Saturday, November 20, 2010

PINIRITONG MANOK - KFC

DELA CRUZ, JOHN CARLO Y.



Piniritong Manok, Isang pagkain na kadalasang nakikita sa anumang okasyon o sa simpleng araw-araw na hinahapag sa hapagkainan ng bawat Pilipino. Ito’y masyado ng komon sa atin, parang hindi kumpleto ang isang handaan kung walang Fried Chicken na kinagigiliwan ng mga kabataan. Hinahanap hanap ng kanilang panlasa. Halos lahat naman tayo’y nakatikim na ng piniritong manok. Nagkakatalo lamang sa iba’t ibang lasa nito.

Madalas tayo’y lumalabas upang kumain sa iba’t ibang fastfood chains o sa mga restaurants, maraming putaheng pagpipilian kasama na rito ang piniritong manok. Isang partikular na fastfood chain ay ang Kentucky Fried Chicken o sa mas kilalang pangalan na KFC. Ang kanilang pangunahing pagkain ay ang fried chicken. Para sa akin, ito’y aking kinagigiliwan lalo na kung ang iyong pipiliin ay ang “Hot and crispy chicken” nila at dapat ito’y tigh part sapagkat ito ay malaki at maraming balat na talaga namang labis mung maiibigan. Ayon sa aking pananaliksik gamit ang internet, ang espesyal sa paggawa ng ganitong kasarap na piniritong manok ay ang  tinatawag na “frying technique” at gaya ng iba pang putahe ng KFC gumagamit din ito ng “secret herb combination ng KFC”. Sa mga salitang ginamit ay kahangahanga na hindi ba? Maraming sikreto at teknik upang makagawa ng ubod ng sarap na manok.


Aaminin ko na marami ring iba pang piniritong manok na masasarap ngunit para sa akin kakaiba parin itong sa KFC, yun bang kahit araw-araw na ihanda ito para sa akin hinding hindi ako magsasawa, ang taglay nitong lutong ng balat at pagkajuicy ng laman na walang katulad ay nagbibigay sa aking panlasa na wag itong tigilan, minsan pa nga ay makakatatlo o apat akong kanin kapag ako’y sa KFC kumain. Sa amoy pa lamang nito ay hahanap hanapin mo na ito, ang amoy nito’y nakakaakit, ika’y parang pinatawan ng bitay at kailangan mung kumain ng marami sa huling pagkakataon at talagang makakarami ka sa pagkain ng KFC’S Hot and Crispy Fried Chicken 



Karagdagang impormasyon:

Sa pagluluto ng Fried chicken na gaya ng sa KFC ang mga pangunahing sangkap ay ang mga sumusunod:
 1 Chicken cut into serving pieces, trimmed of excess fat. 
1 tablespoon curry powder 
30 grams secret herb combination 
1 tea spoon chopped Estragon 
1 tea spoon chopped garden chervil
1 tea spoon chopped chives 
1 - 2 cloves of garlic thoroughly minced 
1 egg 
100 gram all-purpose flour 
Salt and pepper to taste 
And sufficient oil or lard to fill your frying pan to a depth of about ½ inch. 


Sa pagpiprito ng manok kailangan ng heavy base frying pan na may takip, malaking lalagyanan para sa paghahalo, kailangan din ng pagsukat ng init sa pagpiprito dahil ang pagpipirito ang pinakapuso ng putaheng ito. Haluin ito sa lalagyan, gamitin ang asin,paminta, espesya, bawang, itlog at dalawang kutsara ng tubig, kapag nahalo na mabuti lagyan ng harina gamitin ang iyong kamay sa paghahalo hanggang sa maging pantay na nahalo sa iba pang sangkap at kapag nabalutan na ng maganda ang mga manok. Frying technique, “Now take oil in the frying pan fill up to a depth of about 1/2 inch and turn heat to medium,  If you are using butter for frying, skim any foam as it rises to the surface. Build the temperature of the oil about 365 degrees F (185° C) that can be ascertained with a frying thermometer or by dropping a 2 inch square piece of bread in the hot oil and it should turn golden brown in about 60 seconds. When the oil is appropriately


Upang matanggal ang mantika, gumamit ng paper towels para patuyuin at gumamit pa ng dyaryo para matanggal pa ang mantika.


                  

8 comments:

  1. WOW fried chicken! Fave ng sino mang bata. pati narin ng matatanda. :)

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. great :)) KFC CHICKEN FOREVER :))

    ReplyDelete
  4. ansarap talaga ng chicken ng kfc lalo na pag sinamahan pa ng gravy nila!

    ReplyDelete
  5. Ang pritong manok ng KFC, tunay na napakasarap, samahan pa ng kanilang masarap ding gravy, solve na!

    ReplyDelete
  6. Naku,.. naala ko tuloy ang luto ng nanay ko.. na Fried Chicken,..

    ReplyDelete
  7. masarap nga naman talaga ito... ngunit hindi rin natin maitatanggai na puno ito ng calories at cholesterol dahil sa mga sangkap na nagpapasarap dito...

    ReplyDelete