Saturday, November 20, 2010

Ang Oreo at Ang Iyong Kahati


     
Lloyd E. Cermino 
  









     Ang gawain ng ilan kapag manliligaw, Ferrero and dalhin, o di kaya ay isang pumpon ng bulaklak. Bakit hindi isang bagay na magpapahayag ng iyong damdamin? O di kaya ay iyong ikaw mismo ang gumawa? Bakit hindi isang cake na naglalaman ng iyong nais iparating? Bakit hindi isang Oreo Cheese Cake ang iyong ibigay?



      Ang Oreo cheese cake ay isa lamang sa marami ko nang natikmang panghimagas. Marahil sa pamagat pa lamang ay alam nyo na ang mga pangunahing sangkap nito. Tama!! Oreo at Cheese Cake. Ang cheese cake ay isa sa madalas na ginagamit sa paggawa ng mga panghimagas na pinapalamig. Ang Oreo naman ay isa nang popular na biskwit sa atin mula pa noong tayo ay mga paslit pa lamang. Marahil kapag naririnig natin ang salitang Oreo ay ang mga salitang ito ang ating naaalala "you twist it, you lick it, then you dunk it". Dalawang masarap na sangkap na pinagsama sa iisang panghimagas. 


Ang sangkap na kailangan ay ang mga sumusunod:
  
     1 1/2 c. durog na cookies
     1/2 c. tunaw na mantekilya
     1 balot ng cream cheese (pinalambot)
     1/3 c. ng asukal
     1/2 c. kondensadang gatas
     1 tsp. banilya
     2 tbs. gelatin
     1/3 c. tubig
     1 c. pinalamig na whipping cream
 
  

Ito ang mga hakbangin sa paggawa:
                       Latagan ng aluminum foil ang isang 10" x 2" na llanera. Sa isang bowl pagsamahin ang cookies at mantekilya. Haluin mabuti at pitpitin gamit ang kutsara. Sa isa pang bowl, ikrema ng magkasama ang cream cheese at asukal. Lagyan ng gatas at banilya. Haluin ng mabuti. Isaboy ang gelatin at itabi hanggang sa lumambot at pagkatapos ay painitin sa mahinang apoy hanggang sa matunaw. Idagdag sa cream cheese na halo. Haluin ang krema hanggang sa ito'y maaari nang gamitin. Ilagay ang crust at ikalat itong mabuti. Ibabawan ito ng nalalabing mga cookies. Palamigin sa loob ng 4 na oras o sa hanggang sa handa na. Alisin sa pagkakamolde at ihain bilang panghimagas.

   

Aangat ang lasa ng cheese cake ngunit ito ay babalansehin ng cookie. Ito mainam na ihain habang ito ay malamig pa upang ang loob nito ay mapanatiling buo. Maaari itong budburan ng iyong nais na toppings. Maaaring mga prutas o mga tsokolate. Ngunit ano man ang pang-ibabaw na ilagay dito, ang mahalaga ay kung kanino mo ito kahati at kung ano ang nais mong iparating sa kakain nito.

16 comments:

  1. Madalas na nangingilo ang ngipin ko kapag kumakain ako ng matatamis, pero tinitiis ko nalang. Sayang din yung pagkain eh. :))

    ReplyDelete
  2. nako, grabe. isa din ako sa napupusuan ang mga may kasamang oreo na pagkain. mapa "savory" na pagkain man iyan o panghimagas. talagang napakasarap. :)

    ReplyDelete
  3. sadyang masarap tlga ang oreo :D

    ReplyDelete
  4. hm. sarap ah. nakakagutom. libre! :)

    ReplyDelete
  5. paborito ko ang oreo cookies....hmm sigurado akong magugustuhan ito ng aking panlasa...wala bang free taste nito? :D haha! joke!

    ReplyDelete
  6. Oreo is love! Sobrang paborito ko ang oreo! Tila napakasarap ng dessert na ito Lloyd!

    ReplyDelete
  7. pagdating sa mga desserts, isa ito sa mga gustong kainin ng mga tao, lalung- lalo na mayroon itong oreo. sarap naman nito lloyd!

    ReplyDelete
  8. wow! cake..sarap nyan..pahingi na lang kung merun...haha..:P

    ReplyDelete
  9. cheesecake! isa sa paborito kong panghimagas! tapos oreo pa! panalo! baka isang upuan lang, maubos ko to. :)) ang sarap! naghahanap ako ng matamis ngayon! :)

    ReplyDelete
  10. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  11. Nung natikman ko ang blueberry cheesecake, akala ko wala nang mas sasarap pa dun. 'Yun pala, may Oreo cheesecake pa! Gustong gusto ko matutunang gawin 'to. :D

    ReplyDelete
  12. oreo! paborito ko yan! :)) bsta lahat ng pagkain na may sangkap na oreo cookies masarap talaga pra sakin. gusto ko dn matutong gumuwa ng cheese cake.:))

    ReplyDelete
  13. Wow! Oreo cheesecake!!!! Ang sarap niyan oh! Gawa naman tayo niyan! :P

    ReplyDelete
  14. parang ang sarap naman nito. sana nga magbake tayo nito. :)

    ReplyDelete
  15. Oreo naala ko rin tuloy noong bata pa ako, kung ano ang ginagawa ko sa OREO,. ginagaya ko ang nasa palatastas, na isinasawsaw ito sa GATAS upang sumarap pa.

    ReplyDelete