Sinigang Na Baboy
Gusto mo ba ng pag kain na maasim? Yung tipong mapapamukha asim ka dahil sa asim? Eto na ang katapat mo, ang sinigang na baboy! Simula pa noong bata ako’y mahilig na sa sinigang. Hindi ako alam kung bakit, pero gustong gusto ko ang pagkamaasim nito lalo na kung ito pa ay maanghang. Ang pinakamasarap na luto ng sinigang na aking alam ay ang luto ng aking ama. Para salin ito ang pinakamasarap dahil pag ito ay natikman mo, malalasahan mo ang pinag halong asim at hangang sa iyong dila. Sa una, hindi mo pa mapapansin a ito’y mahanghan pero habang tumatagal ito’y umaanghang ng umaanghang.
Ito ang sangkap na kailangan para makagawa ng sinigang na baboy ay: 1 kilo ng baboy, 7 piraso ng kamatis, 4 piraso ng gabi, 1 piraso ng labanos, 8 piraso ng sitaw, kangkong, 2 piraso ng siling haba, knorr pangsigang mix at 1 kutsarita ng asin. Ang mga nasabing sangkap ay pwedeng mabili sa palengke at sa mga supermarket sa mall. Ang asim na animo’y pumapawi sa lahat ng suliraning dala ng kahindik-hindik na mga grado sa kolehiyo. Ang anghang na hindi mo na napapansin kahit hindi na uminom ng tubig. Pag ako ay kumakain ng sinigang na baboy parang hindi ko na napapansin ang ibang tao sa aking paligid dahil sa sarap nito mas gusto ko pa ito na lang kainin araw araw. Dati nung ako ay highschool pa lang may kaibigan ako na lagi nag babaon, at pag sinigang ang ulam niya lahat kaming magkakaibigan ay kinakain ang kanyang baon. Nasanay na siya na nakikikain kami sa baon niya dahil pag hindi masarap ang pagkain naming sa kantin ung pag kain niya ang pinag sasaluhan naming para sa lunch. Ang sinigang na luto ng kanyang tita ay napakasarap, ito ang pangalawang lasa ng sinigang na lagi kong hinahanap. Sa sobrang sarap ng luto ng kanyang tita, halos kami lang ang kumakain ng kanyang baon. Pero kahit ganon ang ginagawa namin sa baon ng kaibigan namin, okay lang naman sa kanya.
Para sa akin mas okay pang kumain ng lutong bahay kaysa sa kumain lagi sa labas tulad ng mga fast food chain, Restaurants atbp. Sa akin kasi mas masarap ang mga lutong bahay dahil sa mga hindi ganon kadaming halong kemikal sa pagkain tulad ng preservatives at mas masarap ito hindi tulad sa mga pagkain sa labas. Ang sinigang talaga ang pinakaborito ko sa lahat ng pagkain. At kahit kalian ay hindi na ito magbabago.
eto nanaman? haha. paborito nga talaga to ng marami. kasama na ako dun. :)
ReplyDeletemasarap ang taba ng sinigang :D
ReplyDeleteAy! Sinigang na Baboy! :D Ang sarap higupin ng sabaw habang mainit pa at masarap pa rin ito kahit maasim man! :) Dinadamihan ko talaga ang paglagay ng sabaw sa aking kanin tulad sa ibang ulam na aking ginagawa. Umaapaw na ang aking plato dahil sa sabaw. :) Ang isa sa aking namimiss na kainin. :)
ReplyDelete