Tuwing dumarating ang panahon ng tag-init hindi ba`t napakasarap kumain ng malamig na halo- halo. Naalala ko pa mula nung ako ay bata pa at hanggang ngayon na ako ay may edad na, ako ay laging bumibili ng halo-halo. Hindi pa din talaga nawawala ang aking pagkagusto sa halo-halo, at alam kong hindi ito magbabago. Umuuwi ako sa bahay galing sa mainit at nakakapagod na biyahe galing sa eskwelahan, ang una kong ginagawa ay kumuha ng pera at bumili ng halo-halo sa tindahan. Ito na marahil ang masasabi kong pantawid init ko, at marahil hindi lang ako ang taong nagiisip ng ganito.
Masasabi kong ang halo-halo ay parte na ng kultura ng mga Filipino, nakadikit na sa pangalan ng halo-halo sa ating pagka Filipino. Ang malamig, masarap at malinamnam na lasa ng halo-halo ay patok na patok sa panlasa ng mga pinoy. Masasabi ko din na napakasustansya ng halo-halo dahil kompletos rekados ito sa mga ingredyents na mayroong masusustansyang bitamina.
Sa kasalukuyan nagkaroon na ng napakaraming varayti ang halo-halo, nadagdagan na din ng mas marami pang ingridyents ito na masasabi kong mas lalo pang nagpasarap sa halo-halo. Kumpara sa ating mga kapitbahay na asyanong bansa, ang halo-halo ng mga pinoy ay ang natatanging/nagiisang mayroong lagpas walo o higit pang mga ingredyents. Ang mga ingredyents nito ay beans (red beans, chick peas), coconut meat (macapuno), jackfruit (langka), pounded dried rice (pinipig), sweet yam (ube), cream flan (leche flan), banana (saba), evaporated milk (gatas), nata de coco,corn flakes (mais) at siyempre ang pinakaimportante ay ang yelo. Ang halo-halong pinoy ay natural na matamis at malasang pagkain.
Simple lang ang prosedyurs sa paggawa ng halo-halo, ang unang kailangan mong gawin ay ihanda lahat ng iyong kakailanganin, mula sa crushed ice(yelo) hanggang sa mga ingredyents. Kung ikaw ay magkakaroon ng mga audience habang gumagawa ng halo-halo mas mabuting ihanay ang mga ingredyents sa isang tuwid na hanay. Ilagay ang bawat isang ingredyents na magkakahiwalay, pagkatapos ay ilagay na ang durog durog na yelo at lagyan ng gatas, Pwede ka naman mageksperimento sa kung anu ang iyong gustong ilagay sa ibabaw ng iyong halo-halo maaring ube, leche flan o ice cream sorbetes. Pagnailagay na ang mga ninanais na ingredyents ay maari mo na itong kainin, paghaluhaluin lahat ng ingredyents kasama ang dinurog na yelo. Magtataka ka na sa napakaraming ingredyents na mayroon ito na nagtataglay ng iba`t ibang lasa o iba`t ibang distinksyon sa bawat isa ay nagkakaroon ng nagiisang masarap at malinamnam na lasa.
Kung mapapabisita ka naman sa isang fast food, iminumumungkahi ko na umorder kayo ng halo-halo sa Chowking o Goldilocks dahil hindi lng ito napakasarap ngunit ito din ay swak o pasok sa badyet ng mga pinoy. Ang halo-halo ay isang napakasarap na cuisine na masasabi kong proud Filipino, kaya dapat niyo ng subukang kumain ng halo-halo at hindi kayo magsisising sinubukan niyong kumain nito.
Napakasarap nga naman talaga ng halohalong pinoy na mayroong naiibang lasa. :))
ReplyDelete"Ito na marahil ang masasabi kong pantawid init ko, at marahil hindi lang ako ang taong nagiisip ng ganito."
ReplyDeletetama. :) i love that food. nice dicky!:>
madami palang varayti ang halu-halo...pero masarap pa din kahit anung varayti nito..
ReplyDeleteang halu-halo ay pnoy n pnoy tlga...isang napakasarap na pagkaing pinoy
ReplyDeletemasasabi ko talagang walang katulad ang halo-halo nating mga pinoy! masarap na, nakapagbibigay saya pa kapag ito ang kinakain! :D
ReplyDeletekala ko tayo lang may halo halo. hahaha. at may varieties pa to? wow ah. ngayon ko lang nalaman. :)
ReplyDeletehaha...ang pinoy's favorite..halo halo...dapat may magimbento ng halo halong mainit..joke...ang pinoy talaga..kahit anong pagkain, kakainin!!! <3 it!
ReplyDeletenapaka sarap kumain ng halo halo lalu na kapag ikaw ay malungkot..tila ba ang mga lungkot ay nawawala dahil sa lamig at sarap ng halo-halo.. --angelo
ReplyDeletehindi ko uurungan ang ganyang klaseng halo-halo :D
ReplyDeletenapakasarap niyan!
ReplyDeletewow. nakakagutom!
ReplyDeletehalo halo is one of the trademarks of pinoys. it is delicious and cheap. patok na patok sa panlasang pinoy! kakaiba! simply the best! :D
ReplyDeletemasarap tlga ang halo halo lalo na kpag mainit. mura na busog kpa! :)
ReplyDeletehmm.hindi maikakailang masarap nga ito. ngunit hindi nga lng ako kumakain ng beans na kadalasang kasama sa mga sangkap nito. :)
ReplyDeletepinoy na pinoy ang pagkaing ito...
ReplyDeleteNapakasimple ngunit napakasarap, lalung- lalo na kapag tag- init! ;)
ReplyDeletesarap nyan.. lalo na ung ube at leche plan.. =)
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletemainam bumili ng halo-halo sa panahon ng tag-init, tamang-tamang kainin pampalamig :))
ReplyDeletemarami palang variety ang halo-halo..haha!! talagang napakasarap ng halo-halo sa pinas.. :)
ReplyDeleteTunay na katakam takam!
ReplyDelete