Saturday, November 20, 2010

Namnamin ang sarap ng aking paboritong Tinola

Isa sa mga paborito ng mga pinoy, ang Tinola o Tinolang manok. Marami akong paboritong pagkain at isa na rito ang Tinola na mapapa "WOW ulam" ka sa sarap. Naging paborito ko ang putaheng ito dahil na rin sa hilig ito lutuin ng aking ama na itinuturing kong pinakamagaling magluto sa buong mundo. Ako'y lubos na nasasarapan dito sa tuwing ito ay inihahain sa hapagkainan kasama ang aking pamilya o mga kaibigan . Ang kakaibang lasa ng manok kasama ang iba't ibang masusustansyang gulay ay tiyak na hahanap hanapin matapos tikman ang linamnam ng Tinola. 

  
  Ang Tinola ay gawa sa iba't ibang klase ng gulay o prutas na makapagbibigay ng malakas na pangagngatawan. Ito ay binubuo ng berdeng papaya o pwede ring sayote bilang pamalit, petchay o kaya naman dahon ng sili, berde na sili, patis, luya, tubig o hugas-bigas, paminta, sibuyas, bawang at syempre ang manok. Ito ang mga paraan kung paano lutuin ang Tinola:

  1. Sa isang kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bawang, luya at sibuyas.
  2. Idagdag ang manok at patis.
  3. Lagyan ng ¼ kutsaritang paminta.
  4. Timplahan ayon sa panlasa.
  5. Ibuhos ang hugas-bigas o tubig at takpan ang kaserola.
  6. Hayaang kumulo at lumambot ang manok.
  7. Idagdag ang papaya o sayote at lutuin hanggang lumambot.
  8. Bago patayin ang apoy ay isama ang dahon ng sili o petchay.
 Ang Tinola ay talaga namang isa sa mga putahe na di na kailanman ay maaalis sa panlasa ng mga Pinoy. Ang mainit at masarap na sabaw, ang malambot at kakaibang sarap ng manok, at ang mga gulay na hindi lamang masustansya. ito ay nagbibigay kulay pa sa Tinola na sa tingin palang ay magugutom ka na. Ano pang hinihintay niyo?? "Ang sarap kaya!, Try nyo!" 

            Maraming Salamat,           
-Jou Leo G. Espineli    

10 comments:

  1. wow! isa na din sa mga paborito ko ang tinola.. :) tama ang mga sinabi mo.. masarap talaga ang tinola!.. :D love it!.. :)) :>

    ReplyDelete
  2. wow! tinola! sarap yan..sarap ng sabaw..pati ung gulay...hehe..:D

    ReplyDelete
  3. tinola! solb na ko pag sabaw lang at kanin. :)) parang ung kay dan. ang sarap ng tinola

    ReplyDelete
  4. wow! isa din yan sa mga paborito kong ulam. :)) sarap naman. :) loveit! :D

    ReplyDelete
  5. tinola one word to describe,delicious. the blending of seasoning poultry and herbs makes it one extraordinary delicacy :))..

    ReplyDelete
  6. masarap yan! :)) lalung lalo na kung mainit pa. :D

    ReplyDelete
  7. Mahusay, tingin ko pa lamang ay busog na ako..

    ReplyDelete
  8. HAHAHA. Dpat tinola din akin, kaso nauna si Leo eh. Sayang. :| :)) Pero ang sarap talaga ng tinola! :D Favorite namin ni ano. :P

    ReplyDelete
  9. wow! tinola. favorite namin ng kuya ko to. mas lalo na kapag may patis. hahaha. :)

    ReplyDelete
  10. pinoy na pinoy na putahe, ang tinola :)

    ReplyDelete