Bawat tao ay may pagkakaiba. May iba’t ibang gusto, may iba’t ibang hilig at may iba’t ibang pananaw. Walang taong sadyang magkatulad. Maaaring may mga bagay na gusto mo na kanya ring gusto, at mga bagay na kanyang gusto ngunit ikaw naman hindi na-eengganyo rito.gaya na lamang sa pagkakaroon ng paboritong pagkain. Kung sasabihin ko sa iyo na mahilig ako kumain ng hipon, hindi ito nangangahulugan na mahihilig ka na din sa pagkain ng hipon nang dahil sa sinabi ko sa iyo na mahilig ako rito. Dahil maaaring hindi ka kumakain nito sapagkat ikaw ay allergic dito.
Paano nga ba natin nagugustuhan o nagiging paborito ang isang pagkain? Anu-ano ba ang taing batayan sa pagpili ng ating paboritong pagkain? Ito ba’y dahil sa itsura ng pagkain? O dahil sa dulot nito sa ating kalusugan? O baka naman dahil sa lasa nito? O ‘di kaya’y dahil sa ito ang gusto ng nakararami at nais lamang nating maki-uso? O marahil, ito ang madalas nating kinakain o madalas na inihahain sa atin?
Ang aking paboritong pagkain ay ang Sinigang na Bangus. Madalas itong inihahain sa amin mula pa noong kami ay mga musmos pa lamang hanggang sa ngayon na kami ay malalaki na. Ang putaheng ito ay madalas nating makikita na ibinebenta sa mga karinderia. Ngunit mas makabubuti kung tayo na lamang ang magluluto nito sa ating mga tahanan. Sapagkat mas makasisigurado tayo na malinis ang pamamaraan sa paggawa nito.
Ang mga sangkap sa paggawa nito ay ang mga sumusunod:
• 1 piraso malaking bangus, malinis at hiniwa sa 4 o 5piraso
• 2 piraso kamatis, na hinati sa 4
• 2 medium talong, hiwa
• 5 piraso sitaw, hiwa
• 2 tasa ng dahon ng kangkong
• 1 kutsarita ng asin
• 1 maliit na luya, hiniwa
• 1 katamtamang sibuyas, hiniwa
• 5 tasang tubig
• 1 maliit na pakete ng pulbos ng sampalok
Ang paraan sa paggawa nito:
1. Magpakulo ng tubig sa isang kaserola kasama ang luya.
2. Idagdag ang hiniwang bangus, kamatis, at sibuyas at pakuluan ng 10 minuto.
3. Idagdag ang pulbos ng sampalok at asin para sa lasa.
4. Idagdag ang mga hiniwang talong at sitaw at pakuluan ng 5 minuto.
5. Alisin sa kalan, idagdag ang mga dahon ng kangkong, at takpan ito sa loob ng 5 minuto.
6. Ihain ng mainit.
Ang Sinigang na Bangus ay napaka-asim, tipong mapapa-ngiwi ka sa sa sobrang asim nito. Ngunit nakakasigurado kang napakasarap nito na gugustuhin mo nang ulit-ulitin ang pagkain nito. Ito rin ay nakatutulong sa pagpapalakas ng ating katawan at resistensya dahil bukod sa mga sangkap nitong gulay, ay nakakakuha din tayo dito ng protina galing sa sangkap nitong isda.
Kung ako ang inyong tatanungin, nagugustuhan ko ang isang pagkain kapag ang pagkaing ito ay tumatatak sa aking isipan ang kanyang lasa at ang aking pakiramdam habang ito ay aking kinakain mula sa pinaka-unang beses na ito’y aking matikman. Sa tuwing ito ay aking matitikman, para bang nais ko nalamang kumain ng kumain hanggang sa hindi ko na kayang kumain pa. At higit sa lahat, iba kakaiba ang kasiyahang aking nararamdaman sa tuwing ito ay aking kinakain.
Ikaw, ano ang iyong batayan sa pagpili ng iyong paboritong pagkain? Paano mo pinipili ang paborito mong pagkain?
Masarap din ang Sinigang na Bangus! :) Para maiba naman ang ulam, dahil parati na lamang baboy, karne o di kaya'y manok ang ating kinakain. Mabuti rin naman ang isda! :) Masustansya ito. :)
ReplyDeletehmmm... sarap nyan.. maasimasim pa.. gusto ko din ung bangus na kht ikaw ay matinik ay hnd mo na iindahin sa sarap..
ReplyDeleteAng sarap! salamat sa recipe mo! matry ko nga to sa bahay :D Sakit.info
ReplyDeletePerfect yan ngayon tag ulan.tamang tama may bangus sa ref.sakit.info
ReplyDelete