Friday, November 19, 2010

Chao Long Beef Stew Noodle Soup

KEENA MAE L. TAN


Kapag naririnig ko ang Chao Long aking naaalala ang mga panahong ako’y nasa hayskul. Ako’y nagulat ng niyaya ako ng aking mga bagong kaklase, na aking mga kaibigan at kabarkada na ngayon, na kumain sa Chao Long noong kami pa ay nasa ikatlong taon sa hayskul. Ang aking unang naisip ng mga panahong iyon ay ‘Ano iyon?’ dahil rin sa kadahilanang ako’y bago pa lamang sa bayang iyon. At dahil sa aking kagustuhang malaman kung ano ito ay sumama na ako. Kami ay nakarating sa ‘Bonas’, na isang sikat na kainan roon, at inirekomenda nila sa akin na tikman ang Beef Stew. Nang aking matikman ito, ako ay nasarapan at di kalaunan ay hinanap hanap ang ‘sensation’ na dinudulot nito sa aking dila. Ito ay matamis-tamis at malinamnam na ‘noodle soup’.

‘Chao Long Beef Stew noodle soup' o kilala sa tawag na ‘Bún bò Huế’ sa Vietnam na isang Vietnamese Cuisine na aking unang natikman sa ngayo’y aking itunuturing na tahanan, sariling bayan na Puerto Princesa sa Palawan. Karaniwang matatagpuan ito saan mang lugar sa bayan, ngunit popular itong kainin sa mga kainang VietVille, Saigon at Bonas.

 Sa aking pagsasaliksik, ito pala ay tinatawag sa Vietnam na Bún bò Huế at ang mga pangunahing sangkap pala nito ay ang baka na pinakuluan, ang ‘rice noodles’ na kadalasang sila rin ang gumagawa, ang achuete na nagbibigay ng kulay dito, at iba pang mga sangkap. Ito ay kadalasang ihinahain kasama ng mga toge(bean sprouts), ‘mint leaves’ at kalamansi. Masarap din ito kapag umorder ka ng ‘French bread’.  Ang ‘French bread’ ay maaaring plain o may palaman tulad ng Beef, Pork, Chicken, Tuna at Egg. Ito ay masarap kainin kapag tag-ulan, ngunit sa kalagayan ng aking mga kabarkada ay kung kelan naming gusto ay kakain kami rito. Masarap ang Chao Long sapagkat ang ‘noodle’ nito ay di pangkaraniwan, ito ay may kakaibang ‘texture’ at kasama nito ay ang malinamnam na sabaw na mahihigop.

Kapag gusto niyong matikman ang ‘noodle soup’ na ito na aking kinagigiliwan ay pwede niyo itong matikman sa aming bayan na mabibili sa halagang 40-50 pesos lamang. Ngunit kung ayaw niyo namang mapalayo rito sa Metro Manila, ay maaari niyo itong matagpuan sa mga sikat na pamilihan at hanapin ang kainang ‘Pho Hoa’ na mabibili sa halagang 200 pesos pataas. Inirerekomenda ko na kapag kayo ay bumisita sa aming bayan ay huwag niyong kalimutan na bumisita sa isa sa mga kainan ng Chao Long o mga Chaolongan. Kasabay nito ay kumain kayo kasama ang mga taong nagpapasaya sainyo at minamahal ninyo. Happy Eating! 

15 comments:

  1. galing vietnam pala yan..hindi ko pa natitikman pero akala ko chinese...sulit din kahit mura lang...

    ReplyDelete
  2. nakakamangha naman ang putaheng ito, sa mga nabasa q itong soup n ito ay napakasarap making u crave for more :))

    ReplyDelete
  3. nababasa ko palang ang mga nakasulat ay nagugutom na ako. itsura pa lang nito ang katakam takam na.
    --- Angelo

    ReplyDelete
  4. ahahha...kala ko din chinese...pro i know masarap kc mahilig ako sa foreign...

    <3 kath

    ReplyDelete
  5. Must try tong chao long! The best!

    ReplyDelete
  6. Ngayon ko lang narinig at nakita 'to. Mukhang masarap nga! Salamat sa inpormasyon tungkol sa pagkaing ito Keena. :)

    ReplyDelete
  7. kung nasa puerto ka rin lang... wag niyo nang palampasin ang pagkakataong makatikim ng napakasarap na Chao Long Beef Stew Noodle Soup!

    - super delicious!

    ReplyDelete
  8. Keena, dahil masarap to! at natikman ko na dahil galing tayo sa iisang probinsya, napakasarp ito kasama ng FRENCH BREAD

    ReplyDelete
  9. ipapaluto ko nga iyan sa aking uncle na vietnamese para malasap ko ang sarap ng paborito mo keena .. :)

    ReplyDelete
  10. sana matikman ko din yan haha. parang ang sarap :)

    ReplyDelete
  11. Minsan talaga, may mga pagkain na hindi mo aakalian na ganun pala kasarap. Lalo na kung mahilig ka mag-experimento sa pagkain.

    ReplyDelete
  12. kahit ngayon ko pa lang narinig yan, natatakam ako dahil mukhang masarap yan. :D

    ReplyDelete
  13. Sarap ng noodles, lalo na pag umuulan. :)

    ReplyDelete
  14. wow paborito ko dn toh! beef stew..una ko tong natikman nung kumain ako sa Pho Hoa sa robinson manila. isa dng vietnamese na restaurant. at npaka sarap.tama lang ang knyang anghang. at healthy pa. hnding hindi ako mgsasawa!:))


    -ALTAIR

    ReplyDelete