Love ko ‘to! J
Carla Marie T. Navarro
Carla Marie T. Navarro
Ano ba ang paborito kong pagkain? Bago ko sabihin kung anu ang paborito kong pagkain, ano ba muna ang basehan kung paano ba natin masasabi na paborito mo ang isang pagkain? Masasabi mo na paborito mo ang isang pagkain kapag ito ang palagi mong kinakain kapag malungkot ka, kapag Masaya ka, kapag BV ka, kapag lonely ka o kung ano pa ang mood mo.. Yung tipong kahit ilang beses mo siyang kainin, hinding-hindi ka talaga magsasawa. Lahat tayo ay may kanya-kanyang paboritong pagkain. At ngayon. Sasabihin ko ba yung akin.
Kapag break namin, madalas kumakain kami sa Mcdo, bakit? Kasi, mura yung mga pagkain doon, lalo na yung mga desserts at sundae nila. 25 pesos lang, may fries kna o burger mcdo. O kaya 50 lang, may chicken at rice kna.. Pero bukod doon, mayroon talaga akong paborito na order-in.. Ito ang kanilang strawberry sundae at burger mcdo. Kakagaling ko lang ng mall kanina, at yun ang kinain ko nung nagutom ako. Sa strawberry sundae, ice cream siya na may halong strawberry bits na pinaghalo-halo; burger mcdo, parang normal na burger lang siya kapag nakita mo, pero hindi normal yung lasa niya kapag kinain mo kasi ang sarap niya talaga! Sulit na sulit yung 25 pesos mo sa burger nila.. Kapag bored ako at kapag nagugutom ako, niyayaya ko nalang yung mga kaibigan ko sa Mcdo, pumapayag naman sila kasi mura. Kapag kumakain ako ng burger mcdo at strawberry sundae, gumagaan yung pakiramdam ko, nawawala yung stress at pagod ko dahil sa mga schoolwork na nakakasira ng utak. Ang sarap-sarap niya kasi talaga! Hindi na ako nagsawa kahit ilang beses ko na siyang kinakain. Hindi naman siya masama sa kalusugan kasi hindi naman siya ma-cholesterol, kaya masasabi ko na safe siyang kainin.
Alam ko na iba-iba ang trip natin na pagkain, may mga tao na mahilig sa maanghang, sa maasim, sa matamis, sa malamig, sa mainit at kung anu pa. Pero okay lang yun, kanya-kanyang trip lang yan.. J Kung gusto mo, eh di gusto mo, kung ayaw mo, eh di ayaw mo. May mga sarili tayong pang-lasa at pagdedesisyon kung anu ang gusto mong pagkain. Eh ikaw? Ano ang paborito mong pagkain? J
love ko din yan :D masarap na nga swak pa sa budget ..
ReplyDeletesulit na sulit kumain sa mcdo...sumasangayon ako... :)
ReplyDeletehindi mabigat sa bulsa kpag sa mcdo. masarap na nga, busog ka pa!
ReplyDeleteMura, masarap, nakakabusog! SWAK sa badyet ng mga estudyante =)
ReplyDeletesarap. nakakatakam :)
ReplyDeletesa totoo lang, masarap nmn ito, ngunit mas gusto ko iyong sa jollibee. pero, masasabing kong isang asset iyong mga gulay na mayroon sa mcdo at wala sa jollibee. :)
ReplyDeletewow, ito talaga ang ilan sa mga binibili ko kapag break time natin. yummy! :)
ReplyDeletetama yan, mura na, solb pa. \m/
ReplyDeletehahaha... mcdo!! favorite ng cthm! mura na sarap pa.. love ko din yan =) hehe
ReplyDeletenice..! mcdo! laging tambayan..?? ahahah..mura na sarap pa! sulit talaga...
ReplyDeleteHindi talaga kumukupas ang McDo. :D Sulit na sulit ang pera dito.
ReplyDeletesundae sa mcdo ! <3 minsan eto lang lunch ko ayos na ako!lalo na pag nagtitipid! :))
ReplyDelete- ALTAIR :))
mcdo. mcdo. twister fries din. :)
ReplyDeleteSwak sa budyet, swak sa ppanlasa, tambayan kung walang klase, at bilihan ng mga nag titipid,.. :D
ReplyDeleteang sarap talaga ng mga pagkain sa mcdo :))
ReplyDelete