Saturday, November 27, 2010

Lasapin, Basahin ang Paborito Kong Pagkain!

Lahat tayo ay mayroong “comfort food” na tinatawag. Iba’t-ibangpagkain na kung saan tayo ay tila ba nasa langit sa tuwing tayo ay nakakakain nito. Ang iba sa atin ay mahilig sa gulay, baboy, baka o manok. Ngunit para sa akin, ang mga pagkaing dagat ang  pinaka masarap sa mundo! Sa mga ito, lasap na lasap mo ang natatanging lasa na nanunuot sa bawat isda at molusko.

            Ngunit sa lahat ng lamang dagat na aking natikman, ang higit na nangingibabaw sa aking panlasa ay ang alimango. Hindi lamang dahil sa malasa nitong katangian ngunit pati na rin dahil sa tila baga isang pagsubok na paraan para ito ay makain. At isa sa mga paborito ko na paraan sa pagluluto nito ay ang ginataang alimango. Kung kaya naman ay napakahilig kong magluto nito sa aming bahay lalo na kapag ito ay nilalagyan ng kalabasa at mais. Madali lamang ang proseso nito, una, igisa ang mais sa bawang at sibuyas, kung ninanais ay isama na rin ang bagoong. Kapag luto na ang mais, ibuhos na ang pangalawang gata kasama ang kalabasa at alimango. Hintaying maluto at ibuhos na ang kakang gata.

            Napaka simple at daling paraan para malasap ang isang masarap at napaka sustansyang pagkain! Subukan niyo din magluto upang maranasan niyo ang ika-pitong langit! Halina, lasapin at basahin ang paborito kong pagkain! 

10 comments:

  1. love it. minsan lang ako makatikim ng katulad nyan, pero, talaga namang napaka sarap nitong putahe na ito. at muka ngang mas sasarap pa ito kung hahaluan ng kalabasa, mais at bagoong, katulad ng iyong nabanggit. :)

    ReplyDelete
  2. masarap ito!! lalo na yng laman sa loob ng talukap. :)
    da best ang luto na ito! masarap na healthy pa.

    ReplyDelete
  3. Sa totoo lang, hindi pa talaga ako nakakakain ng alimango. Pero sa tingin ko ay masarap nga talaga ito. Lalo na't ginataan! :D Isama pa ang paborito ko, ang mais! :D

    ReplyDelete
  4. Paborito ko rin 'to! Naaalala ko noon, pinagsasabihan pa ako ng ninang ko kasi di daw ako marunong maghimay ng alimango. Hahaha.

    ReplyDelete
  5. hindi ako masyadong nakakatikim ng alimango pero sana matikman ko ng ganitong pagluluto.:)))

    ReplyDelete
  6. nice blog! :)
    keep it up!
    pag luto mo kami nian ha? :)

    ReplyDelete
  7. masarap yan kung maanghang.....yummy....

    ReplyDelete
  8. hi, try niyo po yung yoogane and make a review of it :D

    https://www.facebook.com/YooganePhilippines?fref=ts

    ReplyDelete