Saturday, November 20, 2010

BERDENG ADOBO


Manok at baboy, iyan lamang ang mga kadalasang alam ng mga Pilipino na luto sa adobo. Hindi nakapagtataka, sapagkat ako’y nagulat din ng ako’y ipinagluto ng aking ina ng isang putahe na bago sa aking paningin at panlasa. Hindi ko lubos maisip na may ganito palang uri ng putahe.

            Noong una ko itong matikman, ay sadyang nagulat ako sa taglay nitong sarap dahil hindi ko akalain na ang ganitong uri ng putahe ay papatok sa aking panlasa. Sa bango pa lamang nito ay siguradong matatakam ka na. Paano pa kaya kung ito’y iyong titikman? Aaminin ko, ako’y napasubo pa ng marami ng unang dumampi ang sarap nito sa aking bibig at mga ilang kanin din ang dumaan sa aking plato. Hindi ko akalain na pangunahing sangkap nito ay gulay dahil sa sarap ng pagkakaluto nito. Hindi man ito kasingsarap ng adobong manok o ng adobong baboy, higit na mas mataas naman ang sustansyang taglay ng putaheng ito kumpara sa dalawang unang nabanggit sapagkat gaya nga ng sabi ko, madahong gulay ang pangunahing sangkap nito. Ano? Nahulaan niyo na ba kung ano ang pagkain na tinutukoy ko sa artikulong ito?




      

Adobong Kangkong


            Adobong Kangkong? Oo, Tama. Adobong Kangkong ang paboritong kong pagkain na aking tinutukoy. Kangkong, suka, toyo, dahon ng laurel at kaunting paminta, ay solb na ang mga tiyan ninyo. Sinisiguro ko na ang mga taong makatitikim nito ay mahuhumaling rin sa sarap ng putaheng ito, gaya ko. Madali ng lutuin, pasok sa panlasa at higit sa lahat, magaan sa bulsa. Ano pang hinihintay niyo? Hihintayin mo pa bang tumulo ang inyong laway kakatitig sa larawan na mga ito? Subukan niyo ng lutuin at tikman, siguradong mapapaulit kayo sa sarap! 

7 comments:

  1. oh my!! gulay!! .. masarap yan at masustansya.. kung minsan ay nagluluto din ang aking ama ng ganyan na may kasamang kaonting baboy..

    ReplyDelete
  2. hindi ko pa ito natitikman. masarap nga ito dahil sa mga gulay. ayos lang din to kahit ito ang kainin mo kasama ang kanin. :)

    ReplyDelete
  3. Kakaiba man sa paningin, tunay namang napakasarap!

    ReplyDelete
  4. masarap nga itong adobong kangkong. :)

    ReplyDelete
  5. Sarap nyan sobra! Di ko alam kung bakit may mga di kumakain ng gulay eh :))

    ReplyDelete
  6. sa amin ihihahain dinn ito, kasama ng krispy kangkong, natural na masustansya ang kangkong at meron ito napakasarap na pampalasa

    ReplyDelete