga dapat matutunang lutuin ng mga ina ay ang bulalo dahil ito ay isang representasyon ng pamilyang Pilipino. Ang bulalo ay isang putahe na maipagmamalaki ng pilipinas dahil wala ng mas sasarap pa sa bulalong Pilipino. Taas noo ako, isang Pilipino, Bulalo ang paborito! :]


                                                                     -Gianpaolo Alfredo T. Patelo V.

16 comments:

  1. wow...Bulalo..natatakam ako....ahahha..tunay na masarap ngunit puro mantika..pero ok lng dahil masarap nmn

    ReplyDelete
  2. GP, ang sarap naman nakakalaway, paburito ko rin itong kainin lalo na ang utak ng buto nito, siguradong nakakatakam

    ReplyDelete
  3. Sabaw pa lang, busog na ako. Nakakatakam nga naman ang Bulalo. :P~ Bagay na bagay sa panahon ng pasko ang mainit na Bulalo ;)

    ReplyDelete
  4. Salamat sa pagawa ng blog na ito. Makakatulong ito upang hindi natin makalimutan ang sarap na makikita lamang sa pilipinas. Sana ay gumawa ka pa ng maraming blog tungkol sa iba't ibang kilala pang putahe sa pilipinas. Good blog. :)

    ReplyDelete
  5. You have divulged on the intricacies of the Filipino dish - Bulalo. I am so honored that I was born in an era where you, Gianpaolo, are changing with your words and witty insights. You are a Rennaisance piece of our time.

    Kudos!

    ReplyDelete
  6. gusto kong maranasang kumain nyan .. ako nlng ata hindi nakakalasap ng sarap ng bulalo ... :(

    ReplyDelete
  7. grabe GP. para kang tatay ko. puro nalang BULALO, BULALO at BULALO. :)

    ReplyDelete
  8. bulalo isang putangheng napakasarap :))..bulalo declious and healthy try MO :))

    ReplyDelete
  9. ako ay nagagalak dahil sa iyong ibinigay na impormasyon sa akin. ako ay lubos na nagpapasalamat sa iyo, aking kaibigan. sana gumawa ka pa ng maraming blog na makakatulong sa sambayanang pilipino. ikaw ay isang mabuting nilalang. ang bulalo ay totoong napakasarap. sana ako ay iyong lutuan kapag marunong ka na. nawa'y pagpalain ka ni Lord. =)

    ReplyDelete
  10. isa lamang ang aking masasabi. kay sarap humigop ng sabaw nito kapag panahon ng taglamig!

    ReplyDelete
  11. Pag umuuwi din ako sa batangas, lagi ding nagluluto ung mga kasama ko dun. sa mga hindi pa nakakatikim. you're missing half of your life. hehe. Napakasarap na ulam. Pati nga cup noodles may bulalo flavor eh.

    ReplyDelete
  12. wow..bulalo..masarap nga ito lalo na at malamig na ang panahon dahil malapit na magpasko.

    ReplyDelete
  13. Sabaw palang panalo na!!! SARAAAAP!!! :D

    ReplyDelete
  14. Bulalo? Whew! Isa yan sa mga nagpapasikat sa Pilipinas.. =)

    ReplyDelete
  15. Bulalo! yum yum! pampatigas yan ng Tuhod. :)

    ReplyDelete
  16. dati. hindi ko alam kung ano 'yung bulalo. tapos nung dinala ako ni mama sa bulalohan. hinahanap hanap ko na siya araw araw. :)

    ReplyDelete