Sa Sinigang, maraming puwede gawin. Puwedeng baboy, karne o isda. Tulad ko, ako'y mahilig sa seafood. Sa iba't ibang klase ng seafood, ang napili ko ay Hipon o Shrimp. Sa tuwing itong putaheng ito ang nakahanda sa aming hapagkainan, hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapakain ng marami, lalo na't kung galing ako sa paaralan. Lagi akong tinatanong ng aking ina kung ano daw gusto ko laging kainin, ang lagi ko naman sagot ay ang Sinigang na Hipon. Sa amoy pa lamang nito ay nasasarapan na ako agad.
Masustanya ito dahil, sa iba't ibang klase ng gulay. Pati na rin, ang hipon ay mataas sa Protein, na nakakatulong sa ating mga muscles. Mataas din ito sa Calories, na nagbibigay ng lakas sa ating katawan. Sa aking pamilya, ito ang kanilang paraan para ako'y makakain ng mga gulay. Sa amin, ang aking ina ang nagluluto ng Sinigang dahil alam niyang gusto ng sabaw na sobra sa asim. Namimili siya ng mga sariwang ingredients sa palengke. Puwede rin naman na bumili sa mga karinderya.
Simula pagkabata, hilig ko na ang Hipon. Kapag alam ko na ang ulam sa bahay namin ay Sinigang na Hipon, ako'y tuwang tuwa. Masarap ito kainin kapag mainit init ang sabaw. Masarap din ito kainin sa tuwing umuulan. Gusto ko rin matutunan kung paano lutuin ito. Sa aming magkakapatid, ito talaga ang gusto naming putahe.
Itong putaheng ito ang napakasarap na, nagbibigay pa ng nutrisyon sa ating katawan. :))
Wow Charl! :) Masarap talaga yang sinigang kahit hindi ako nakain ng hipon. Pero masarap pa rin yan. ;)
ReplyDeleteAng sarap humigop ng sabaw mula sa anumang uri ng Sinigang tulad ng Sinigang na Hipon habang mainit pa ito at para ka ring kikiligin dahil sa ito'y maasim. :P
ReplyDeleteang sarap humigop ng sabaw ng sinigang :D
ReplyDeletehmmm... sarap nyan.. =) i love sinigang na hipon.. pero mas love kita =)
ReplyDeletesinigang na hipon! nakakatakam naman to. :)
ReplyDeletesinigang maasim asim :> tamang tama sa hapagkainan ng pinoy :> sobrang sarap
ReplyDeletepaborito ito ng aking kapatid..gusto ko rin ito lalo na pag sobrang asim.
ReplyDeleteSa tindi ng halimuyak ng asim, at amoy ng mga gulay na nakasahog sa sinigang na ito sino ba naman ang hindi gaganahan, kahit ako pag sinigang na hipon ang nakahain ay parang wala ng bukaas kapag akoy kumain, sadyang napakasarap sa panlasa ang hipon, mayroon itong katangi-tangi tanging lasa na hindi mo makikita sa ibang lamang dagat.
ReplyDeleteIsang masarap at awtentik na lutong pilipino,..
naku po, hipon! hindi pa naman ako mahilig sa hipon... :(
ReplyDelete