ANGELO R. TORRES
ADOBO |
Ang aking napiling putahe ay ang napakasarap na adobo. Bata pa lamang ako ay nahuhumaling na talaga ako sa sarap at bango ng adobo. Nag simula ang pagkahilig ko sa adobo ng ako ay ipinagluto ng aking pinakamamahal na lola dahil ako ay nalulungkot. Sa unang tikim ko palamang ay na bighani na ako sa sarap ng kanyang adobo. Para bang ang lahat ng aking lungkot ay natabunan ng saya. Kahit na paulit ulit ko itong kainin sa umaga,tanghali hanggang gabi ay hinding hindi ako magsasawa dahil sa napaka sarap nitong lasa. SABAW PA LANG AY ULAM NA!
Ang adobo ay isa sa mga pinaka-popular at pinaka-kilalang tradisyunal na lutuing Pilipino sa loob at labas ng Pilipinas. Niluto sa suka, toyo, bawang, at paminta ang mga sahog nito. Ipiniprito ang karneng sangkop bago haluan ng suka at bawang. Itinuturing ito bilang pambansang lutuin ng Pilipinas. Maaaring adobohin ang karne, isda o mga gulay. Nag mula ang salitang adobo sa wikang kastila ng espanya at mehika na nangangahulugan "inatsara" o "kinilaw"
Paano lutuin ang Adobo -
Mga Sangkap na gagamitin.
1 kilo manok, hiniwa sa katamtamang laki
⅓ tasa suka
2 kutsara dinikdik na bawang
1 piraso laurel, dinurog
3 kutsara toyo
1 kutsarita asin pantimpla
1 tasa tubig
1 kutsara mantika
Pagsamahin sa kaserola ang manok, suka, isang kutsara ng bawang, laurel, toyo, asin at paminta. Pakuluin, at pagkatapos ay magdagdag ng tubig. Kapag malambot na ang manok ay alisin na ito sa sarsa. Sa isang kawali, igisa ang natitirang bawang at idagdag ang itinabing manok at lutin hanggan matusta. Ibuhos ang sarsa o pinaglutuan ng manok at pakuluin. Maaari ring dagdagan ng asukal para mabawasan ang asim ng suka.
Sa tuwing ako'y napapagod at nanghihina dahil sa napaka haba at napaka tagal na byahe at pagaaral mula Unibersidad ng Santo Tomas ang ADOBO ang nagsisilbing gamot ng aking katawan pang tanggal ng pagod at stress. Dahil kapag ako ay nakakatikim ng napaka sarap na putaheng ito ay para bang gumagaan ang aking pakiramdam na tila ako'y lumilipad na parang anghel sa langit na nabusog hindi lang ang tiyan ay kung hindi na rin ang aking kaluluwa.
Kaya dahil narin sa pagkain na ito ay nagagawa kong harapin ng buong lakas at sipag ang anumang pagsubok na dumarating sa aking buhay.
hahaha. pansin ko nga angelo. dati baon mong ulam lagi adobo. :)
ReplyDeleteadobo one of signature cuisine of filipinos.napakasarap at napakalinamnam
ReplyDeleteisa pa to sa mga pinoy faves.....ahhaha...wow..kailanman hindi magsasawa sa sarap ng adobo!
ReplyDeletewow..! wala talagang tatalo sa adobo...favorite ng mga tao..
ReplyDeleteCPA! nako chicken Pork Adobo sadyang katakam takam..
ReplyDeleteadobo is simply the best ..
ReplyDeleteIsa sa mga pinakapopular na pagkaing Pinoy! Kapg mayroon kaming outing, hindi ito pe-pwedeng mawala! :D
ReplyDeleteWoW! Isa din 'to sa mga favorite ko! :)
ReplyDeleteAng ating Adobo, tunay na gawang Pinoy!
ReplyDeleteLove adobo very Filipino! ang SARAAAP! :))
ReplyDelete