Friday, November 19, 2010

INIHAW NA SALMON BELLY

KYLA S. ALBERTO

Sa tuwing sasapit ang Linggo, tuwing gabi ang aming laging pinapaluto ay ang aming tatay. Dahil sa kanyang napakasarap na lutuin. At ang isa dito ay ang inihaw na salmon belly. Isang masustansyang pagkain na madalas lutuin ng aking tatay, at ang pag kakaluto nito ay kanyang natutunan sa aking tito.


Kapag ito ang ulam, pagkaluto na pagkaluto pa lang nito, kaming magkakapatid ay magsisibabaan na dahil sa napakasarap na pagkain na ito. At kami ay mag-uunahan pa, upang makuha ang pinakamalaki at kung sino man ang nauna minsan siya ang nakakakuha ng mas marami. At madalas pa niyan ay nauubusan na ang aming mga magulang dahil sa dami ng kinukuha.


Ang pagkakaluto nito ay iba sa mga nakikita sa mga restaurant, ito ay simple lamang. Ito ay hinahaluan ng asin, paminta, at kalahating ginisa mix. Ito ay nagbibigay ng masarap na lasa dito. Isang makakatakam na lasa na iyong hahanap-hanapin. Dahil kahit kay simple lamang ng samgkap ito ay nagbibigay ligaya sa aming magkakapatid.


Ito rin ay maganda sa katawan dahil ang "oil" nito ay mabuti sa kalusugan. Hindi tito katulad ng iba kagaya ng baboy, baka at iba pa. Ito ay may Omega 3 na maybuti sa puso at utak, protina at vitamin D, na mabuti sa buto.


Kaya sa tuwing kakain ako nito ako ay parang nagagamot din dahil sa mga nakukuha natin sa pagkaing ito. At hindi lang ito masarap, masustansya pa. Kaya kahit ilang kainan ayus lang dahil ito ay mabuti sa kalugusan natin.

15 comments:

  1. wow naman Kyla!!......Healthy ..patikim naman...<3

    ReplyDelete
  2. napakasarap at linamnam nga naman ng inihaw na salmong belly

    ReplyDelete
  3. talaga nga namang marami tayong makukuhang sustansya at bitamina dahil dito sa putaheng inihaw na salmon belly. :)

    ReplyDelete
  4. healthy pala yan? pero diba pag inihaw, prone to cancer? well. never mind at least masarap diba? haha.

    ReplyDelete
  5. maganda 'to para sa mga health-conscious. I'll recommend it to my tita.

    ReplyDelete
  6. Ang sarap naman niyan kyla na miss ko tuloy ang Philippines.

    ReplyDelete
  7. Pag nag bakasyon ako sa pinas lutuan mo ako niyan ha hahah

    ReplyDelete
  8. Yum Yum YUm, salmon isang malambot lambot at napaka sarap ng isadang ito..

    ReplyDelete
  9. parang ang sarap isawsaw yan sa suka o toyo :D

    ReplyDelete
  10. hmmm... wow mkang msarap yan ah. masustansya pa! :)

    ReplyDelete
  11. "yummmy!' a sudden strike of hunger!".. hahaha.. masarap na masustanxa pa!..LOVEEET

    ReplyDelete
  12. wow!! picture palang nakakapang laway na.. hahaha... kainan na!!

    ReplyDelete
  13. Napakasarap nito lalo na kapag bagong huli.

    ReplyDelete
  14. Wow! It really looks delicious. It's even healthy. It's like "two birds in one stone". :D

    ReplyDelete