Sunday, November 21, 2010

Kulinari Blog: Empanadang Ilocos

Nais kong ipagmalaki sa inyo ang pinakapaborito kong pagkain na sa Vigan City niyo lang makikita. Hindi man ako taga Ilocos o wala man akong lahing Ilocano ay madalas an gaming pagpunta ng aking pamilya sa Vigan. Walang taong lumampas sa buhay ko na hindi kami pumunta doon, paminsan pa nga ay dalawang beses kaming umuuwi doon. At sa bawat pagdalaw sa lugar na nasabi, hindi naming nakakaligtaan o nakakalimutang mamasyal sa plaza kung saan makikita ang espesyal na empanadang sinasabi ko sa inyo.

Dati, ang mga tindera ng empanada ay nagtatayo lamang ng kanya kanya nilang lamesa sa may kalsada hanggang sa gumawa ng proyekto ang gobyerno at sila ay ginawan ng sariling mga stall sa isa sa mga kalye doon.

Ang empanadang ito ay dinarayo ng mga tao at ito ay kasama sa mga hindi dapat makalimutan sa Vigan kung ikaw ay isang turista. Naifeature na rin ito sa ilang palabas sa TV.

Ang pangbalot ay gawa sa rice flour. Ang palaman naman ay itlog, longganisang sa Ilocos din galing at gulay (ginadgad na berdeng papaya, mongo, bawang at sibuyas). Ito ay idinideep fry at pagkatapos ay pwede nang kainin. Mas masarap kung ito ay kakainin ng mainit pa at kung isasawsaw sa sukang Iloco.

Ang empanada ay may balanseng lasa na hinding hindi mo pagsasawaan. Ito ay hindi masama sa kalusugan dahil ito ay may gulay. Kapag kumain ka nito, masasabi mong “Nasa Ilocos nga ako” dahil sa longganisa, suka at sa empanada mismo na sa Ilocos lang makikita.

Ang street food ng Vigan: Empanada

7 comments:

  1. ngayon ko lang nakita ang ganyang pagkain kahit ang probinsya namin ay sa ilocos. masubukan nga kapag nagpunta ulit kami sa vigan. :))

    ReplyDelete
  2. hmm.. very interesting! hindi pa ako nakakakita ng empanadang ilocos pero sa aking palagay, ito ay masarap.. :))ito ay aking susubukan kapag ako'y nagkaroon ng pagkakataong makapunta ng vigan. :))

    ReplyDelete
  3. tara sa ilocos !!! nang matikman ang masarap na empanada. litrato pa lang katakam-takam na. masasarap talaga ang pagkaing ilokano .. i'm proud to be one of them :D

    ReplyDelete
  4. ang sarap naman ng empanadang ito. :)

    ReplyDelete
  5. sarap talaga nito! samahan mo pa ng malamig sprite/7-up. the best empanada. looking forward of tasting this dish again soon..

    ReplyDelete
  6. wow. ang unique ah. napapagana na naman tuloy ulit nito ang aking pagkagustong kumain. xD

    ReplyDelete