Sa panahon ng tag-init, tunay na patok sa panlasang pinoy ang halo-halo at di maikukubling kaugalian na natin ang gawin itong pampalamig . Ang ibat iba nitong sangkap gaya ng minatamis na saging, langka, sago, munggo, nata de coco, kaong, ube, at leche flan na mayroong pinong kinaskas na yelo at makremang gatas ay tunay ngang nakakapawi ng init na dala ng mataas na sikat ng araw. Pero ako? Maging tag-init man o tag-ulan, halo-halo pa rin ang paborito kong panghimagas at wala nang iba pang usapan!
Di tulad ng karaniwang halo-halo na puno ng kinaskas na yelo, ang deep fried halo-halo ng Canlubang Golf Club ay inihanda sa kakaibang paraan- tanda ito na ang Pilipino ay likas na malikhain maging pagdating man sa mga pagkain. Sa halip na ilagay sa isang mataas na baso ang mga sahog ng halo-halo, ang mga ito ay masinop na ibinabalot sa lumpia wrapper at sabay ipiprito sa mainit na mantika hanggang sa ito ay maging malutong. Matapos hanguin ay bubuhusan naman ng malapot na gatas ang ipiniritong binalot na sahog ng halo-halo. Bilang pagtatapos ay lalagyan naman ito ng sorbetes sa ibabaw at bubuhusan ng matamis na tsokolate.
Sa kabila ng simpleng paggawa ng panghimagas na ito, mararanasan naman ng iyong mga dila ang kakaibang tekstura at lasa. Ang pagsasama-sama ng lutong ng lumpia wrapper, linamnam ng mga sahog sa loob, makremang lasa ng sorbetes, at matamis na tsokolate ay tunay na magpapamangha sayo sa sarap ng pagkaing Pilipino. Kaya ano pang hinihintay mo? Pumasyal na sa Laguna at tikman ang deep fried halo-halo!
ngayon ko lang nalaman na may ganyan plang halo halo. nakakatakam nman. :)
ReplyDeleteNgayon ko lang narinig yung deep fried halo-halo kahit na dito lang din sa Laguna yun. Pero ang galing kasi sobrang creative. :)
ReplyDeletewow astig. may deep fried halo halo pala. nice nice. :)
ReplyDeleteDi ko pa to natitikman. Pero siguro naman masarap din ito tulad ng ibang minatamis.
ReplyDeleteNgayon ko lang nalaman na may ganito palang halo-halo. Ang galing. :D
ReplyDeleteO talaga Deep fried, may narinig na ako pero hindi pa ako nakaka tikim, ngaunit kung akoy iyong patitikimin,.. di ko tatangihan,
ReplyDeletengayon pa lang ata ako nakarinig ng piniritong halo-halo?
ReplyDeletewow. innovation. ska, ang unique ha. isang bagong paraan para lasapin ang napaka-sarap at "all time favorite" na palamig natin. :)
ReplyDeletewow! may ganyan palang putahe..ni hindi ko man lang alam...masarap siguro yan...gusto kong makatikim..:)
ReplyDeleteNGAYON KO LANG NKITA ITO :) HINDI KO PA SYA NATITIKMAN PERO GUSTO KO TLGA NG HALO-HALO..
ReplyDeleteGUSTO KONG MATIKMAN ANG DEEP-FRIED HALO2X DAHIL SA MGA NABASA KO MUKHANG ITO'Y NAPAKA SARAP..
-ANGELO
danborro said...
ReplyDeleteKakaiba ang pagkaing ito, pero nakakatakam at mukhang masarap naman :) salamat Mich!
http://cthm1h4-shrimptempura.blogspot.com/2010/11/deep-fried-halo-halo.html?showComment=1290866349320_AIe9_BGh-1wYMsRnwUu7uLM8PJnUMpkIkPbtmZz1Ecf2w51ajAsNEgM0DCLb2t6Bi8dgryOcObmT4BAua5638v4T1c81bzTRy8romAodnFHkXGRhjHcOa509IaLqo10a5KXL6PtlMTEOsf7h3CcUXYiATYCMUFU155ZAkuosmmRQX6R2cCnUM9s-VFaZVrel_bHWqIUFExvaC-BRDXvsH9Yfs-xDG34Z8vSxVB7GAwfrkQvtrKvPksOXa2_YsXpja7BSd8XgEXKCCtLrSEqYOBV8smv_qO86WZodeJ5MgktXkFvhvWlC6R77cOwvMIYD3V03wgm5vjNY7U0JZBqzbxThZBYvsE7HvvZHg4m3z2GDx7GQvT5ZMbyrqxRhsS8L0yi032OdTGfKLFdoDqpnng1XGv_JvOQVWmoHv8I2L7qRsZw1PId9UZWSbcxwkrdRIH-MEZpOzxHVTVycS8361lHIG9rlpgUpWhpbrr2uPxn83B6h3pGnCVxd98qbhmwJwEc3oSJ6a-A8fOUKW-Z4oBJYnwrXi-jZiXPrOBPedHNgI6-deR-eWMPj04rlYlWwANVgYDc9jOIlmSd3RghYNCE_bSspTaqhjrLHv5Cuc_nmSZtKViMq0jVJDrU1Vh8ciS-F80GUYJFxf2UBWTAucJb1BkFqfOPSqWlywEc2lYjuYaMo0hRZB11ov-xy9TpfVTu6WfgWRNzOq-IqHKvMD-SsEdut1abnpyKPyKKoFYeegGFof-GAVykvaMuRL5cuHrMYhPcJn3ZY#c1018974439614454594