Ang French fries ay gawa sa patatas na niluto at binabad sa kumukulong mantika. Kung ikaw ay nasa dakong amerika, ang tawag nila sa mga ito ay pinahabang piraso ng patatas at kung ikaw naman ay nasa ibang lugar sa ating mundo para sakanila ito ay maninipis na hiwa ng patatas. Ang pagkaing ito ay unang nakilala sa Belgium. Nagsimula ito ng magyelo ang isang ilog sa Belgium na kadalasang kanilang pinagkukunan ng makakain katulad ng isda upang gawing “fried fish” kaya naman sinubukan nilang iluto ang mga patatas sa paligid ng kanilang lugar at lutuin din ito sa paraang fried o prito.
Ang french-fries ay isa sa mga pangkaing pantawid gutom na madaling lutuin at madaling makakuha ng mga ingridyents. Kakailanganin mo lang ng patatas at mantika at lutuin ito sa oven o di kaya sa pan at ito ay I-deep-fry. Aaminin ko na ang aking paboritong pagkain ay tiyak na maraming makukuhang kolesterol at ikaw ay talagang tataba. Panigurado ako na kita niyo naman ang resulta ng pagkain ko ng french-fries sa aking katawan ngayon.
Paborito ko itong pagkain na ito dahil ito ang aking “stress food” kahit ilang beses ko ng pinigilan kumain nito, hindi ko magawang maalis ito sa aking buhay dahil kahit saang restawran ako mag punta ay talagang hindi rin ito mawawala sa kanilang menu. Ang pagkaing ito ay isa rin sa aking mga pantawid gutom at pagkaing aking kadalasang kinakain kapag nagpapalipas ng oras.
Ang french-fries ay masarap kahit anong flavor, tama naman ako diba hindi natin matatanggihan ang sarap nito lalo na kapag nilagyan ng cheese at bacon bits.marami na rin klase ang french-fries. mayroong paikot ikot na parang buhok ni goldilocks at meron namang mapayat at matabang klase nito. pwede na rin maging iba't- ibang lasa katulad ng barbeque, cheese, sour cream at iba pa.
Mapunta man ako sa MCDO,KFC,JOLLIBEE at iba pang restawran na may french-fries, panigurado ay hinding hindi ko makakalimutang sabihin sa counter na “pa order nga po ng isang large fries”.
Mapunta man ako sa MCDO,KFC,JOLLIBEE at iba pang restawran na may french-fries, panigurado ay hinding hindi ko makakalimutang sabihin sa counter na “pa order nga po ng isang large fries”.
french fries!! isa dn yan sa paborito ko. lalo na kapag umoorder ako sa fastfood. :))
ReplyDeleteHAHAHAHA! DANNIEEEEE!!! <3 i love ittt! grabe sarap kaya ng prench prays! yumyumyum delicioso :))
ReplyDelete-sakit sa ilong tagalog hahaha
LOVE IT! grabe. hindi lang ikaw ang may "ganoong" katawan. xD pero aaminin ko, masarap na snack talaga ang french fries. lalo na kung mayroong kasamang dip o sawsawan. :)
ReplyDeletewaaaa. namimiss ko na magfries. kaw kasi eh. :(
ReplyDeletehahahaha.
mahal ko ang pagkaing ito!
ReplyDeleteang walang sawang french fries! :) parang ni isa sa atin ay hindi mabubuhay kung hindi makakakain nito.
ReplyDelete