Sa tuwing ako’y nanghihina sa pagod dulot ng isa’t kalahating oras na byahe galing sa eskwela pauwi sa aming tahanan mula sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ang isip at sikmura ko’y nagmimithing makalasap at makahigop ng masarap na sabaw ng sinigang. Naiisip ko pa lamang ito habang ako’y papauwi ay gusto ko ng lumipad patungo sa aming tahanan para magpaluto sa aking mapagmahal na ina ng paborito kong ulam. Kahit ako’y pagod na pagod sa maghapong gawain sa eskwela basta’t sinigang ang ulam anuman ang mangyari ako’y kakain at kakain. Kadalasan kasi dulot ng pagod hindi ko na magawang kumain at naisin na lamang na magpahinga at matulog para mag-ipon ng enerhiya sa panibagong bukas na haharapin.
Ang sinigang ay isang lutuin at pagkaing Pilipino na kadalasang may sangkap ng karne o isda. Ito ay isa sa mga paboritong putahe ng mga Pilipino. Hindi ito nawawala sa hapag kainan ng bawat pamilyang Pilipino sa tuwing nagkakaroon ng salo-salo. Pangunahing katangian ng lutong ito ay ang kaniyang maasim na sabaw. Karaniwang sinasahugan at tinitimplahan ito ng mga maasim na prutas, tulad ng sampalok, kamyas, o bayabas. Mayroong iba’t-ibang klase ng sinigang, tulad ng sinigang na baboy, sinigang na manok, sinigang na hipon, sinigang na sugpo, sinigang na isda, sinigang na baka, at sinigang na mga gulay na may alamang. Ang mga nagbibigay lasa naman na pampaasim ay sinigang sa miso, sinigang sa bayabas, sinigang sa sampalok, sinigang sa santol, sinigang sa limon, sinigang sa kamiyas, at sinigang sa mangga.
Ang paborito ko sa lahat ng klase ng sinigang ay sinigang na baboy. Ang pangunahing sangkap nito ay baboy (kasim o buntot), bawang na pinitpit, sibuyas na hiniwa ng maninipis, kamatis na hiniwa ng pahilis, bagoong isda, sampaloc, gabi, sitaw, labanos, kangkong, at siling pari. Walang eksaktong sangkap ang sinigang na baboy sapagkat may iba’t-ibang istilo o pamamaraan ng pagluluto ng sinigang na baboy sa bawat lugar sa Pilipinas.
Nang una kong matikman ang sinigang na baboy ng aking lola. Ako’y sarap na sarap sa kanyang luto. Sabaw pa lang ulam na. Kahit sinigang na baboy ang kainin ko sa umaga, tanghali at gabi ay hindi pa rin ako nagsasawa. Lalo na kapag malamig ang panahon, masarap humigop ng mainit na sabaw na magbibigay init sa iyong buong katawan. Pagkagat ko pa lang sa malambot na baboy nito’y pakiramdam ko’y pumapalakpak ang tenga ko sa sarap sundan mo pa ito ng paghigop ng maasim na sabaw na parang kinikiliti ka sa asim. Nagbibigay anghang pa ang labanos at siling pari para lalong lumabas ang lasa at gumuhit ito sa iyong lalamunan. Samahan mo pa ng gabi na nagpapalapot sa sabaw na tumutulong sa pagpapasarap ng bawat higop mo sa sabaw.
Kaya kong harapin kahit anong klaseng gawaing uubos ng akong enerhiya sa katawan basta may sinigang na baboy na magbibigay lakas sa akin at magbibigay ng ngiti sa aking mga labi kapag ako’y busog na.
Isang magandang katha na ang layunin ay upang ibahagi ang personal na karanasan at saloobin sa pagkaing pinoy na ang tawag ay sinigang.
ReplyDeleteIto'y makakatulong ng malaki sa pagpapalawak ng kaalaman ng tao tungkol sa nasabing putahe, lalong-lalo na sa mga nagsisimula o nagnanais na matutunan ang pagluluto nito.
totoo to miel. parehas kayo ng bunso kong kapatid sobrang takaw sa sinigang. well kasi naman. sino bang hindi matatakam diba? gawang pinoy pa. :)
ReplyDeletesuper healthy sapagkat maasim at madaming gulay....medyo fave ko din yan dahil pagkaing pinoy at masarap
ReplyDeleteang putahe na iyan ay isa sa paborito ng ating pamilya,pagkaing pinoy na pinoy ang lasa,may karne na at maraming gulay na masustansya.alam ko na di kumpleto ang luto nating sinigang na baboy kung hindi lalahukan ng gabi at kamatis,pero mas mainam kung marami tlgang klase ng gulay na bagay na bagay sa lutuin na yan!dhil sa mga sustansyang dulot sa atin ng mga ito!
ReplyDeletethe best talaga pag lutong pinoy. yummy :D nagutom tuloy ako sa pagkakadescribe hehe
ReplyDeletefavorite ko din yan.parehas pala tayo.namiss ko tuloy lutong pinoy.saktong-sakto mga detalye mo miel.proud to be pinoy ka !!!
ReplyDeleteMasarap at masustansya ang mga sangkap nito, lalong lalo na ang radish at kangkong..
ReplyDeletetamang-tama ang sinigang na baboy tuwing tag-lamig.nagbibigay buhay sa mga dugo natin lalo na't kung ito'y tinatamad dahil sa lamig.
ReplyDeletewalang katumbas para sakin ang sarap ng sinigang na baboy.panalo kahit sa panlasa ng ibang lahi.dapat ipagmalaki natin ang lutong pinoy !!!
ReplyDeletewalang makakapantay sa lasa at sarap ng sinigang.ito n marahil ang masasabi kong isa sa mga signature cuisines ng mga pinoy :)) 2 thumbs up :))
ReplyDeleteWoW! Ang sarap! Kapag ito yung ulam namin sa bahay, hindi ko mapigilan na makadalawa o tatlong plato ng kanin.
ReplyDeleteAnsarap ng sinigang! Gusto ko din to 'mielle, Lalo na yung maasim na maasim na sabaw! :D
ReplyDeleteSinigang. Isang masarap na ulam sa malamig na panahon. Naaangkop ito para ngayong pasko. Isang sinigang sa malamig na pasko.
ReplyDeleteAng sarap naman ng sinigang na baboy! Lalung- lalo na kung umakain sa tabing dagat! ;D
ReplyDeleteMasarap tlga ang sinigang! Lalo na kpag malamig ang panahon. :)
ReplyDeleteWalang tatalo sa sinigang na baboy. Na-miss ko talaga 'to nung nasa Riyadh pa ako. :D
ReplyDeleteisang katakam-takam na pagkain. :)))
ReplyDeletedi ko na matandaan kung kelan ako huling nakatikim ng maasim na sinigang. pero tuwing naaalala ko yang putahe na yan, naiisip ko yung init ng sabaw at ang saktong lasa nito kasama ng kanin at higit sa lahat, yung taba ng baboy na unti unting natutunaw sa aking bibig :))
ReplyDelete