Saturday, November 20, 2010

Sa Kailaliman ng aking Gunamgunam


Noong ako’y nasa mataas na paaralan ng Cabiao sa Nueva Ecija, hinding hindi ko malilimutan ang kaarawan ng aking mga kabarkada. Sa tuwing sasapit kasi ang kanilang kaarwan, kami na kanilang butihing mga kaibigan ay magpapatakpatak para sa maliit na salu-salo sa aming tahanan upang ipagdiwang ito. At sa bawat pagdiriwang na iyon, nakapaloob ang walang kapantay na saya, na hindi kailan man namin mararanasan kung wala ang aking spaghetti. Napakasarap talaga nito, bukod sa sustansya mula sa Del Monte tomato sauce na may lycopene (pang iwas sa cancer) na aking ginagamit, ay mas pinasustansya pa ito ng mga sangkap tulad ng baka “kung kulang sa badyet ay baboy”, krema, gatas at kung anu-ano pang sangkap, lalao pa’t sasabayan mo ito ng malamig na malamig na Cocacola at Red Ribbon cake.

Upang mas maliwanagan ka kung ano ang nagpapasarap dito, hayaan mo sana akong palawakin ang aking paliwanag. Ang tunay na sikreto nito ay ang aking mga kaibigan. Tulad ng pasta nito, hindi naming mabilang kung gaano karaming hibla na ng kuwento ang aming napagkuwentuhan o di kaya nama’y tawa na aming itinawa sa tuwing kumakain nito, sa bawat buhos ng sarsa ay gayon din naman ang pagbuhos ng saya na tunay namang makikita sa kanilang mga mata  at sabay sa pagkayod ng keso ang pagkayod sa lungkot na nararamdaman ng bawat isa. Ang bawat spaghetti sa bawat kaarawan na iyo’y marahil ay may iisang lasa at timpla ngunit ito’y may handog na iba’t ibang kuwento, at tunay namang kagalakgalak at patuloy naming sasariwain o di kaya nama’y madalas itong bibisita sa aming mga gunita. At sa tuwing ako’y nagluluto ng spaghetti sa panahon na ito ay aking nagugunita ang masasayang pangyayari na pumupukaw sa aking puso kaya naman paborito ko ito dahil natatagpuan ko sa kailaliman ng aking gunamgunam ang mga paborito kong sandali kasama ang aking mga minamahal na kaibigan.

Sana’y matikman mo balang araw ang ganitong klase ng putahe dahil, aking sinisigurado na tunay kayong gaganahang mabuhay sa oras na makakain kayo nito.

7 comments:

  1. masarap tlga kumain lalo na kapag ksma ang barkada. :)

    ReplyDelete
  2. Ang walang sawang spaghetti! Kapag may kaarawan, ito lagi ang aking naiisip dahil parang nakasanayan na ata natin na maghanda nito kapag may kaarawan.

    ReplyDelete
  3. Aww. Yven. Npaluha mo ko ;))
    Naaalala ko tuwing ipagluluto mo kami ng spaghetti mo. haaay. :(
    kakamiss wah. Paborito namin yang spag mo! :D
    Ang talap lsi ee. Dabess. As in. Pag nagkasama sama ulit tayo, ipagluto mo ulit kmi wah. Miss ko na kayong lahat. Syempre pati yang spag mo :P

    ReplyDelete
  4. the best ang spaghetti sa merienda :D

    ReplyDelete
  5. spaghetti. tama nga may lycopene yung tomato sauce para iwas cancer. healthy talaga. :)

    ReplyDelete