Saturday, November 20, 2010

Mas Matamis sa Pag-ibig - LECHE FLAN :)

       Maraming nagsasabi na ang tsokolate at sorbetes ay nakakapagpalubag-loob sa mga  dumaranas ng kalungkutan. Lalo na sa mga taong nabigo sa pagmamahal. Ngunit, para sa akin, bigo man o hindi, Leche Flan ang nakapagbibigay ng kasiyahan sa lumbay ng buhay.

         Ang leche flan ay ang pinakapaborito kong panghimagas.  Ito ay maihahalintulad sa creme bruleè  ng France. Ang mga sangkap na kailangan upang makagawa ng leche flan ay pula ng itlog (egg yolks), condensed milk, evaporated milk at asukal. Ito ay niluluto sa isang steamer at pagkatapos, ito ay maari nang palamigin sa refrigerator. Simple lang ang mga sangkap nito ngunit ang kanyang lasa ay parang isang mahika na nakakapawi ng aking kalungkutan. :)

          Sa tuwing sasapit ang aking kaarawan, hindi mawawala sa hapag-kainan ang Leche Flan. Mawala na ang cake wag lang ang leche flan. 

        Ang creaminess na nadulot ng gatas, ang katamtamang tamis ng sinunog na asukal (caramelized sugar) sa ibabaw ay talagang isang napagandang kombinasyon. Di mo mapipigilang kumain ng marami.

          



        
      

13 comments:

  1. Wow leche flaaan!!! Nagugutom na naman ako! Sa sauce pa lang, natatakam na naman ako! :) Naalala ko ang aking lola dahil dati ay palagi siyang gumagawa nito para sa amin.

    ReplyDelete
  2. sarap nyan!! so sweeeettt..!!
    di yan mawawala sa mga fiesta!

    ReplyDelete
  3. i agree sa mga sinabi mo.bigla ko namiss ang leche flan na gawa ng mama ko. :]

    ReplyDelete
  4. Uhmmmm! Leche Flan! Ang star ng fiestahan!

    ReplyDelete
  5. hindi tlga nawawala ang leche flan lalo na kpag may selebrasyon. sarap nyan!

    ReplyDelete
  6. sa tuwing may salo-salo pagkalapag pa lang ng leche flan sa hapag kainan malingat ka lang saglit ubos na agad. patok na patok itong panghimagas.

    ReplyDelete
  7. it's good.. the leche flan is one of the most amazing food i had ever tried..
    but you know what.. it's tasty if it came from the heart.. the secret of cooking comes from the heart..

    ReplyDelete
  8. Ay grabe!!! sobrang sarap talaga nyang leche Flan! nakakabaliw! HAHAHA!:D

    ReplyDelete
  9. nice gela. Leche Flan of Love ba title ng blog mo na ta? haha. :PP

    favorite ko rin ang Leche Flan.

    ReplyDelete
  10. leche flan! naaalala ko yung tita ko dahil dito. :)

    ReplyDelete
  11. Leche flan! Bwisit yang pagkain na yan nangingilo ngipi ko. :))

    ReplyDelete
  12. akoy nanlalaway na ngayon, napaka creamy napakasarap delisyoso..

    ReplyDelete
  13. paborito kong dessert tuwing pasko!!!!

    ReplyDelete