Wednesday, November 24, 2010

Para sa Malusog, Masustansya at Masarap na Pagkaing PINOY!






ginisang-ampalaya
GINISANG AMPALAYA
Lutong Pinoy





GINISANG AMPALAYA
by : ALTAIR MAY Y. BAYLAS


Ikaw ba ay mahilig sa gulay? Nais mo bang mag bawas ng timbang, mapanatili ang malusog na pamumuhay? o nais lamang mapanatili ang kalusugan at magkaroon ng tinatawag na "healthy lifestyle" ?
Kung ganon ay wag mapahuli na matikman ang lutong ito.

Marahil ikaw ay nagtataka kung bakit sa dinami daming gulay sa tindahan o kung saan mang tanamin ay bakit Ampalaya pa ang napili ko.  Oo nga naman, ang Ampalaya ay isa sa mga pinaka minaliit na gulay dahil ito ay may isang napaka mapait na lasa. Ngunit kapag inihanda sa isang partikular na paraan, maaaring an ampalaya ay napakasarap at nakakapanabik nang labis.


Para sa karagdagang impormasyon sa Ginisang Ampalaya, sa Ingles ito ay tinatawag na Sautéed Bitter melon. Itong  lutong Pilipino gulay ay isa sa mga healthiest paraan ng pagluluto sa paligid. Bukod dun, Ang bitter melon ay pinakamahusay na kilala para sa pang kontra diabetis . Ito ay naglalaman ng mga kilalang kemikal na parang insulin na peptide na magkatulad lang ng halaga at kakayahan sa insulin na galing sa hayop. Iba pang mga kemikal, kabilang ang vicine, sa mapait na melon maaaring magkaroon din ng epekto na nakakababa ng blood sugar.

Ito ang madalas kong ipinapaluto sa aming katulong ngunit pag may oras ako ay mas gusto kong ako nalang ang nagluluto dahil iba ang gusto kong paghain nito. Kapag ako ang nagluluto ay linalagyan ko ng Knorr Liquid seasoning at kaunting sesame oil at dahil dito ay nag aagaw ang lasa ng seasoning at ng pait ng ampalaya. Kaya't hindi ka mawawalan ng ganang kainin ito.


Sa tingin ko ang bawat Pilipino ay may kanya-kanyang sariling bersyon ng Ginisang Ampalaya. Magkakaron ng hindi bababa sa isang paraan ng pagluluto nito ang magagawa sa isang bahay, at iyan ang recipe mo na mahanap sa iyong sarili sa pagluluto mo ng muli at muli. Ikaw kaya paano mo lutuin ang iyong sariling gawang Ginisang Ampalaya?


MGA SANGKAP:
½ kilong ampalaya
¼ na kilong hipon, tinalupan
¼ na kilong baboy
1 sibuyas
2 butil na bawang
8 kamatis na hinog
2 itlog
3 kutsarang mantika
1 puswelong katas ng hipon (ulong dinikdik)

 
Getting the ampalaya readySoaking the veggie in salt waterSangkutsa


PARAAN NG PAGLUTO:
Hiwain ang ampalaya sa karaniwang maninipis na pahilis matapos biyaking paayon at alisan ng buto. Talupan ang hipon. Hiwaing maliliit ang baboy. Ihaw ang kamatis at alisan ng balat at buto at tadtarin. Batihin ang itlog. igisa ang bawang, sibuyas, at kamatis sa isang kawali o kaserola. Isunod ang baboy at hipon at ang katas ng hipon. Pakuluan hanggang sa lumambot ang baboy. Isunod ang ampalaya at bayaang kumulo. Timplahan ng patis. Kapag luto na ang ampalaya ay ilagay ang itlog na binati. Saka lamang haluin at ihaing mainit.



Sizzling SauteMake a hole and crack an eggDone!



Mayroong pang ibat ibang paraan ng paghanda sa simpleng ulam na ito. Narito ang ilang mga karagdagang  sangkap na maaari mong gamitin sa paghahanda ng ginisang ampalaya:

1. KARE: Maaari mong gamitin ang hiniwang baboy ng pahaba o cubes, hipon, squid rings, karne ng baka na hiniwa ng pahaba, bola-bola, chicharon. Igisa ang mga ito bago ihalo sa ampalaya.

 2. GULAY: Sa karagdagan sa mga Igigisa at ang ampalaya, maaari mo ring ihalo ang pulang hiwa ng pamintang kampanilya, mushrooms

3. PANIMPLA: Bukod sa asin at paminta, maaari mong gamitin ang anumang (kahit na ang isang kumbinasyon) sa mga sumusunod: talaba, olive oil, toyo, tomato sauce, bagoong.




Salamat sa pag bigay ng oras na basahin ang aking ulat. Siguro pagkatapos mong mapag alaman ang ibat ibang klase ng pagluto ng ampalaya ay may naisipan kanang sariling paraan ng pagluto mo nito. :))




8 comments:

  1. wow..ampalaya..mapait nga pero healthy naman sa katawan..

    ReplyDelete
  2. isa to sa isa kong paboritong gulay. :)

    ReplyDelete
  3. ang ampalaya, mapait, pero masustansya. minsan eto na ang aming inuulam kasama ng kanin. :)

    ReplyDelete
  4. kahit hndi ako mahilig sa gulay, prang nahikayat ako na kumain ng ampalaya dhl sa blog na ito. :))

    ReplyDelete
  5. isa rin ako sa kakaonting kabataan na mahilig sa ampalaya, at syempre gulay. :) pareho tayo!

    ReplyDelete
  6. Salamat sa pagbahagi nito, ngunit takot ako sa Ampalaya. :)))

    ReplyDelete
  7. hindi ako mahilig sa ampalaya pero mukha naman katakam-takam ito sa litrato... :D

    ReplyDelete
  8. ampalaya! mapait.. pero masustansya. natuklasan ko na madami pa lang paraan ng pagluto ng ampalaya. at dahil jan pagluluto tayo ni altair. hehe. mainam sa katawan ang ampalaya at kahit di ako fan nito naeenggayo ako sa mga pictures ni altair. good job!

    -marlon

    ReplyDelete