Tapa – Itlog – Sinangag (TAPSILOG)
by Gene Patrick Malihan
by Gene Patrick Malihan
Noon, ang pagkaing ito ay maari lamang sa umaga, nang ito ay sumikat, kahit hanggang medaling araw ay maari na natin itong matikman. Masarap na pang-umagahan, masarap na pananghalian, pwede ring pangmeryenda at maari ring panghapunan. May mga kasama rin ito tulad ng To-si-log(Tocino, Sinangag at itlog) Longgsilog(Longganisa, sinangag at itlog) at marami pang iba. Sa murang halaga, paniguradong solb na solb na ang iyong tiyan. Hindi ka na mangangamba na hindi ka makahanap ng kainan na naghahanda ng ganitong mga uri ng pagkain dahil halos lahat na ay naghahanda nito.
Kahit ang taong walang tindahan ay maaring maghanda o makapagluto nito para sa mga taong nag-aabang ng masarap na makakakain. Simple lang naman at madaling mabili sa palengke ang mga sangkap na kakailanganin sa pagluluto ng “TapSiLog”, ito ang mga sumusunod.
Para sa Tapa:
Tapa na naibabad sa suka, bawang at paminta.
Para sa Sinangag:
Kanin o mas maganda ang Bahaw.
Bawang
Iba pang pampalasa.
At Itlog.
At ang paraan ng pagluluto, Para sa tapa, siguraduhing hiwain ang karne sa katamtamang laki, iprito ito hanggang maging “dark brown” ang kulay nito, itabi. Isunod na ang pagpriprito ng itlog. Iluto na ang bahaw, unahin ang bawang saka isama ang bahaw at ibang pampalasa.
Ganyan lang kasimple, homemade man o pinaluto sa kainan, lasang lasa mo pa rin ang luto ng pinoy.
simple lang kung tignan ngunit masasabing tunay ngang masarap. naalala ko ang aking kuya dahil ito ang kanyang paborito. :)
ReplyDeletekahit simple lang ang sangkap ng pagkain na ito, masarap at masustansya ang tapsilog. :D nice one pat!
ReplyDeletemasarap ang pagkain na ito. simple lang pero nakakabusog at paborito pa ng masa! :)
ReplyDeletetapsilog- mapaumaga man tanghali man hapunan man :> walang kakupas kupas sa kasarapan..pinoy n pinoy kompleto rekados :))
ReplyDeletewow. talagang napakasarap pag pinagsabay ang tapa at itlog. yummy! :D
ReplyDeletewow. sarap naman nyan. nagutom tuloy ako bigla
ReplyDeleteGrabe nakakagutom!!! masarap talaga ang tapsilog, sobrang pang Pilipino. HOHOHO! :D
ReplyDeletefav ko sa meals to go!ahaha
ReplyDeletepinoy na pinoy. :)
ReplyDeletesuppppeerr favorite ko to. although hindi agahan, but hapunan. yummy. :)
ReplyDeletebasta karne ay hindi ako makakatanggi xD
ReplyDelete