Sunday, November 21, 2010

CRISPPPPPPPPPY PATA
by: Peter Martin

Para sa isang taong nagkukumahog ang tiyan, maamoy pa lang nila ang kanilang paboritong putahe ay mananakam na sila at maglalaway dahil sa kagustuhang matikman ito. Pero para sa isang matakaw na mahilig sa karne, yung tipong may mga bulateng umiiyak na din sa tiyan niya dahil sa sobrang gutom, marinig lang nila ang CRISPY PATA ay mapapa-ulala sila sa sarap at linamnam; kung baga eh kanin na lang ang kulang. Sa aroma pa lang habang ito ay niluluto at hinahanda ay talagang maglalaway ka kagad, eh pano pa kaya kung kumurot ka nito para tikman...panigurado, magkaka-kanser ang balat ng pata dahil sa wantusawa mong kakukurot.

Teka teka..bago natin isipin ang kasarapan ng CRISPY PATA ay alamin muna natin ang mga kailangang sangkap:
·         1 buong pata ng baboy
·         1 bote ng Sprite o 7UP
·         1 buong bawang at sibuyas
·         8 peppercorns
·         1 kutsarang asin
·         2 kutsarang patis
·         ½ kutsara ng baking soda
·         1 kutsarang betsin
·         4 na kutsara ng flour
·         Katamtamang dami ng mantika para sa pagpiprito
·         Katamtamang dami ng tubig para sa pagpapakulo

Eh paano naman kaya ito niluluto???
1.       Linisin ang buong pata ng baboy. Tanggalin ang mga maliliit nitong buhok sa pamamagitan      ng pag-scrape sa balat gamit ang kutsilyo. Hugasan itong maige.
2.       Gumawa ng apat o limang hiwa sa gilid-gilid ng pata.
3.       Ilagay ang pata sa tubig na may halong softdrink at asin. Hayaan lang ito sa loob ng 20 minutos hanggang sa ito ay kumulo. Pagkatapos, idagdag ang baking soda, bawang, sibuyas, peppercorns at ituloy lang ang pagkakapulo nito sa loob ng 10 minuto.
4.       Hanguin na ang pata sa pagkakakulo at hayaan itong matuyo sa loob ng 24 oras. Ang pinakamabilis na proseso ay patuluin ang pata at ilagay ito sa loob ng refrigerator sa loob ng 1 hanggang 3 oras.
5.        Matapos gawin ang ika-apat na proseso, pahiran ang pata ng patis at budburan ng flour.
6.       Iprito na ang pata sa mainit na mantika hanggang maging golden brown.
7.       Kainan na!

Matapos nating malaman ang mga kakailanging sangkap at ang proseso ng pagpeprepara at pagluluto nito ay maaari na nating mantakan ang Crispy Pata sabay ng pagsubo ng kanin. Sa bawat kagat, isang malakas na ‘kraaaaaaaakkk’ ang katumbas. Sa sobrang sarap nito ay baka malimutan mo na ang pangalan ng kapitbahay n’yo.. Naging paboritong ulam na ng mga Pinoy ang Crispy Pata na minsan ay ginagawang pulutan kapag may inuman. Mahirap man itong gawin ngunit walang katumbas ang kasarapan nito lalo na kung ito ay isasawsaw sa Mang Tomas.

Crissssssspy Pata ang napili kong putahe dahil ito ay sobrang sarap at kapag ulam namin ay ganito, ako ay natutuwa dahil sabay-sabay kaming kumakain ng aking pamilya at pagkatapos ay naghihimas ng tiyan dahil sa sobrang kabusugan. Lubos kong itong ipinagmamalaki at irerekomenda sa lahat na tangkilikin natin ang pagkaing Pinoy; kaya sa ang huli kong masasabi ay GUSTO KO NG BABOOOOOOOOOOOOOOY.


5 comments:

  1. the best talagang kumain lalo na kapag kasama ang pamilya.

    ReplyDelete
  2. ayos yan lalo na pag pinipilit mung tanggalin yung mga laman ahahaha.pangpulutan pa!

    ReplyDelete
  3. weeee. Crispy Pata. my favorite too. sarap!

    ReplyDelete
  4. Crispy pata, or PATATIm, naalala ko ang iniluto sa amin noong sembreak noong umuwi kami ng palawan,.. dalawang malalaking hita ng baboy na ipinirito, hangang itoy maging malutong,.. at isaw saw sa tayo na may hiniwa hiwang sibuyas at silimahaba..

    ReplyDelete
  5. pampataba talaga itong putahe na ito :))

    ReplyDelete