Saturday, November 20, 2010

SPAGHETTI ALLA CARBONARA

Gracielle B. Espiritu

Pasta-alla-Carbonara
source: calabriataste.com


    Kung sa Pinoy ay kanin, ang pasta naman ay para sa mga Italiano. Maraming putahe ang maaaring mailuto gamit ito. Ang ilan ay ang spaghetti, baked macaroni and cheese, lasagna, alfredo at iba pa. Ngunit sa artikulong ito, nais kong magpokus sa aking paboritong pagkain, ang Carbonara

   Bago pa man ang lahat, maraming teorya ang nakasaad kung saan nagmula ang putahe. Ngunit wala pang tiyak sa mga ito. Ang siguradong impormasyon lamang, ito ay nagmula sa Rome, Italy.

    Ang mga sankap na ginagamit sa pagluto ng carbonara ay ang mga sumusunod: pasta, olive oil, bacon, sibuyas, bawang, white wine (optional), itlog, Parmesan cheese, asin, black pepper, at fresh parsley. Ito ay kadalasang nabibili sa mga Italian Restawrans pero maaari na rin ito matagpuan kahit sa mga maliliit na tindahan tulad na lang ng Pasta Boy na matatagpuan sa UST car park. 

  Tulad ng iba, tuwing sasapit ang aking kaarawan ito ang aking ipinapaluto sa aking Tita o Mama. Sa maniwala kayo't sa hindi kahit kaarawan ng aking kapatid ay carbonara pa rin ang aking ipinapaluto at dahil mahal ako ng aking kapatid, siya rin ay pumapayag na. Marahil, siya (kapatid ko) ay nakulitan na rin sa akin gawa ng pagkumbinsi sa kaniya na ito na rin ang ipaluto. Hanggang sa dumating ang panahon na ito na talaga ang kaniyang ipinapaluto nang hindi ko  na kailangan pang ipilit sa kaniya. Tulad ko, gustong-gusto na rin niya ang carbonaraMinsan nga ay nagrereklamo na ang Mama ko dahil siya ay nagsasawa nang ito na lang lagi ang aming ini-rerequest. At para maipahayag ko kung gaano ko kapaborito ang pagkaing ito,  kaya kong kumain ng apat na plato nito sa isang upuan. Higit pa roon, masisigurado ko sa inyo na hindi ako magsasawa sa pagkain nito kahit tatlong araw na carbonara lang ang kainin ko pang-umagahan, tanghalian, at hapunan. Ganoon ko siya kapaborito. PROMISE. Hindi ko alam kung bakit ganoon at sa tuwing ito ang aking kinakain, hindi mo ako makakausap ng matino. 

   Sa pagtatapos ng aking artikulo, sana ay natangkilikan rin kayo na kumain nito at naipahayag ko kung gaano ko kagusto ang putahe. Nais kong ipaalam na madali rin itong lutuin at kayang-kaya ninyo itong gawin. Kaya kung may mga panahon na hindi niyo trip kumain ng kanin, maaaring carbonara ang inyong lutuin. 




  





11 comments:

  1. nice naman. mgnda at naishare mo sa iba ang kahiligan mo sa pagkain ng carbonara. :)

    ReplyDelete
  2. ako din ay mahilig sa carbonara, na orihinal na nanggaling sa italya. :) ito para sa akin ay susyal na pagkain, kung manggagaling sa mga prestihiyosong mga restaurant. :)

    ReplyDelete
  3. Sarao neto :D Isa din ito sa mga paborito kong pasta dishes. :) Nice Cheng! :D

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. sobrang hilig ko din sa carbonara .. lalo na ang lutong carbonara ng aking ina !! bukod sa pagkaing pinoy .. pagkain din ng mga italyano ang nagbibigay sa akin ng ngiti pag ako'y gutom na gutom ..

    ReplyDelete
  6. Pareho tayo ng paborito, Cheng! Hinding hindi ako nagsawa sa carbonara. :D

    ReplyDelete
  7. Carbonara! mabigat to siya tiyan. kaya kahit mejo mabigat sa bulsa. sulit naman. :)

    ReplyDelete
  8. CARBONARA! Paborito kong orderin sa mga restawran, at marunong din akong mag luto nito,.. masarapp lalong lalo na kung dadagdagan mo ito ng mga herbs and spices..

    ReplyDelete
  9. carbonara! ang puting spaghetti! paborito ko din ito nung bata pa ako! napaka sarap ng mga pasta!

    ReplyDelete