Romaine Frances Sobrepeña
Sa tuwing may mga selebrasyon, hindi maaring mawala ang cake sa hapag kainan ng marami. Maraming Pilipino ang mahilig sa mga matatamis na pagkain. Maraming uri ng cake: may sponge cake, chiffon cake, refrigerated cake at marami pang iba. At may iba iba rin itong flavors: may chocolate, mocha, ube, at marami pa. Ngunit ang pinakapaborito ko sa lahat ay ang Black Forest Cake. Bata pa lamang ako, mahilig na ako sa black forest cake. Kapag malungkot ako ito ang gusto kong kainin dahil napapangiti talaga ako tuwing nakakatikim ako nito. Una itong ipinatikim sa akin ng aking tita dahil paborito niya rin ito. Mula noon, ito na ang palagi kong ipinapabili kapag nagpupunta kami sa mga cake shops.
Madali mong makikila ang black forest cake kahit pa nakahilera ito sa iba pang cake. Kapansin pansin ang itsura ng cake na ito. Marami itong layer ng tsokolate, cherry (seresa) at whipped cream. Kaya naman nagtatalo ang matamis at maasim na lasa. Talagang matatakam ka pag nakakita ka ng Black Forest cake. Kapag natikman mo ito, hindi mo na mapipigilan ang sarili mo na humiwa pa ng isang slice. Alam niyo bang meron rin itong sangkap na alak? Ang kadalasang alak na inilalagay dito ay “Kirschwasser” (alak na gawa sa tart cherry) at “rum”. Kaya wag ka magtataka kung medyo mahihilo ka pag nakakain ka nito. Malinamnam at hindi mo makakalimutan ang lasa nito. Mas masarap din ito pag sinabayan mo ng kape ang pagkain.
Maraming magandang naidudulot ang pagkain ng black forest cake sa ating katawan. Dahil maraming sangkap na tsokolate ang cake na ito, nakakapag “stimulate” ito ng endorphin na nagbibigay ng masayang pakiramdam. Kaya naman maraming taong malulungkot ang kumakain ng cake na ito. Maganda rin ito sa puso, ayon sa mga pag aaral nakakapagpababa ito ng alta presyon. Ito rin ay isang antioxidant na nakakatulong sa pagpapalakas ng immune system. Ayon din sa pag aaral, mas tumatalas ang isipan ng tao kapag nag aaral siya habang kumakain ng pagkain na may tsokolate. Kaya’t mainam ito sa mga estudyanteng katulad ko. Ngunit lahat ng sobra ay delikado. Kapag naparami ka ng kain nito ay maaring maging sanhi ng diabetes.
Maraming mapagbibilhan ng black forest cake. Halos lahat ng bakeshops ay nagtitinda nito. Ilan dito ay ang Red Ribbon, Goldilocks o kaya naman ay Conti’s cakes. Ngunit kung mapapadaan kayo sa Pampanga, iminumungkahi ko na subukan ninyo ang Black Forest Cake ng “Ala Crème”. Masisiguro ko sa inyo na masasarapan din kayo pag natikman niyo ang kakaibang lasa ng cake na ito.
Black Forest! sa totoo lang di pa ako nakakatikim nito dahil sa cherries. ayoko ng cherries eh. pero itatry ko dahil sa sinabi mo ayen. :)
ReplyDeleteKapag mayroon kami nito sa bahay, tinatanggal ko ung cherry. Para kong si keena. :)) Tsokolate!!! Kapag nagrereview ako, lagi akong naghahanap ng tsokolate sa aming ref! Kapag wala naman, nagpapabili na lang ako tapos kumakain ako habang nagrereview. :D
ReplyDeletewowwww. favorite ko din ang black forest ever since. Eto ung lagi kong hinihiling na cake sa tuwing birthday ko. It also makes me happy, pag depressed ako, eto lang ang katapat, then boom! nakakalimutan ko ang problema. I'll definitely try your suggestion ayen. :)
ReplyDeleteSa totoo lang, hindi ko pa ito natitikman. Pero dahil sabi mo na nakakastimulate ito, ma-try nga itong kainin lalo na kung depress. Hilig ko kasing kumain ng matamis kapag malungkot ako. Ngayon, may bago na akong titikman. :)
ReplyDeleteNapakasarap ng Black Forest, isa sa mga desserts na hilig kainin ng mga pinoy. minsan ko lng ito natitikman pero susubukin ko na lang ulit. sarap! :)
ReplyDeletemasarap tlga ang black forest cake. lalo na yung cherry. tska dpat kainin ng mga gustong magpataba ang ganitong pagkain. :))
ReplyDeleteNaku akoy iyong pinakitaan mo ng tsoko late, akoy isang taong may "sweet tooth" ang sarap sarap kumain ng mga cake,..
ReplyDeletehindi ko maiwasan maglaway tuwing nakikita ko ang picture :)
ReplyDelete