Sunday, November 21, 2010

Pandesal at Kape, umaga man o gabi.


May English Bread, German Bread at French Bread, pero bakit walang Japanese Bread? At para sating mga Pilipino ay mayroong PANDESAL.

Simula noong bata pa ako, at hanggang ngayon na ako ay isang binata na, palagi kong hinahanap sa lamesa ang pandesal at kape. Pag gising sa umaga, at kahit sa pagpupuyat, eto ang palagi kong karamay. Eto ay simple lang tignan, pero eto ay UBOD NG SARAP.

Pwedeng isawsaw ang pandesal sa kape, o kaya naman lagyan mo ng palaman ang pandesal, ito ay ang pinakamadalas na makikita mong seting ng almusal sa hapagkainan ng halos lahat ng Pilipino. Pwede itong kainin habang nararamdaman mo ang simoy ng hangin at naririnig mong pumatak ang ulan sa iyong bubong, o kaya habang nagpapasikat si haring araw.

Para naman sa kape, hindi kailangan na sosyal ang iyong iniinom, hindi mo kailangan ng STARBUCKS. kahit simpleng sachet lang sa tindahan na naghahalagang limang Piso ay pwede na.

Mula noong panahon na piso isa ang pirasong pandesal at hindi pa nauuso ang 3-in-1na kape, paborito ko na to. At hindi ako nag-iisa. Nang tinanong ko ang aking kaibigan na si Emman Coronel tungkol sa pagkain na ito, ang kanyang sinabi ay "PERFECT COMBINATION PARA SA ALMUSAL!".

Para sa akin, hindi ka matatawag na isang tunay na Pilipino hangga't di mo nasusubukan ang pinagsamang sarap ng kape at pandesal.

12 comments:

  1. Wow may special mention pa ko. HAHAHAHA. Sarap talaga nyan. Walang matigas na tinapay sa mainit na kape. :)) - Emman Coronel

    ReplyDelete
  2. naaalala ko tuloy lolo ko dahil sa pandesal. naalala ko na kapag andun kami sa kanila laging may pandesal kaming meryenda kapag hapon. wala lang. haha. :))

    ReplyDelete
  3. nice! tunay na nakakabuhay ng loob ang pandesal at kape sa umaga! :)))

    ReplyDelete
  4. Pandesal tska kape! Gustong gusto ko talaga nyan, umaga o gabe. Lalo na kapag Pan De Manila ung pandesal. Langit. O:-) tska uubusin ko tlga yung kapeng pinagsawsawan ko hahaha

    ReplyDelete
  5. Hindi maikakailang paborito at kinagisnan na kainin ng mga Pinoy ang PANDESAL AT KAPE. Hindi lang dahil sa masarap ito, dahil na din sa presyo nitong abot kaya!

    Napakagandang kombinasyon para sa kumakalam na sikmura. Wala ng pakialam ang tao kung matigas man ito, dahil sa pagkakaalam ko, "WALANG MATIGAS NA TINAPAY SA MAINIT NA KAPE" umaga man, tanghali, merienda o gabi.

    ReplyDelete
  6. masarap tlga ang kombinasyon ng kape at pandesal. lalo na kpag isasawsaw ang pandesal sa kape. bgay na bgay dn yan kapag malamig ang panahon lalo na ngayong malapit na ang pasko. :)

    ReplyDelete
  7. Hindi man ako umiinom ng kape, isa akong patunay na ang kape at pandesal ay parte na ng bawat bahay ng mga Pinoy :>

    ReplyDelete
  8. napakasarap talaga na pandesal at kape mapaumaga man o gabi, lalo na kung malamig ang klima. :D

    ReplyDelete
  9. masarap ang kape, at pandesal, pag gasing sa umaga amoy kaagad ng niluluting pandesal ng mga bakery ang aking naamoy.
    Pag sobrang maraming ginagawa at hindi pwedeng matulog, iinom tayo ng kape, upang maiwasan ang hindi inaasahanh tulog.
    pati na rin sa mga PULAW, kape at biscuit..
    Sadyang hindi na ito mawawala sa panlasa nating mga Pilipino.

    ReplyDelete
  10. Sakto yan kinakain ko ngayon. :D

    ReplyDelete
  11. s almusal at lalo n pnlaman s tyan . .














    ReplyDelete