Saturday, November 20, 2010

Pancit

Dale Joseph P. Salazar


    
      Aaminin ko, ako ay malakas kumain. Sumasaya ako kapag oras na ng kainan, lalo na kapag mga paborito kong pagkain ang aming iuulam. Hindi ako mapili sa kung ano mang klase ng potahe ang ihanda sa akin, miski iba’t-ibang klase ng gulay o prutas pa man iyan at basta malinamnam, ayos na ayos ito sa akin. Noong ako’y bata pa lamang, isa ako sa mga batang hindi mariringgan ng reklamo sa mga inihahaing gulay at iba pang mga ulam na pangkalahatan ay hindi pabor sa panlasa ng mga kabataan. Kaya kahit san man ako lugar dalhin at oras na ng pagkain; garantisadong hindi ako mahirap pakainin kahit gaano pa ito kabago sa aking paningin at syempre sa aking panlasa. Sa dami ng aking pwedeng ikonsiderang paborito na pagkain, ay hindi ako sigurado sa kung anong aking pipiliin. Ang hirap!

      Pancit! Ang aking napiling pakgain ay pancit. Ito ay nagmula sa bansang China na sa kalaunan ay nadala ng tradisyong Intsek dito sa Pilipinas at ipinakilala sa lokal na pagluluto. Mula noon ay masasabi ko na naging napakapopular at isa sa pinaka “all time favorite” na pagkain dito sa Pilipinas ang pancit. Sa paglipas ng panahon ay dumami ang baryasyon ng pancit, na kadalasan ay nagmumula sa iba’t-ibang lugar at dito nadiditermina ang mga pinagkaiba sa mga sangkap at mga paraan ng pagluto ng kanilang pancit. Halos lahat ng uri ng pansit ay aking kinagugustuhan lalo na iyong pancit canton. Para sa mga sangkap nito ay ang mga sumusunod: 1 pakete (250g) ng pancit canton (ibinabad), 1 lb hipon, 1/4 kilo ng baboy, (pinakuluan at hiniwa sa maliliit na piraso), 1/4 kilo ng manok, (pinakuluan at hiniwa sa maliliit na piraso), 1-1/2 tbsp dinurog na bawang, 1/2 tasa ng carrot strips,1/2 tasang repolyo (manipis na hiniwa), 1/4 tasa ng bell pepper (strips), 1 tasa ng snowpeas, 2 tbsp olive oil, 1/4 tasa ng oyster sauce at 3/4 tasang tubig. Sa sobrang pagkakilanlan at kasikatan nito sa Pilipinas, ito ay makikita sa mga karinderya, mga fast food restaurant o kahit pa sa mga prestihiyosong restaurant. Ito para sa akin ay marahil sa halata at matagal na tanggap na katotohanan na ang pancit ay talagang paborito ng masang Pilipino; masarap na, nakakabusog pa.

     Kaya sa tuwing ako ay magkakaroon ng pagkakataong makakain o sadyang ito ang aming iuulam ay hindi ko mapigilan ang aking sarili at lubusang magpakasarap sa kurso ng pagkain nito. Sino ba naman sa mga Pinoy ang hindi pa nakakakain ng pancit hindi ba? Kaya, ganoon na lamang ang aking karanasan kung bakit ko ito naging paborito. Simple, pinoy, masarap, masustanysa, at nakakabusog, ang pancit.

22 comments:

  1. hindi ko akalain na paborito mo pla ang pancit. :)) magnda yng pagkakagwa mo.

    ReplyDelete
  2. Masarap talaga ang pancit. May iba'-iba pa itong uri at lahat naman ng ito ay masarap. Tama. Kahit galing ito sa mga Intsik, parang imposible kung may Pilipino pang hindi pa nakakatikim nito.

    ReplyDelete
  3. pancit..! pampahaba ng buhay...??? marami din pala ang ingredients nito nuh...

    ReplyDelete
  4. Ang pansit! Pampahaba ng buhay. :) Ayos na sa kin to kahit di na ko magkanin. :)

    ReplyDelete
  5. pansit hindi dapat ito mawawala sa hapag kainan na ng mga pinoy tuwing may salo salo :)) masarap na nagbibigay lkas sa bawat kumain nito..

    ReplyDelete
  6. Masarap ang pansit. :D pampahaba ng buhay. :))

    ReplyDelete
  7. Isa nanamang napakasarap na pagkain ang aking nakita. Ako tuloy ay nasasabik kumain ng pansit dahil sa mga isinulat mo.

    ReplyDelete
  8. pansit .. hindi nawawala sa hapag kainan ng mga pinoy tuwing may okasyon .. sarap lalo na pag maraming sahog :D

    ReplyDelete
  9. wow. sana mapagluto mo ko niyan :)hindi man ako mahilig sa pancit pero natatakam ako pagkatapos kong mabasa to :D

    ReplyDelete
  10. mahilig rin ako sa pancit...natatakam tuloy ako dahil dito... :)

    ReplyDelete
  11. Kahit anong pansit, basta pansit, masarap!

    ReplyDelete
  12. ang sarap naman ng pancit! kain tayo ng pancit next week poks.. :)

    ReplyDelete
  13. Sa anumang okasyon, laging nasa hapagkainan ang pancit. ;)

    ReplyDelete
  14. di ko talaga paborito ang pancit pero kung yung pancit na malalaki yung noodles eh. yun magkakasundo tayo. :)

    ReplyDelete
  15. Sabi nga nila "kumain ka ng pancit, para humaba ang iyong buhay"

    ReplyDelete
  16. pancit!isa ito sa mga pagkain na hndi nawawala sa handaan ng mga pinoy sa kahit anong okasyon.
    it ay masarap dahil balanse lang ang kanyang mga sangkap my gulay at may karne pa.

    MASARAP!

    ReplyDelete
  17. Ang SARAP! Pero hinay-hinay lang. Medyo ma-cholesterol din ang pansit. :D

    ReplyDelete
  18. Masarap talaga ang pancit. lalung- lalo na kapag mayroong tamang sangkap! :))))

    ReplyDelete
  19. wow! ang sarap naman ng pancit na yan! nakaka takam!!! yummy!

    ReplyDelete
  20. masarap tlga ang pancit! hindi ito nawawala sa mga handaan! :)

    ReplyDelete
  21. sobrang sarap nito lalo na kapag hinain sa salu salo. pampahaba pa ng buhay. haha! :)

    ReplyDelete