Saturday, November 20, 2010

Mula Noon, Hanggang Ngayon...

Nagluto ang nanay mo ng ulam, ayaw mo ito. Gulay, isang kaserola ng “Bahay Kubo”, nakahain sa mesa niyo. Anong gagawin mo? Aha! Hihingi ka ng bariya sa iyong nanay at dali-daling bibili ng Pancit Canton sa kanto. Gutom ka na  o ‘di kaya nama’y nagpunta ang iyong mga kaklase sa bahay niyo, walang pagkaing nakahanda, Pancit Canton lang ang katapat niyan, Lucky Me! Pancit Canton. Isa sa mga naiwang kultura sa atin ng mga Tsino ay ang pagkain ng pansit. Ang salitang pansit ay galing sa salitang Hokkien na pian-e-sit na ang ibig sabihin ay “madaling lutuin”. Ang pansit din ay sinasabing nagpapahaba ng buhay kung kaya nama’y palagi natin itong makikita sa handaan sa iba’t ibang selebrasyon lalung lalo na sa mga kaarawan. Ang pansit ay talaga namang  naging parte na ng buhay ng mga Pilipino kung kaya nama’y sa aking palagay, naimbento ang mga “instant” na pansit, isa na nga rito ang Lucky Me! Pancit Canton.

Dahil sobrang daling gawin nito, kahit mga bata, ay kayang lutuin ito ng walang pagkakaiba sa lasa kung ihahambing sa niluto ng isang mas nakakatanda. Kailangan mo lang ng isang tasa ng tubig at siyempre, isang pakete ng Lucky Me! Pancit Canton na mabibili sa sari-sari store ng walo hanggang labing-isang piso. Natatandaan ko pa noong limang piso lamang ito ngunit, talagang nagmahal na ang bilihin pero sa tingin ko’y sulit na sulit ang pagbili nito. May limang klase nito, nariyan ang Original, Kalamansi (na aking paborito), Chili-mansi, Extra Hot at ang Sweet and Spicy. Paano ba lutuin ito? Sa tingin ko’y alam na nating lahat ngunit sasabihin ko na rin. Ilagay ang noodles sa isang tasang kumukulong tubig ng tatlong minuto. Samantala, haluin ang mga seasoning sa isang plato. Pagkatapos, tanggalin sa tubig ang noodles at isama ito sa hinalong seasoning. Pwede mo itong lagyan ng itlog, manok, karne, kanin, repolyo, carrots at kung anu-ano pa kung gusto mo. At presto! May umagahan, tanghalian, merienda o hapunan ka na!

Ano bang meron sa pagkaing ito? Mayroong Sangkap Pinoy Seal ang Lucky Me! Pancit Canton. NAPA ito, ang ibig sabihin ay walang preserbatibong kahalo at ito ri’y HALAL. Bukod sa MSG, meron itong Vitamin A, Iron at Protein. Nagbibigay din ito ng panahon sa pamilya upang magkasama-sama at magbonding habang kumakain. Sabi nga ng Lucky Me!, “Kainang pamilya, mahalaga”. Nagbibigay ito ng kasiyahan at pagkaramdam na gusto mo pa dahil hindi sapat, apat dapat. Ikaw, ilang Lucky Me! Pancit Canton ang sayo? Lucky Me! Pancit Canton, mula noon, hanggang ngayon!
~Julianne Fiona V. Tuvera

11 comments:

  1. OMG Pancit Canton!! Kahit wag mo ng sbihin sakin!! alm ko n na d best yan!! tska wow nosebleed sa tagalog

    ReplyDelete
  2. super daling lutuin nito. Siguro makakaubos ako ng tatlo, ang simple pero masarap

    ReplyDelete
  3. masarap na d pa mabigat sa badyet.

    ReplyDelete
  4. eto ang aking kinakain pag ako'y gutom na gutom na at matagal pang maluto ang aming ulam. for emergency talaga ang pancit canton. hindi nawawala sa stock food ng mga pinoy !!!

    ReplyDelete
  5. Ay ito paborito kong lutuin, sulit pa, mabilis pa, masarap pa! OH SAN KA PA?! HAHAHAHAHA! :D

    ReplyDelete
  6. I like the sweet & spicy variant... It became my favorite ever since I first heard it on TV... ^^

    Lucky Me! Pancit Canton indeed is a classic... :D

    ReplyDelete
  7. Tama, pag ayaw ng bata ng pagkain, nanghihingi ng perang pambili ng pancit canton.

    Pansit Canton ang aking almusal pag walang pagkain sa bahay. Minsan tanghalian ko rin pag tinatamad akong magsaing. Syempre meryenda na rin. Kaya hindi ako nagugutom basta't may Lucky Me! Pancit Canton sa aparador. Haha! :D

    ReplyDelete
  8. hahaha. oo nga. masarap, mura at mabilis pang lutuin. instant na instant. :)

    ReplyDelete
  9. PANCIT CANTON! Magluto ka ng singkwenta tawagin ang katropa ihain sa lamesa siguradong magsasaya. :))

    ReplyDelete
  10. Pag wala na akong makain mag bubukas na lang ako ng Cabinet at mag luluto nito pancit canton,.. pam puno sa aking gutom

    ReplyDelete