Kathriene Sharmaine L. Garcia
Tuwing ako'y nakakakain ng pagkain na gawa ng mga Hapon, ang laging nagugustuhan kong kainin ay ang croquettes. Ang croquettes ay gawa sa patatas na may iba't ibang halong pagkain tulad ng mais, crab meat, at curry. Ito ay inilulubog sa harina, pagkatapos ay sa binateng itlog, at tapos sa panko o bread crumbs. Idi-deep fry lamang ito at pwede nang kainin.
Ito ang aking napiling pagkain dahil nahiligan ko ang patatas dahil dito. Hindi ito gumagamit ng artipisyal na flavoring kaya naman napakasustansya nito. Kinahiligan ko na talaga ang pagkaing Hapon ngunit sa croquettes ako hinding hindi magsasawa. Maraming lahok ang pwede mong gamitin sa croquettes kaya ko ito lalo pang nagustuhan. Sa sarap nito ay parang gusto mo pang humingi ng isa pa. Masarap samahan ng tsaa ang pagkaing ito lalo't na galing nga ito sa Japan.
Dahil sa hilig ko dito, lahat ng recipe na pwedeng gawin dito ay kinuha ko na. Sinisimulan ko nang gumawa ng croquettes at iperpekto ang paggawa nito. Tunay na napakasarap nito at lubhang hindi mo pagsisisihan ang pagkain nito.
kat. pahingi ako pag naperfect mo na ah? haha. nice nice. :))
ReplyDeletewow japanese :)) i also love japanese and after reading this. it makes me crave for a croquettes
ReplyDeletewow..it's japanese..masarap siguro yan..pahingi na lang pag naperfect na...
ReplyDeletePahingi naman ako kapag meron ka ng gawa..
ReplyDeletebigyan mo kmi :D pra malasap namin ang paborito mong croquettes ..
ReplyDeletegusto kong makatikim nito! sana ay gumawa tayo niyan!!
ReplyDeleteWow ang sarap naman! Ang hilig mo talaga sa tsaa. Hehe. Oo nga, pahingi rin ako kapag meron kang gagawin. ;)
ReplyDeletebasta gawa sa patatas, kinahihiligan ko talagang kainin ito :D
ReplyDelete